PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion

Zaijian Jaranilla, Dingdong Dantes not in cast of Rene Baterbonia movie.
by PEP Troika
Published 6 days ago
bb gandanghari rene baterbonia movie
Confusion surrounds BB Gandanghari's (left) upcoming biopic about late Ateneo basketball player Rene Baterbonia after an alleged promotional art card circulated online bearing incorrect cast and production details. The film stars 14-year-old newcomer Kyle Reese Degullacion (right) as young Rene Baterbonia.
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Ayon sa ating sources, kung natupad ang original sked na nalaman ng PEP Troika sa shooting ng pelikula base sa buhay ni Rene Baterbonia, natapos na ang principal shoot nito sa Mindanao.

Pero bakit kaya mali-mali ang nakalagay sa isang post na pinangalanan si Zaijian Jaranilla bilang Rene Baterbonia, habang tama naman na si Jean Garcia ang gumanap na Nanay Rovelyn?

rene baterbonia movie
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This is after sabihin ng nanay ni Rene sa interview na ang gusto niyang gumanap bilang siya ay si Dimples Romana.

Marami pang ibang artista ang alam kong kinunsidera, pero sumuwak ang shooting sa schedule ng magaling na aktres na si Jean Garcia.

Ang 14-anyos na si Kyle Reese Degullacion ang gumanap na Rene.

Si Ariel Rivera ang gumanap bilang ama ni Rene, at si Rommel Padilla ang gumanap bilang coach ni Rene.

BOOBOO REPORTS ABOUT RENE BATERBONIA MOVIE

Walang katotohanan na si Dingdong Dantes ay kasama sa proyekto.

Paano ito magagawa ni Dong samantalang abala siya sa promo tour at block screenings ng kanyang pelikulang Remember?

Ang pinakamalaking booboo ay kung paano naka-bill bilang artista si Direk Ronwaldo Reyes (samantalang screen name ito ng yumaong National Artist at Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.)

Fake na fake news ang dating!

Ang working script ng Rene Baterbonia movie ay gawa ni Abet Pagdagdagan Raz (scriptwriter ng 2 Valid IDs), at hindi ang nasa artcard na sina Carlo Villaruz at Alyssa Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ako sure kung may kinalaman ang FDCP rito na billed din sa nakita nating mock-up artcard ng pelikula.

Naibalita ng The Mindanao Newscaster TMN noong Setyembre 30 na ang working title ng pelikula ay JUST A KID WITH A BIG DREAM: THE RENE CLERT “BOBET” BATERBONIA STORY.

Shinare pa iyon ni Direk BB Gandanghari sa Facebook.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kyle Reese Degullacion, 14, lands role in Rene Baterbonia biopic

JERRY OLEA

May mga nagpo-post pa na kesyo ang title ng biopic ni Rene Baterbonia ay Bituin ng Mindanao.

Totoo ba na ang nagpondo ng pelikulang ito na idinidirek ni BB Gandanghari ay sina Senador Robin Padilla at Senador Alan Peter Cayetano?

Sa Facebook live ni Senador Alan Peter noong Oktubre 20, 2026 ay nakipagtagpo sila ni Senador Robin sa parents ni Rene.

Napag-usapan nila roon ang biopic ni Rene, na inilarawan ni Senador Alan Peter bilang isang tribute sa buhay at legacy ng yumaong atleta.

Nakikini-kinita na nating magiging kontrobersiyal ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May nag-inquire din sa akin para kay Glydel Mercado para gumanap na ina ni Rene Baterbonia para sa pelikulang ipo-produce at ididirek ni BB Gandanghari.

Pero hindi na ito ini-expect ni Glydel dahil aware siyang maraming kinu-consider na gaganap.

Bagay naman si Jean Garcia sa naturang role.

Matagal-tagal din sa Mindanao si BB Gandanghari para paghandaan ang project na ito.

Base sa mga ipino-post niya sa kanyang social media account, nagiging malapit na siya sa mga taga-Talacogon, Agusan del Sur, at sa pamilya ng namayapang basketbolista.

Meron nga siyang video na naglalaro ng pickle ball suot ang jersey shirt na Baterbonia ang nakasulat sa likod. Ewan ko kung kay Rene ang shirt na yun.

Ang November 7, 2026 post niya ay ang teaser ng pelikulang idinidirek niya.

Ang nasa caption ay “Where it all started at may hashtag na #ImJustAKidWithABigDream at “coming soon” ang nakalagay na may emoji ng camera.

May ilan kaming napagtanungang may mga kaibigang staff sa naturang film project.

Ang sabi nila, nai-stress na raw sila sa pelikulang ito. Bakit kaya?

Read: TV5 announces its 2027 lineup of shows at thanksgiving party

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Confusion surrounds BB Gandanghari's (left) upcoming biopic about late Ateneo basketball player Rene Baterbonia after an alleged promotional art card circulated online bearing incorrect cast and production details. The film stars 14-year-old newcomer Kyle Reese Degullacion (right) as young Rene Baterbonia.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results