Maikli ang eksena ni Giro del Rosario sa pelikulang Booking na nag-streaming sa VMX simula noong Hulyo 24, 2026.
Gumanap siya bilang isa sa mga pasaherong nag-booking sa ride-hailing driver na si Donna (Margaret Diaz).

Kumusta ang unang sabak niya sa VMX?
"Yung sa Booking screen testing,” sambit ni Giro nang makatsikahan namin sa photo shoot ng timpalak na Pintados Year 3 noong Oktubre 16, 2026, Biyernes ng gabi, sa Hamada Massage and Wellness Spa, Sct. Ybardolaza St., Quezon City.
“Bale gusto nilang makita yung register ng mukha ko sa kamera kung maganda. So medyo pa-tweetums-tweetums lang ako roon.”
Kumustang kaeksena si Margaret?
“Okay naman kaso, yung sexy scene, mahirap. Kasi nasa loob kami ng kotse, mainit,” saad ni Giro.
“Nailang ako kasi, siyempre, first time ko. Tapos andaming kamera, tapos may sexy scene. Kaya nakailang take kami.
“Paulit-ulit. Puro pasa na nga siya sa tuhod, e, dahil sa eksena.”
Kabilang pa sa mga nakalampungan ni Margaret sa Booking sina Nico Locco, Nico Valdez, John Carlo Sacro, at Denise Esteban.
Read: The Master Cutter top 2 on Netflix; Someone, Someday exits Top 10
FRESH MEAT
Ang kasunod na project ni Giro sa VMX ay iyong Fresh Meat, kung saan tampok din sina Nico Valdez, Joko Rivera, at James Vasquez.

Nag-streaming sa VMX Plus ang idinirek ni Rodante Y. Pajemna Jr. umpisa Setyembre 26.
“Sa Fresh Meat, lead actor na ako doon. Kaya ayun, medyo napasubo rin talaga sa mabigat na role!” bulalas ni Giro.
“Medyo mas malala yung sa Fresh Meat. Mas daring, ah, pero okey lang, new experience siya para sa akin.
“Malala yung laplapan namin ni Yasmin Alba sa sofa. Okey naman, na-enjoy ko rin.
“Maganda rin kasi si Yasmin Alba. Hindi ka mahihirapang makipag-eksena sa kanya. Saka sexy, ayan.
“Ang problema lang, natanggal yung plaster ko. So, nag-retake ulit kami kasi nasira yung plaster ko.”

Bakit nasira ang plaster niya?
“Sa eksena. Nag-uuntugan, e.”
Hindi na raw tinanong ni Giro si Yasmin kung nailang ba ito nang matanggal ang kanyang plaster. Personal matter daw kasi iyon. Sabi-sabi, okay sa ibang artista na hindi sila nakaplaster sa sexy scene…
“Okay lang din naman sa akin kung walang plaster, pero mandatory iyon. Mandatory sa VMX na kailangang magplaster sa sexy scene,” pagmamatwid ni Giro.
“Nakasama sa kontrata iyon na pinirmahan ko, e. Na kailangan, may plaster talaga.”
Ano ang dating sa kanya kapag sinabing Fresh Meat? Ano ang pakahulugan niya?
“Sariwang laman. Kaya nga kami yung Fresh Meat na kinuha, kasi kami yung mga bago doon sa VMX na mga lalaki,” sabi ni Giro.
“So parang nagtiwala din sila sa amin na kaya naming i-promote yung mismong VMX.
“Siguro parang breakthrough nila yun para sa mga gay viewers, sa mga babaeng viewers. Kasi usually, ang binebenta ng VMX, mga babaeng artista, e.
“So gusto nilang ma-introduce yung panibago naman sa paningin ng ibang tao.
“VMX Plus kasi yung sa amin. Hindi naman siya VMX lang. Kasi, di ba, pag may VMX app ka, kung naka-subscribe ka, puwede mo nang panoorin yung mga pelikula.
“Unlike iyong sa Fresh Meat, nasa VMX Plus, may panibagong bayad pa para mapanood siya.”
Read: Gawad PASADO 2026: Maris, Charo, Jericho, Joshua win top honors
FRONTAL NUDITY
Just in case, willing ba siyang mag-frontal nudity sa pelikula o halimbawa ay sa teatro?
“Sa Fresh Meat, may frontal nudity ako doon sa solo scene. Si Nico, bakat lang. Sa akin, frontal talaga,” pagsisiwalat ni Giro.
“Silhouette siya. Hindi naman siya totally kitang-kita. Hindi naman siya totally visible pero naaaninag mo lang.
“Ako lang yung nag-frontal.”
Bakit o paano siya napapayag na gawin iyon?
“Yun ang nasa script, e. So, okay lang, nagtiwala ako kay Direk Roe,” sabi ni Giro.
“Nagulat ako siyempre dahil pangalawang pelikula ko pa lang tapos ganoon agad iyong responsibility na ibinigay sa akin.
“May kasamang ilang nung gawin ko po iyong eksena, pero bilang lang yung tao sa set that time.
"Tapos hindi naman ako totally kitang-kita, kasi against the light lang po ako.
“Bale silhouette lang.”
Kaya ba niyang mag-frontal nudity muli, na hindi silhouette lang kundi level up?
“As of now, hindi ako makapag-commit sa ganoon. Hindi ko pa puwedeng sabihin nang tapos na payag ako or hindi.”
GIRO’S GYM
Last year pa raw hinikayat si Giro na mag-VMX, pero hindi agad siya napahinuhod.
Katwiran ni Giro: “Before kasi, content creator ako sa social media, e. Naiisip ko na baka ah maging hindrance din siya sa negosyo ko sa General Trias, Cavite.
“May gym ako doon, Giro’s Gym. Three years na iyong gym, at okay naman po.”
Apat silang mga alaga ni Lito de Guzman na mga bida sa Fresh Meat.
May competition sila?
“Wala, wala po. Wala, enjoy lang. wala naman, wala naman,” mabilis na sagot ni Giro.
“Kasi ah behind the camera, magkakaibigan naman kami. So yung shooting, na-enjoy rin namin. Kasi kami-kami lang ang magkakasama. E, comfortable kami sa isa’t isa. So nag-enjoy rin ako.”
Ano ang feedback ng kanyang mga kaibigan, kakilala, o kapamilya sa paggawa niya ng VMX projects?
“Kung pag-uusapan natin yung about sa family ko, sa relatives ko, never naman silang nanonood ng pelikula ko,” sagot ni Giro, na taga-Kawit, Cavite.
“Kasi medyo conservative din yung family ko. Nababalitaan nila pero ayaw na rin lang nilang usisain.
“Ayaw nilang i-scrutize about sa pelikula kung ano iyong ginawa ko. Pero alam lang nila.” Ano ang hugot niya sa buhay na puwede niyang magamit sa pag-aartista?
“Habang may panahon, galingan mo na.”
PINTADOS 2026
Kasali sana sa Pintados Year 2 si Giro. Nag-photo shoot na siya noon, na sinamahan pa siya ng kanyang nanay at isang trabahador sa kanyang gym.
“Last year, 2025, nagkaroon ng hindrance gawa ng nagkaroon ako ng accident,” pagbabalik-tanaw ni Giro.
“Kaya napa-back out ako sa Pintados last year. Hindi ako natuloy. Nagkaroon ng hindrance kaya this year, nag-try akong sumali ulit.
“Sinabihan naman ako ng organizer na si Nanay June [Laxa] na sumali, saka yung agent ko na si Mommy Devorah [Lopez] na sumali nga ulit ako.
“So sumali ako, kasi feeling ko, ito yung redemption ko.”

Malaki-laki ang nagastos niya sa pagpapa-tattoo. Iyong ipinadutdot niya sa likod ay nasa PHP100,000 na.
“Eighteen years old ako nang first time magpa-tattoo. Varsity kasi ako that time, e, sa school, Perpetual sa Las Piñas,” kuwento ni Giro.
“Kapagka varsity ka, parang may excuse na even may tattoo ka, puwede ka pa ring pumasok sa school.
“Kaya ayun, nag-take advantage ako sa privilege na yun.”
Bakit nagpa-tattoo siya kahit magastos?
“Nakahiligan ko. Mahilig ako na… hinanap-hanap ko yung sakit. Tapos everytime na nagpapa-tattoo ako, parang iniisip ko na gusto kong magkaroon pa ng more than that.”
Si Denver Argana ang winner sa inaugural Pintados noong 2024. Nag-second runner-up si Denver sa Mister Fitness Supermodel World 2025 na ginanap sa Vietnam.
Ang wagi sa Pintados 2025 ay si Jheo Maniego Alcoriza.
Kabilang sa contenders sa Pintados 2026 ang dating indie actor na si James Pinca, ang isa sa MaxBoyz na si Ariel Piala, at ang digital creators na sina Mark Lee Cañezo, Marky Silva, Jayvinne Klein Jainar, at Andrei Gonzales.
Kalahok din sina Simon Abrenica, Aga Miguel, Henrick Rafael Diaz, Marvin Jimenez, Harvey Galang, Kenji Rodriguez, Hero de Guia, Webster Eleazar, Harold Go, Ian Generoso, Mark Bryan Abulencia, at iba pa.
