GORGY RULA
Star-studded ang BENCH/Active x AKTOR Hybrid Games nitong Nobyembre 8, 2026, sa SPACE, 5L One Ayala, Makati City.
Andiyan siyempre ang founding president at chairman na si Dingdong Dantes, ang current President na si Iza Calzado, at public affairs director na si Piolo Pascual.
Kabilang pa sa officers ng AKTOR-League of Filipino Actors na namataan namin sina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Joel Saracho, Ge Villamil, at Ricci Chan.

Present din sina Ben Chan, Marian Rivera, Ben Wintle, David Licauco, Tom Rodriguez, Max Collins, Paolo Contis, Paolo Paraiso, KC Montero, Eric Fructuoso, Pancho Magno, Jerald Napoles, Miguel Pastor, Jay Gonzaga, Elyson de Dios, Alvin Fortuna, Kirk Bondad, Pinky Amador, at Rio Locsin.
Read: What it’s like to shop on Pinduoduo from the Philippines

Andiyan din sina Bianca King, Ketchup Eusebio, Madeleine Nicolas, Deborah Sun, Mae Paner, Marissa Delgado, Hero Bautista, Prince Carlos, Lella Ford, Joaquin Arce, Polo Ravales, Derrick Monasterio, Gazini Ganados, Anthony Rosaldo, Carlo San Juan, Aya Fernandez, Nikki Co, Jose Sarasola, John Wayne Alba, at marami pang iba.
DINGDONG DANTES on AKTOR's activities
Pahayag ni Dingdong habang ongoing ang registration ng participants at spectators: “Ito yung kauna-unahang sports and wellness activity ng AKTOR.
“Mula nung itinayo namin yung AKTOR six years ago, pangarap na namin magkaroon ng ganito.
“Kaya noong kinausap namin yung Bench, laking pasasalamat na pumayag sila na pumartner sa amin.
“Kaya ito, kita natin, napakalaking event. Excited ang lahat ng mga members na sumali at saka mag-participate.”
Magiging taunan na ba itong sports event ng AKTOR x Bench?
“Sana.”
Majority ng kasali sa BENCH/Active x AKTOR Hybrid Games ay members ng AKTOR.
“Ang nag-register, 80% ay actors. Mixed na yun, members saka hindi. Kasi ano rin namin ito, activation event,” sabi ni Dingdong.
“Para sa mga gustong maging members. Gusto namin na mag-member din sila.”
Tuluy-tuloy ang mga ganap ng AKTOR.
Sa Nobyembre 29 ay may malaking event kung saan kabahagi sina Coco Martin at Ma’am Charo Santos-Concio.
“May malaking announcement talaga si Coco at saka si Ma’am Charo!” bulalas ni Dingdong.
Nakatakda na rin sa Pebrero 28, 2027, ang pagbibigay ng awards ng AKTOR. Dating napabalita na this year sana iyon…
“Inaayos na yun. Dapat talaga this year,” sambit ni Dingdong.
“Pero in-assess din naming lahat yung mga ibang award-giving bodies, plus yung siyempre… yung reality check lang din kung, ah, kakayanin pa, given na marami ring activities.
“So, we decided to push it to February of next year.
“Ang goal ay iyung AKTOR ang magiging kauna-unahang award-giving body that will open the year…
“So, kung ano yung coverage [ng eligibility], hindi ko muna sasabihin yun.”
Read: Remembering Nida Blanca and the tragedies on Annapolis Street
NOEL FERRER
DINGDONG DANTES'S RETURN TO FAMILY FEUD
Nalalapit na ang pagbabalik ni Dingdong Dantes sa Family Feud.
“Paganun-ganun kami ni Kuya Bitoy. Oo,” pakli ni Dingdong.
Babalik muli si Michael V?
“Babalik pa siya.”
Anong reaksiyon niya sa pagpi-pinchhit sa kanya ni Bitoy?
“Alam niyo, sa totoo lang, nung nalaman ko naman talaga nung dating-dati pa na may Family Feud, isa lang naman talaga pumapasok sa isip ko na bagay na bagay talaga sa show na yun,” pagtatapat ni Dingdong.
“Walang iba iyan kundi si Kuya Bitoy. Kaya nga nung naging posible na siya yung maging host ngayon, e, sobrang tuwang-tuwa ako.
“Dahil napapanood ko lalo na ngayon, ang ganda nung flavor na dinadala niya sa show.
“Ah, ang ganda nung mga comedy, yung comic timing, comic relief na ibinibigay niya sa mga tanong, sa contestants. Talagang very, very entertaining.
“Sobrang nagpapasalamat kami kay Kuya Bitoy na binigyan niya ng ibang buhay. Binigyan niya ng ibang flavor iyung Family Feud na four years na tumatakbo.
“Siyempre bilang audience, masayang makakita ng bagong elemento.”
May episode ba na sabay sila ni Bitoy na magho-host ng Family Feud?
“Wala! Wala po, wala pong ganun.”
Hanggang Enero 2027 pa ang The Master Cutter: Anak ng Sinulid, kaya “magbabakasyon” ulit siya sa Family Feud…
“Oo, tatapusin talaga lang namin yung Master Cutter.”
Mula Oktubre 13, 2026, bumalik iyong The Master Cutter sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
“Oo nga, e. Kasi nawala na yan dati tapos biglang bumalik,” nakangiting sabi ni Dingdong.
“So, nakakatuwa naman na makikita ulit nila yung kuwento. Kasi siyempre, may bagong elements tayo.
"Na-appreciate nila yung new storyline. So, very grateful kami na bukod sa television ay pinapanood din sa online, lalo na sa Netflix.”
Iyong pagbabalik niya sa Family Feud, swak sa showing ng bagong movie nila ni Marian Rivera na Remember.
Showing na ang pelikula nila sa local cinemas umpisa Nobyembre 11, Miyerkules.
JERRY OLEA
Masigabo ang palakpakan kay Zia Dantes nang mag-perform ito sa RMA concert na Destination: The World Stage noong Nobyembre 5, 2026, Huwebes, sa Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City.
"Recital ng kanyang singing. Nag-enroll siya sa isang singing academy. So, recital nila yun," sabi ni Dingdong Dantes.
Sa tingin ba niya, magso-showbiz din si Zia?
“Maaga pa para masabi siguro yun. But one thing is for sure, alam kong gusto niya yung pagkanta,” tugon ni Dingdong.
“Alam kong nasa puso niya yun. Ah, kung saan man mapunta yun, e, nandito kami to support her.
“Basta ang mahalaga ay unahin niya ang pag-aaral.”
Kanino kaya nagmana ng talent sa pagkanta si Zia?
Sabi ni Marian Rivera, hindi sa kanya?
“Ah, hindi! Mana sa ina! Mana sa ina. Walang ibang pagkukunan kundi sa ina,” sabi ni Dingdong.
“Lahat ng talents ng mga anak ay galing sa ina.”
