Trigger Warning: Mention of depression, suicide
JERRY OLEA
Ita-tackle ng one-act play ni John “Sweet” Lapus na True To Life ang mental health.
“This time, yung LGBT character, wala siyang pangalan dito,” pagsisiwalat ni Sweet sa mediacon noong Oktubre 14, 2026 sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, kung saan ini-reveal ang 12 finalists ng inaugural Puregold Teatro Panalo at kabilang doon ang True To Life.
“Nak and Ma lang Ng tawagan nila. Kasi nga, very close sila. ‘Anak’ ang tawag sa kanya nung kayang friend na babae, at ‘Mama’ naman ang tawag niya dun sa kanyang older friend na babae.
“Ahhh, yun medyo… sabi ko nga, puwede siyang continuation nung Taksyapo!, puwede rin naman siyang stand alone.”
Ang Taksyapo! ay one-act play ni Sweet na nag-debut sa Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad noong Hunyo 3-28, 2026 sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater sa CCP Complex, Pasay City.
IS TRUE TO LIFE BASED ON SWEET'S LIFE?
Buhay ba niya yung dulang True To Life?
“Not necessarily, to be honest,” sambit ni Sweet.
“Itong True To Life, pag pinanood ninyo ito, may mga taong nangyari ito. Ako, at some point, nangyari ito sa akin.
“May mga kaibigan ako na pinagbasehan ko ng pangyayaring ito. And sa lahat ng makakapanood nito, actually hindi lang LGBT — lalaki, babae — most likely, pinagdaanan nyo ito.
“Basically it’s about… ang isang tao na may pinagdadaanan, may mental health problem, may depression, nalulungkot.
“May isang kaibigan na tumulong sa kanya to overcome ito. Ito ang makikita nila, yung proseso, paano sila napunta doon, sa point na yon.
“At yung kanilang kabaliwang pag-uusap bago sila napunta doon.”
Sabi ni Sweet, sobra ang pinagdaanan niyang depression sa career, sa pamilya, at sa lalaki… sabay-sabay! At matutunghayan yon sa dulang True To Life.
“Actually, itong True To Life, to pay homage na rin sa aking mga kaibigan na tinulungan ako noong pinagdadaanan ko ito twenty… twenty-five years ago,” pagtatapat ni Sweet.
“So again, okey na okey na ako ngayon. Nakapag-move on na ako. Kaya lang, alam ko na madaming tao pa na iyung nangyari sa akin 25 years ago, maraming tao na nangyayari pa sa kanila ngayon.
“At mangyayari pa. So, gusto ko sana, pag napanood nila itong True To Life, ‘Ahhh okey, ganun pala dapat ang ginawa ko.’ ‘Ay! Pinagdadaanan ko yan, dapat pala ganito.’
“So hopefully, maka-inspire.”
Ang 12 finalists ng inaugural Puregold Teatro Panalo ay itatanghal sa Pebrero 20-Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC, Taguig City.

Read: John “Sweet” Lapus’ True To Life makes Teatro Panalo Final 12
GORGY RULA
Kapag sinabing depression at mental health, nae-equate yon sa pagtatangkang mag-suicide. Meron ba siyang suicidal tendency noon?
“Ako, meron! Meron ako talaga when I was really depressed!” bulalas ni John “Sweet” Lapus.
“Actually nandito yan doon sa play ko na yung main character ko, talagang on the brink. Hindi lang suicide, suicidal pa.
“Yung gusto na niyang magpakamatay, gusto na niyang pumatay. Ganung level.
“So thank God, meron siyang kaibigan who helped him na makapag-move on sa kanyang pinagdadaanan — which is really very important.
“Lalo na ngayon sa panahon ngayon, yung mga taong nade-depress, hindi nag-o-open up.
“So dito, makikita ninyo na OK, dapat pala nag-o-open up. Dapat pala, sa end nung mga kaibigan natin, dapat pala nagre-reach out.
“Hindi porke’t ang isang kaibigan mo, nakikita mo, laging masaya. Feeling mo, OK, hindi mo na kukumustahin.
“Dahil iba-iba ang coping mechanism natin sa depression. Yung iba, parang wala lang.
“Ako, to be honest, when I was depressed 20 years ago, walang nakaalam. Walang nakaalam na, ‘Ahh okey.’
“And to be honest, si Eugene Domingo yung isang tao na talagang nakaalam.
“And you know, True To Life is also to pay homage to my good friend Eugene Domingo na ang tawag ko ay Ma.
“Ang tawag naman niya sa akin, Nak.”
Read: Joshua Garcia has the acting chops; now he needs the right projects
NOEL FERRER
Natawang pag-amin ni John “Sweet” Lapus, tatlong beses siyang na-depress nang bonggang-bongga.
“Pag ginoogle ninyo naman, lalabas naman ito. Twenty years ago, Eugene Domingo brought me to a psychiatrist,” sey ni Sweet.
“To be honest, ito yung inspiration nung True To Life. Yung isang character na babae, alam niyang depressed na iyung kanyang anak-anakan na bakla.
“She opted to bring ang kanyang anak-anakan to a psychiatrist. Yung True To Life is yung papunta sila doon, paano niya dadalhin ang isang anak-anakan na na-depress but in denial.
“So ito basically yung True To Life.”
JOHN LAPUS ON DEPRESSION AND ANXIETY
Twenty-years ago, namamayagpag ang career ni Sweet. Busy siya, di ba?
“Precisely my point. So alam mo pag busy ko, hindi mo naa-address ang depression,” saad ni Sweet.
“Correct! So I think, looking back, yun ang nangyari sa akin. Peak ng career ko, tapos yun nga, busy.
“Hindi ko na-process yung aking anxiety, yung depression ko. Yung mental health process ko, hindi ko na-address.
“Kaya one day, isang araw, malala na pala ako at hindi ko alam. And it took a good friend, it took a Eugene Domingo to notice that.”
Naa-associate minsan ang depression sa paggamit ng drugs…
“Naku, thank God! Hindi naman! Alak, oo! Alak, lalaki, yan siguro yung aking ginawang vice nung mga panahon na nade-depress ako,” tugon ni Sweet.
“At you know, at the end of the day, looking back, temporary siya. Yung alak, pag uminom ka, the next day, nandun pa rin.
“Yung lalaki naman or sex to be honest about it, mas temporary yung sex. Kasi after mong mag-orgasm, ‘Ahh tapos na? Yun na yon?’
“At least yung alak, the next day, di ba? The next day matatapos. Di ba, pag nalasing ka, makakatulog ka pa nun, e.
“Yung sex, yung after, yun na yon?”
Meron bang taga-showbiz sa mga lalaking naging bisyo niya noon?
“Wala! Ano ba, wala! Open naman ang aking lovelife. Wala naman akong lalaki na nasa showbiz!”
Meron bang aktor na naging part ng buhay niya ang nasa kuwento ng True To Life?
Napakunot-noo si Sweet: “Wala naman. May mga mapapa-ouch siguro. ‘Ako ba yan?’ May mapapaganun.
“Pero sinasabi ko na, para walang isyu as early as now, wala itong particular person na babanggitin dito at hindi ito based…
“Based ito sa maraming karakter, sa marami kong experience. Walang dapat kabahan.
“Kung may kakabahan man pag napanood ito, baka guilty. Iyon na lang yun.”
