Nanindigan si Atasha Muhlach na single siya ngayon.
Ito ay matapos kumalat kamakailan lamang na diumano ay hiwalay na sila ng rumored boyfriend na si Jacob Ang.
Nakapanayam si Atasha sa Sa Tara Sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party ng TV5 ngayong gabi ng Lunes, November 9, 2026 sa Grand Hyatt Manila, BGC, The Fort, Taguig City.
Dito sinagot ng dalaga ang lahat ng mga isyung ipinupukol sa kanya, kabilang ang tungkol sa hiwalayan nila ni Jacob pati na sa ilang bashers niya.

Read: Atasha Muhlach admits to being hurt by criticisms
ATASHA ON JACOB ANG: "Friends lang po talaga."
Kamakailan lamang ay kumalat sa social media na hiwalay na si Atasha kay Jacob, youngest son ng business tycoon na si Ramon Ang.
Ano ang katotohanan dito?
"A, friends lang po. Friends lang po. Friends lang po talaga," sagot ni Atasha sa real score sa pagitan nila ng binata.
Ano yung napabalita dating nagkakamabutihan na sila?
May sightings pa nga noon na magkasama ang dalawa sa kasal ng kapatid mismo ni Jacob na si Carmela Ang noong May 2026.
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding
Hindi ba talaga naging sila?
"A, no, no po. Ever since po, very good friends lang," ani Atasha.
So walang katotohanan na naging sila at nagkahiwalay lang?
"Wala po. Very, very good friends lang," ulit ng aktres.
"Yes," ang diretsong sagot niya kung single ba siya ngayon.
Ready to mingle?
Sagot ni Atasha, "Hindi po, work lang po. Work lang talaga."
Puwedeng i-add to cart?
"A, hindi, hindi, hindi. Focus lang po ako is work. Yes."
So friends lang kayo ni Jacob?
"Yes, friends lang po. Yes," ulit niya.
Pagdating naman sa usapang bashers, sinusunod niya ang payo ng kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
"Ang advice nila is just hold on to the good and you know your truth naman. So to just always be kind to everyone around you."
Sabi pa raw ni Aga sa kanya, "Just hold on to the good and you know your truth naman. So to just always be kind to everyone around you."
Sa ngayon, balik muna sa Eat Bulaga! si Atasha matapos ang successful run ng Bongga Ka Day! The Annie Batungbakal Musical: Based on the Songs of HOTDOG.
