GORGY RULA
Naging emotional si Ruffa Gutierrez nang napag-usapan ang kalagayan ng kalusugan ng kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Maaaring dala na rin ng mabigat na emosyon, ibinahagi ng actress-TV host na matagal na palang nagkaayos sina Annabelle at Sarah Lahbati.
Si Sarah ang nakahiwalayang asawa ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.
Hindi maganda ang mga balita kay Sarah at sa pamilya Gutierrez pagkatapos nilang maghiwalay ni Richard.
Pero nagkaroon daw ng maayos na pag-uusap sina Sarah at Annabelle nang dumalaw si Sarah sa burol ng namayapang asawa ni Elvis Gutierrez na si Alexa noon pang 2024.
Ibinunyag ito ni Ruffa sa launch ng bagong endorsement niyang Biostile Cosmetics na ginanap sa Music Hall ng SM MOA noong Sabado, November 21, 2026.

RUFFA GUTIERREZ ON ANNABELLE AND SARAH
Ang talagang pinag-usapan namin ay ang pinagdadaanan ng kalusugan ng kanyang mommy, pero binanggit iyon ni Ruffa para maliwanagan na raw ang lahat na matagal nang nagkaayos si Sarah at ang kanyang pamilya.
Ani Ruffa: “I mean, this is none of my business. But I wanna clear kasi si Mommy, laging tinitira ng mga tao. Okay na sila ni Sarah.
“Ever since my sister-in-law [Alexa] passed away, okay na sila. Hindi alam ng mga tao yun.
“Laging tinitira ng mga tao. Okay na sila ni Sarah noon pa…”
Kailan pa ito nangyari?
“Ever since my sister-in-law passed away. We just kept it to ourselves. And that’s all I’m gonna say.
“Nag-usap sila matagal na. Okay na sila ni Sarah noon-noon pa.
"So, sana tigilan na sila ng mga tao. Ayaw na lang namin magsalita.
“Hindi naman lahat na nangyayari sa isang pamilya, alam ng publiko,” saad ni Ruffa.
Read: Annabelle Rama on Richard Gutierrez-Sarah Lahbati split
NOEL FERRER
Hindi na gaanong idinetalye ni Ruffa kung paano nangyari ang pag-uusap nina Sarah at Tita Annabelle.
Ang mahalaga ay okay na raw si Sarah sa buong pamilya.
“And Zion and Kai ang iniisip namin. At the end of the day, nanay pa rin siya… nanay pa rin siya nina Zion at ni Kai,” pagtukoy ni Ruffa sa mga anak nina Sarah at Richard.
“It’s like me also, di ba? So, let’s leave it at that.”
HEALING FOR ALL
Okay na rin ba sila ni Sarah?
“Hindi kami nagkikita. Pero okay kami,” tugon ni Ruffa.
Paano sina Richard at Sarah?
“They’re okay, you know. Let’s leave it at that. Yun lang po,” matipid niyang sagot.
“Healing will come siyempre. You know… I think once a family, will always be a family, di ba?
“Everyone goes through ups. Everyone goes through downs.
"But at the end of the day, when there’s children involved, hindi mo maaalis yun, e, di ba?
“Even with me. Matagal na kaming wala ni Yilmaz [Bektas], pero there are days na umiiyak pa rin ako.
“It’s been 20 years, I haven’t seen him. I don’t know what he’s doing.
"But there are days na isang ano lang, umiiyak ako. Kasi, iba talaga pag may anak, e, dun sa taong yun.
“Minsan pag Pasko, malungkot ako. And ganun din siya. Hindi na kailangan siguro magsalita pa.
"Pero there are days na tatawag na lang siya. Magme-message na lang siya. “I believe time heals all wounds,” saad ni Ruffa.
E, sina Sarah at Barbie Imperial, okay rin kaya?
Read: Cianne, Nicole evicted from PBB; Robbie exits as livestream ends
JERRY OLEA
Mrami ang nakapansing mas lao raw gumanda ni Ruffa Gutierrez, lalo na’t pumayat siya.
Umabot daw sa 45 pounds ang na-lose ng kanyang timbang. Ano ang ginawa niya?
“Workout and diet,” sambit ni Ruffa.
“I started working out January of last year. So, hindi siya biglaan. It was a slow process.
"But I think it was good process because I wasn’t saggy, you know.
“I think if you do it fast, medyo magsa-sag ka agad. So, lalambot ang katawan mo.
"So I love the way that I was able to lose weight little by little, and yet I still enjoy eating food that I love.
“That’s bawal once in a while. So, every maybe twice a week, I still have my cheat days.”
Sinubukan din daw niya ang injectables.
Ani Ruffa: “I’ve tried it, yes. And it works.
"So, whatever works for you, as long as it’s prescribed by your doctor, I think that’s good.
“I think each person is different. So, kung ano yung prescribed ng doctor mo na ikabubuti sa iyo, I think that’s good.”
ruffa on mom annabelle's health
Pagkatapos ng programa, napaluha si Ruffa nang napag-usapan na ang kalusugan ni Tita Annabelle Rama.
Hindi raw maiwasan ito lalo na’t nagkakaedad na ang kanilang magulang. Pero ngayon ay nasa recovery period na raw si Tita Annabelle.
“Okay naman. Maingay siya ulit. So, mas magwo-worry ako kung hindi na siya nag-iingay.
“So, pag nagtataray na siya ulit. Sabi ko, ‘Lord, okay lang, magtaray na siya ulit. Ibig sabihin, healthy siya.’
“Pag maingay na siya ulit, ibig sabihin, she’s healthy,” saad ni Ruffa.
Dahil sa pinagdadaanan nila, nakikita raw ni Ruffa kung paano magbigay ng suporta sa isa’t isa ang kanyang mommy at daddy.

“Nakikita ko naman na talagang sinusuportahan ni Daddy si Mommy.
“And ang nakakatuwa diyan, ang pagmamahal nila sa isa’t isa is a kind of love that… yung masarap.
"Kasi in 30, 40, 50, 60 years, sila pa rin talaga ang nagmamahalan in the end.
“And, yun ang pagmamahal na masarap tularan. Na nawi-wish natin yun sa lahat ng pamilya.
“Pag nakikita ko yung mommy at daddy ko, iyon yung pagmamahal na kahit na ano ang pagwawasak ng ibang tao na akala mo hindi, di ba?
"Yung… sila pa rin ang ending. Lagi silang magka-holding hands,” sabi pa ni Ruffa.
