GORGY RULA
First showbiz event na isinama ni Tom Rodriguez ang kanyang mag-ina sa BENCH/Active x AKTOR Hybrid Games noong Nobyembre 8, 2027, sa SPACE, 5L One Ayala, Makati City.

Two years old na ang anak ni Tom na si Korben (anagram ng “broken”) at malapit-lapit na itong maging kuya.
Sa Marso 2027 ang due date ng nasa sinapupunan ng non-showbiz wife ni Tom na si Cecilia Celis.
May napili na silang pangalan para sa kanilang second baby, na baka raw magiging ka-birthday ng yumaong daddy ni Tom.
TOM RODRIGUEZ'S FAMILY LIFE
“Wala namang itinatago. I live my life normally… Adjusted na sila dito sa Philippines,” pagsisiwalat ni Tom sa exclusive interview ng PEP Troika.
“At least acclimated na sila sa weather, sa pagkain, sa mga tao."
Mas gusto ba nila sa Pilipinas?
“Yeah, okay naman. Okay kami dito. Nag-e-enjoy sila dito sa Philippines,” tugon ni Tom.
“May community na kami. May mga friends si bagets.”
Kahit pagod siya, ang kanyang mag-ina raw ang nakaka-energize sa kanya.
Kahit pagot, tuluy-tuloy yung work niya. Sila ba yung lucky charm niya?
“Yeah, sobra. Yeah, as in dire-direcho na work. Since Sang’gre, one after the other. Wala, wala, hindi pa ako nagte-take ng break. Pero kaya, kaya.”
May mga kaibigan na rito ang wife niya, at nakakapag-Tagalog na?
“Nakakapag-Tagalog na, marunong na. Nakakaintindi na. Yung pagsalita, marami siyang alam ng words, pero medyo hirap pa nang dere-diretsoo. Pero nag-a-adjust.”
Para sa second baby nila, meron na bang napiling ninong at ninang na taga-showbiz?
“Wala. Kahit si Korben, wala. Mas nag-e-enjoy ako na ano lang, e, na kahit sa mga birthday niya, yung community lang namin,” pahayag ni Tom.
“Parang kung sino yung nakikita niya everyday. Kasi marami na rin, e, kahit sa ano pa lang.
“Kaya sa close community namin, doon lang. Doon pa lang sa ngayon. Kaya ito, first ano nila, first showbiz na event.
“Pero sana, mapanood ako [ni Korben] kasi first time ko rin mag-try ng Hyrox. Kaya ako nagta-try magsipag sa gym at maging healthy para maipakita ko sa kanya.
“Ita-try ko i-challenge yung sarili ko na gawing lifestyle iyung pag-alaga ng health.
“Nung sasali ako ng nito, gusto ko sanang mapanood niya. Kaso, later pa yata ako kaya feeling ko, tulog na siya.”
Two years old pa lang si Korben pero matangkad ito, at kamukha ni Tom.
“Grabe lamang sa akin ng dimple nun. Dalawa sa kanya, e!”
Read: What it’s like to shop on Pinduoduo from the Philippines
NOEL FERRER
TOM RODRIGUEZ'S projects
Wala pang bagong movie project si Tom Rodriguez, pero malapit na siyang matapos sa pagte-taping ng Kapuso series na Whispers From Heaven kasama si Bea Alonzo.
“Isang taping na lang yung kay Bea. Tapos ngayon, ongoing kami sa The Master Cutter. Tapos next year, may isa akong project na gagawin din. Pero hindi pa ina-announce.”
Best supporting actor siya sa MMFF 2025 para sa Unmarry, kung saan nakasama niya sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Nakadagdag-confidence iyon sa kanya?
Napangiti si Tom.
Aniya: “E, kasi, nakaka-flatter. Ito yung sinabi ko kay Popoy [Caritativo, his manager] noon. Kasi nagulat ako sa panalo na yun. Hindi ko talaga in-expect.
“Although nafa-flatter ako, parang hindi siya yung iniisip ko. Parang bonus na ba siya? Pero para sa akin, nag-e-enjoy lang talaga ako sa work ko ngayon.
“Feel blessed na yun pala, nung pag-alis ko, pagbalik ko dito, hindi ko alam na na-miss ko yung trabaho nang sobra-sobra.
“At gusto ko siya. Gusto ko yung trabaho. Kaya everyday, parang sabi ko, ‘Ang suwerte ko na ito yung trabaho ko.’
“Pinagkakakitaan ko, naaalagaan ko yung pamilya ko dahil dito, and, at the same time, trabaho siya na-e-enjoy ko talaga.
“So there's always something new about it. Parang sa mga tao, nakakahalubilo mo, nakakausap mo, napapanood mo yung pagtrabaho nila din.
“Nai-inspire ka, natututo ka. So siguro sa akin, ninanamnam ko lang siya, na-e-enjoy ko lang siya.
“So hindi ko iniisip kung ano yung bigat o ano nangyari every time I go in. It's always a fun challenge.”
Read: Atasha Muhlach speaks about real score with Jacob Ang
JERRY OLEA
TOM RODRIGUEZ'S finances back on track
Pagkatapos niyang magwagi bilang best supporting actor, meron ba siyang dream movie role or dream movie project? May mga gusto siyang gawin?
“Meron pero iki-keep ko na lang sa sarili ko. Tingnan natin kung mangyari o hindi,” sagot ni Tom.
“Basta para sa akin, yung mga gusto ko sa buhay, parang bonus na lang na ibinibigay Niya.
“Parang pinapakiusapan ko si Bossing sa Itaas. Pero yung alam ko yung mga kailangan ko sa buhay, ibibigay Niya lagi.
“Hindi na ako nag-worry sa buhay. Lagi Niyang ibinibigay lahat ng pangangailangan ko.”
Wala na siyang hinihiling?
“May mga wants ako. Kami ng family ko, kami ni misis. May mga wants kami,” sabi ni Tom.
“Pero yung mga alam namin, hindi kami entitled sa mga wants namin. Pero alam namin na yung mga needs namin, ibibigay. Kaya may trust kami.”
Andaming pagsubok na pinagdaanan niya bago nakamit ang masaya at payapang buhay ngayon…
“Sobra! As in na-experience ko, hindi lang zero, pero at a negative,” pagbabalik-tanaw ni Tom.
“Yung may mga loans ka, may foreclosure kang dumadating na notice dahil sa mga nangyari sa akin.
“Yung kailangan mong bayaran na tax, mas malaki pa sa nasa bank account mo."
Pero hindi raw natinag ang paniniwala niyang maaayos din ang lahat.
“Pag ibigay mo sa Kanya, kahit nangyari yung mga yun, hindi ka stressed.
"Na puwede pala yung ganun. Na mas may trust na ako, something will happen.
"Ngayon, debt-free na ako. Nag-settle ako uli. May savings na ako uli.
“Parang what more? Kung dinala Niya ako dun sa unos na walang-wala ako, paano pa kaya ngayon?
“Kasi may time na yung tax ko, mas malaki nung nasa bank account ko. Tapos sabi ko, something will come. He'll provide."
Muli niyang binanggit ang pelikulang tumulong para makaahon siya.
“Binigay yung Unmarry na movie. Half nun, tax. Half, savings, pantawid.
“Kaya it’s weird na kung kailan ano… dati, na-experience ko, sobra-sobra yung meron ako, pero lagi kang stressed, lagi mong iniisip, ‘Paano ko babayaran ito?’
“Ngayon na sakto lang meron ka or dati nga, wala talaga. Parang okay.”
