GORGY RULA
May ilang veteran stars kaming nakakatsikahan, at nakakakuha kami sa kanila ng kuwento tungkol sa mga kabataang artista na co-actors nila.
Ang mga veteran stars na ito ay magagaling, professional, at naging bida sa mga proyekto kagaya nitong mga kabataang artista na sikat sa ngayon.
Ilan sa mga kabataang artista na ito ay na-launch ang showbiz career nang hindi gaanong nahirapan. Either nag-trending sila o biglang sumikat at nabigyan ng lead roles sa magagandang projects kahit pa walang garantiya na maghi-hit ang mga ito.
Ganito raw ang nangyari sa dalawang batang artista na binigyan ng break ng isang TV network, at ginawang bida sa ilang programa.
Noong pa-support-support lang sila sa ilang TV shows, wala kang naririnig na reklamo sa kanila.
Pero ngayon, dahil sunud-sunod na ang kanilang ginagawa, tila napapagod na sila.
Ang dali yata nilang ma-burnout at tinatamad na sa trabaho?
PRETTY ACTRESS COMES TO THE SET UNPREPARED
Itong si pretty actress na may maamong mukha, nahihirapan na raw sa kanya ang production at co-actors nito.
Parang tinatamad kasi at hindi na pinag-aaralan ang role na ginagampanan niya?
Kung dati ay handang-handa ito kapag dumadating sa set. Ibig sabihin, kabisado niya ang lines at mabilis magtrabaho.
Ngayon, mahahalata raw na hindi siya naghanda sa dapat niyang gawin sa taping dahil madalas na nakakalimot ng lines.
Nahihirapan na rin ang mga sumusuporta sa kanya na karamihan ay veteran stars na magagaling at napaka-professional.
Suwerte lang daw nitong magandang aktres dahil mababait ang mga co-stars niya. Hindi sila mataray at prangka kaya hindi pa siya natatalakan.
Read: BLIND ITEM: Beauteous Actress inis kay “santa-santahan" Snazzy Actress
NOEL FERRER
CUTE ACTOR HAS GOTTEN LAZY?
Ganoon din daw itong si cute na aktor na nag-hit sa isang show na kinabilangan niya. Bida na siya ngayon at hindi na basta support.
Pero kung kailan naman nagbibida na siya, parang tinatamad na rin daw ito.
Napapansin na raw ng mga co-actors niyang tila madalas itong pagod at wala nang kagana-ganang magtrabaho.
Mabuti at mabait din daw ang mga katrabaho niyang artista, kaya hindi siya nasasampolan at nasisita.
Pero nahihirapan na daw mag-adjust mga katrabaho sa topak ni cute na aktor.
May times na ayaw nang magpa-take two, at parang nagmamadali na raw itong matapos ang taping.
Hindi pa naman daw napupuno ang co-actors niya kaya hindi sila nagrereklamo sa ganitong attitude ni cute na aktor.
Pero minsan, may mga activities daw sila sa promo o kailangang gawin para sa kanyang proyekto, tumatanggi raw ito.
Kung anu-ano raw ang idinadahilan para hindi lang siya makasipot. Kaya ang nega na ng dating niya, ayon sa nagkuwento sa PEP.
Hindi rin nakakatuwa ang feedback sa proyekto nito.
Read: Reply 1988 actor Ko Kyung Pyo apologizes after drunk-driving crash
JERRY OLEA
Dumalo si Jean Saburit sa recent launch ng La Craux ni Joel Cruz.
Excited siyang ibinalita sa amin na kabilang siya sa cast ng Hari Ng Tondo nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Natutuwa raw siya kay Ruru Madrid dahil napakasipag daw nitong aktor.
Yun nga lang, naaksidente ang Kapuso actor sa kanilang taping kaya natigil daw sila ng ilang araw.
Pero bilib siya sa dedikasyon ni Ruru sa kanyang trabaho.
“Si Ruru naman, naaksidente agad. Kaya natigil. Kawawa naman. Pero he’s hardworking… pero simple lang siya,” pakli ni Jean.
Ikinuwento ni Jean na ang role niya sa drama-action series na ito ng GMA-7 ay madalas na si Ruru ang nakakaeksena niya.
Hindi pa raw niya nakakaeksena si Dennis Trillo, kaya wala raw siyang masabi sa Kapuso Drama King.
Pero maganda ang naririnig niyang feedback kay Dennis.
Sana nga, matuto itong mga nag-a-attitude na batang artistang ito sa mga magagaling at napakapropesyunal na aktor kagaya nina Ruru Madrid, Dennis Trillo, pati sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, lalo na si Dingdong Dantes na maganda at top-rater ang TV shows.
