JERRY OLEA
Pigil na pigil ang inis ni Beauteous Actress kay Snazzy Actress.
Pinayuhan si Beauteous Actress ng close friends na maging kalma at isipin na lang ang natatamong blessings.
Kaya ang ginagawa ni Beauteous Actress, nila-like ang mga posts na parang patama kay Snazzy Actress bilang reaction sa recent pronouncements ng huli.
May mga hanash kasi si Snazzy Actress na sweet-sweet-an daw at bait-baitan ang projection.
“Stop me! Don’t me! Huwag niya akong paandaran dahil alam ko kung gaano kalakas siya bumomba!” talakitok ni Beauteous Actress.
Hindi namin batid kung anong pagbobomba ang tinutukoy ni Beauteous Actress kaugnay sa kinaiinisang Snazzy Actress.
Read: MMFF history: Who are the record-holders for top acting awards?
GORGY RULA
WHAT TRIGGERED Beauteous Actress
Napipikon na si Beauteous Actress sa mga kemerut ni Snazzy Actress sa interbyu.
“Santa-santahan siya!” himutok ni Beauteous Actress.
Santa-santahan as in Santa Claus?
Hirit ni Beauteous Actress: “Santa-santita! Performative! Hello, may resibo kung ano ang gawain niya kapag alak na alak siya!”
Dagdag ni Beauteous Actress, manloloko diumano si Snazzy Actress.
Hindi rin namin batid ang context ng "panloloko" na sinasabi ni Beauteous Actress.
Read: Dennis Trillo on Jennylyn-Patrick issue: "Move on na tayo."
NOEL FERRER
Oh, may namumuong showdown ang past at present, sino ang magwawagi? Wala!
Hindi naman nakakaganda iyang mga ganyang away.
In a sense, ikagaganda ba ito ng imahe ng kanilang minahal/minamahal na hombre?
Ang tatanda na nila para malagay sa ganitong sitwasyon. Alam na nila ang batas ng happiness at peace of mind. Sana.
