PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romano, 40 Days face box-office challenge amid "Dunesday"

Romano cast ready to face Avengers, Dune at the box office.
by PEP Troika
Published A day ago
romano 40 days box office
Filipino films Romano and 40 Days prepare to compete at the box office against Hollywood blockbusters Avengers: Doomsday and Dune: Part Three this December. (Lef) JC Santos plays Fr. Rudy Romano in Romano; (right) award-winning actresses Snooky Serna, Dina Bonnevie, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, and Perla Bautista star in 40 Days.

JERRY OLEA

Makikipagbakbakan ang pelikulang Romano sa "Dunesday" sa Disyembre 16, 2026.

Ang Romano ay biopic ng Waray na pari na si Fr. Rudy Romano, na “nawala” noong 1985 sa edad na 44.

Bida rito sina JC Santos at Albert Martinez, sa direksyon ni JL Burgos.

romano poster

Ang "Dunesday" ay portmanteau ng Hollywood tentpoles na Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Direk JL Burgos sa mediacon noong Nobyembre 18, Miyerkules, sa Romano Hall ng Baclaran Church: “Tinatanong kanina, kung buhay si Fr. Rudy, tingin ko… proud din siyang tatapat sa isang Hollywood film.

“Di ba? Noong nag-uusap kami, masyadong absurd yung idea, it might work.

“Tandaan natin, si Fr. Rudy ay isang Redemptorist. So, ibig sabihin, meron siyang komunidad.

“Tingin namin, ang komunidad na ito ay hindi lang mga taong-simbahan kundi iyong mga marginalized sector.

“Ito iyung mga tinulungan ni Fr. Rudy… ay tingin ko, maa-appreciate ang pelikulang ito.

“Alam namin na grabe naman yung ginastos sa mga Hollywood films. Gets naman namin yon.

“Pero handa kaming tumayo at manindigan.”

Read: JC Santos stars as missing priest Fr. Rudy Romano in new film

ROMANO BOX-OFFICE CLASH WITH BIG HOLLYWOOD MOVIES

Napabuntong-hininga si JC Santos bago nagwika: “Superhero nila yon, e. Ito [Fr. Rudy Romano] ang superhero natin.

“Simbang Gabi nga [sa December 16] at target namin ang mga tao na pupunta ng Simbang Gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagkatapos ng Simbang Gabi, puwede na silang manood ng sine… ang mga devotee.”

Pagmamatwid ng taga-Redemptio Studios na producer ng Romano kaugnay sa December 16 playdate: “Parang face off with Avengers… because we believe in our superhero.

“Ahhm yes we believe it’s a very difficult task for all of us but we do not just marvel. We give meaning to marvel.

“So, gusto naming i-share sa lahat ng tao, and I think that is also what Seeds of Peace would like to tell the world.

“That these priests, you know, living ordinary lives, being with ordinary people, are doing great things for the world to see.

“And kaya siguro maraming mga pelikula about priests because the Church also wants to share that message na ang puwedeng maging santo ay hindi lang po yung mga pari, you know.

“Ordinary people who lived ordinary lives, if you try to do your best and live according to the Gospel, they can be instruments of God’s message po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Avengers: Doomsday ay iprinodyus ng Marvel Studios.

Kabilang sa mga karakter dito sina Thor, Captain America, Mister Fantastic, Ant-Man, Black Widow, Invisible Woman, The Thing, Xu Shang-Chi, Magneto, Loki, Cyclops, Human Torch, Red Guardian, Black Panther, Sentry, Beast, Falcon, Ghost, Mystique, at iba pa.

avengers doomsday

Ayon sa Wikipedia, by the end of October 2026 ay nasa $125M na ang pre-sales ng Avengers: Doomsday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo bang sa Pilipinas ay nasa PHP150M na ang pre-sales nito?

Samantala, maituturing naman daw si Fr. Rudy Romano at ang mga paring karakter sa pelikula bilang… Avengers of Faith!

Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion

NOEL FERRER

Matapang na sabihin, pero totoo: ang desaparecidos, hindi history.

Hanggang ngayon, may nawawala pa rin. May nire-red tag pa rin.

May pamilyang hanggang ngayon, naghihintay pa rin kung nasaan ang mahal nila.

Kaya ang Romano, hindi nostalgia film. Warning film ito.

Paalala na kapag nakalimutan natin ang 1985, uulit lang ang 1985 sa ibang anyo.

Matapang din na ang Simbahan, hindi puwedeng bless lang nang bless. Kailangang mag-mobilize.

Parokya, eskwela, BEC, youth groups, block screenings.

Kung ang komunidad ni Fr. Rudy ay hindi lang taong-simbahan kundi marginalized sectors na tinulungan niya, sila rin ang dapat unang makapanood.

Hindi ito marketing, ministry ito.

At pinakamatapang: kapag hindi natin pinanood ang Romano, ang mensahe natin sa susunod na producer ay malinaw, huwag ka nang gumawa ng matapang na biopic, hindi yan kikita.

Kapag pinanood natin, ang mensahe natin ay iba, gumawa ka pa ng mas matapang, nandito kaming mga viewers.

Kaya sa December 16, hindi ka lang nanonood. Bumoboto ka.

Bumoboto ka kung anong klaseng sine ang gusto mong mabuhay sa Pilipinas.

Yung sine na nagpapatawa lang at nagpapalipad ng superheroes, o iyung sine na nagpapalakas ng loob at nagpapalaya ng katotohanan?

Sana, piliin natin ang local, si Fr. Rudy.

Kasi ang superhero nila, gawa sa CGI.

Ang superhero natin, gawa sa dugo, pananampalataya, at pagmamahal sa bayan.

At sa laban na ito, hindi tayo dehado. Tayo ang may totoong kwento.

Ipapaalala natin sa mga kabataan: ang santo, hindi lang pari.

Puwedeng ordinaryong tao na piniling lumaban kahit alam niyang siya lang mag-isa.

Read: Cedrick Juan on Filipino moviegoers: "Naghahanap lang sila ng maganda."

GORGY RULA

Para sa mga nanay at mga anak ang pelikulang 40 Days ng LVD Management Corp Production na ipapalabas one week before "Dunesday" (Avengers: Doomsday + Dune: Part Three).

Seryoso ang tema nitong 40 Days, pero sabi ni Direk Louie Ignacio, kung mahal mo ang nanay mo, papanoorin mo ang pelikulang ito.

40 days poster

Napapanahon ba ito ngayong Kapaskuhan?

“Parang sasaksakin ka sa puso kung sa Pasko ipalabas,” bulalas ni Direk Louie.

“Kasi ang message dito is about love kasi, e. “

Hahanap-hanapin mo ang nanay mo… parang ma-encourage to love your parent, alagaan sila nang matindi.

“That’s the best Christmas gift sa mga nanay, di ba?”

Kung buhay pa ang nanay mo, mas nararapat daw na kasama mo siya kapag pinapanood mo itong 40 Days.

Sabi pa ni Direk Louie: “Kaya lang, hindi nga lang ano yung topic. Pero yung moral lesson nito, sa ending is mahalin mo pa habang buhay ang nanay mo. Alagaan mo.

“Pero hindi ito literal na Merry Christmas, e. Pero kung iisipin mo yung pagmamahal mo sa magulang mo, yon yung magandang Christmas gift na mabibigay mo.

“Ito ang pinakamagandang pamasko na mahalin mo ang magulang mo habang buhay. Huwag mo lang silang kalimutan, aalagaan mo.”

ADVANCED TICKET SALEs OF DUNESDAY

Pero huwag na tayong magulat kung kukunin pa ng Avengers at Dune ang mga sinehan ng kasabay na local films dahil ngayon pa lang, ang lakas na ng selling of advance tickets.

Sabi ng aming source, noong Nobyembre 18, Miyerkules pa lang ay umabot na sa PHP150M ang sales ng advance tickets ng Avengers: Doomsday.

At kahit MMFF season na, baka ito pa ang pipilahan sa special theaters.

Read: BB Gandanghari's Rene Baterbonia movie hit by casting confusion

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino films Romano and 40 Days prepare to compete at the box office against Hollywood blockbusters Avengers: Doomsday and Dune: Part Three this December. (Lef) JC Santos plays Fr. Rudy Romano in Romano; (right) award-winning actresses Snooky Serna, Dina Bonnevie, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, and Perla Bautista star in 40 Days.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results