PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zaijian Jaranilla reacts to Seeds of Peace MMFF 2026 issue

Zaijian Jaranilla talks Guryon, Santino image, and MMFF 2026 issue.
by PEP Troika
Published 8 hours ago
zaijian jaranilla
Zaijian Jaranilla hopes Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF will still be screened at the 2026 Metro Manila Film Festival despite a reported possible disqualification. The actor, who plays the slain Claretian priest, says the matter is now up to the film’s producers and the MMFF Executive Committee.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ayaw magkomento ni Zaijian Jaranilla sa isyung kinakaharap ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 entry niyang Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF.

Kahit ang direktor nilang si Rommel Galapia Ruiz ay wala pa ring pahayag dahil sa pagkakaalam niya ay iniimbestigahan pa ito.

Sabi ni Direk Rommel nang kinumusta ko, hinihintay nila kung ano ang magiging decision ng MMFF Executive Committee bago sila maglabas ng statement.

Kabilang ang Seeds of Peace sa inanunsiyong huling apat na pelikulang nakapasok sa MMFF 2026.

Ang tatlong iba pa ay Los Salvajes Bravos; Little Hope; at A Perfect Marriage.

ZAIJIAN JARANILLA IN SEEDS OF PEACE ENTERING MMFF 2026

Sa premiere night ng advocacy film na Guryon noong Oktubre 17, 2026, Sabado, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, hiningan ng reaksiyon si Zaijian tungkol dito.

Si Zaijian ang gumaganap na Father Rhoel Gallardo sa Seeds of Peace, at siya rin ang bida rito sa Guryon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Zaijian, hindi niya inakalang makakapasok itong Seeds of Peace sa 52nd MMFF.

“Sobrang saya po dahil unexpected po yon! Hindi ko po inaakala na papasok po siya dahil meta documentary po yon,” sabi ni Zaijian.

“And nagulat po ako na tinanggap siya ng MMFF. And malaking bagay nga po yon dahil sa mga Claretian para mabahagi rin yung kuwento ni Fr. Rhoel.

“At dun po sa family ni Fr. Rhoel. Dahil gusto din po nilang ipakilala si Fr. Rhoel na tina-try nila na maging saint siya.

“So sana po ay suportahan din ng Simbahan natin, ng mga Pilipino. Kaya malaking bagay po yung matanggap po siya sa MMFF."

seeds of peace mmff 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMFF 2026 last four films announced

SEEDS OF PEACE IN DANGER OF BEING DISQUALIFIED

Hiningan namin ng reaksiyon si Zaijian sa isyu ng Seeds of Peace na nanganganib umanong ma-disqualify sa MMFF 2026.

Ani Zaijian: “Sa mga ganun pong usapin, parang hindi ko na po siguro… nakakapanghinayang, opo.

"Pero sana, kung mabibigyan naman ng pagkakataon, e, sana po mag-push through pa rin.

“Pero sa mga ganung usapin po, hindi na po ako… kumbaga, labas na po ako dun.

“Sa producer na po yung usapan na yun. Pero sana po, kahit papaano ma-consider.”

Umaasa siyang malagpasan ito ng kanilang pelikula, na parang may mensahe na call for action.

“May pagka-violence din yung kanyang kuwento. Saka medyo kumplikado dahil may religion,” saad ni Zaijian.

“Alam niyo naman ang mga usapin sa panahon ngayon — religion — at ayun nga po, may violence.

“Pero maganda po na maipasok siya at maipalabas sa MMFF, na makita rin ng iba’t ibang kababayan natin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sabi ng producer ng Guryon na si Alpha Carmina Valdez ng Blackfire Entertainment Film Production, hinintay nilang maging available sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat dahil gusto talaga nilang sila ang mga bida ng pelikulang ito.

guryon cast and producer
Zaijian Jaranilla, producer Alpha Carmina Valdez, and Kanye Avendaño.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang role model si Zaijian para sa kanila, dahil hanggang ngayon ay nakatatak pa rin talaga ang imahe nito bilang Santino ng seryeng May Bukas Pa.

Malaking bagay yung Santino image ni Zaijian kaya sa kanya ito ipinagkatiwala.

Kagaya nitong role niya bilang si Nestor sa Guryon, bumagay sa kanya ang role ng isang batang inabandona ng tiyuhin at tiyahin niya, at siya na lang ang nagtaguyod na palakihin ang kanyang batang kapatid na ginagampanan ng baguhang child actor na si Kanye Avendano.

Aminado si Zaijian na dahil nandiyan pa rin ang Santino image niya, sa kanya ipinagkakatiwala ang mga ganitong proyekto kagaya ng sa Guryon.

“Doon sa image na Santino… parang wala naman iyon sa plano ko,” paliwanag ni Zaijian.

“Na ipakita ko, ‘Hindi! Ganito ako talaga!’ Parang mas ano lang po ako, mas totoo lang ako lalo na po pag gumaganap.

“Kasi pag may mga ginagawa po akong mga pelikula, or katulad nga po ng sinasabi ninyo, yung mga daring — hindi naman po talaga ako nagta-transform sa, ‘Ahh, magiging ano na ako! Magiging daring na ako, ganito. Magiging sexy na ako.’

“Parang kung ano po ako as a person, yun pa rin ako. Kung gumagawa po kasi ako ng character, pag nag-i-internalize ako, hindi mawawala talaga yung parte po na Zaijian at doon sa gagampanan ko.

“Lagi pong 50-50 po yun. So feeling ko po, natural na lang din siya. Talagang lumalabas. At malaking bagay rin na hindi ka trying hard.

“Kasi pag nag-try hard ka, mas lalo kang napapansin na, ‘Hey! Inaartehan lang ako nito.’ Or, ‘Ineechos lang ako nito.’

“So pag ganun po, yun nga, mas nagiging totoo lang ako. Mas transparent ako. Mas ipapakita ko po kung ano yung gusto kong ipakita.

“And in terms naman po sa mga ganun, napagtutulungan din naman po yun ng direktor, yung timpla ng kung anong gusto niyang karakter na nakikita niya sa iyo.

“Kaya po may mga notes din yon. Kaya feeling ko po, hindi naman siya sa pagme-maintain ng pagiging image ni Santino.”

ZAIJIAN JARANILLO'S SANTINO IMAGE

Sang-ayon ba siya na dahil sa Santino image, sa kanya ipinagkakatiwala ang mga ganung klase ng project?

“Feeling ko po, may ganun. May ganung magic. May ganung magic po yung si Santino,” pag-amin ni Zaijian.

“Dahil hindi naman siguro ako magiging gaganap na pari kung hindi ako naging si Santino.

“Yung iba nga po, hindi na nila alam ang totoo kong pangalan. ‘Uy! Si Santino yun, ah!’ Ganun po.”

Maliban kina Zaijian, Xyriel, at Kanye, nasa cast ng Guryon sina Ruby Ruiz, Ron Angeles, Ramon Christopher, Ping Medina, Dindo Arroyo, Polo Ravales, Rob Sy, Paolo Serrano, Pekto, Gene Padilla, at Sabrina M, sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

guryon poster

Read: Giro del Rosario reveals what it’s like to shoot daring VMX scenes

NOEL FERRER

Nababagay raw sa mga kabataan ang Guryon dahil sa mensaheng gustong iparating ng pelikula.

Sabi ng producer nitong si Alpha Carmina Valdez: “Actually po, ang plano namin, una siyang ilabas sa mga school. Since isang advocacy film and I think na mas makaka-help siya more on youth.

“Para ma-revive natin yung mga values natin and some realization na nawawala na. Katulad ng halaga ng pamilya, respeto, yung sipag at tiyaga.

“Kasi parang yan yung nawawala na sa panahon natin ngayon, e… sa generation natin ngayon.

“So, yun ang parang gusto naming ilako sa mga manonood na mga kabataan. Kasi pag sa mga kabataan kasi, sila pa lang yung possible e.

“Sila pa lang yung magkakaroon ng future experiences ng mga ganitong trauma, mga ganitong problema.

“Alam mo yung kung paano nila sosolusyunan. For example, yung abandonment, kung paano nila iha-handle.

“Gusto naming maipakita sa pelikula na hindi natatapos ang buhay dahil lang may nag-abandona.

“Dahil marami sa community natin, kahit hindi natin kadugo, maraming willing tumulong.”

Ayon kay Donald Jake Perez ng Blackfire Entertainment, kabilang sa mga paaralang pagpapalabasan ng Guryon ay PUP campuses, Liceo schools sa Cagayan de Oro, Rizal Memorial College of Davao, at St. Louis Universities, St.Paul Universities.

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zaijian Jaranilla hopes Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF will still be screened at the 2026 Metro Manila Film Festival despite a reported possible disqualification. The actor, who plays the slain Claretian priest, says the matter is now up to the film’s producers and the MMFF Executive Committee.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results