PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Can MMFF 2026 survive the Avengers-Dune box-office showdown?

Joey Reyes fears Avengers, Dune could hurt MMFF 2026 box office
by PEP Troika
Published 19 hours ago
avengers dooms day dune part three
From the success of 2 Valid IDs and Pee Mak to the upcoming MMFF 2026, Philippine cinema faces a crucial year-end box office test as Hollywood blockbusters Avengers: Doomsday and Dune: Part Three arrive in December.

JERRY OLEA

Five consecutive weeks na walang bagong pelikulang Pinoy sa local cinemas noong Hulyo 1, 2026, Miyerkules, hanggang Agosto 4, Martes.

The whole month of July 2026, walang bagong Filipino film na nag-showing sa ating mga sinehan.

Umiwas ang Pinoy movies sa “Odyssey-Man.”

Hulyo 15, 2026 nag-showing ang The Odyssey.

After two weeks, nag-showing umpisa Hulyo 29 ang Spider-Man: Brand New Day.

the odyssey spider-man box office
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat lang iwasan ang dalawang Hollywood tentpole na iyan, na siyang Top 2 na pinakamalakas globally — so far — this year.

Ayon sa Box Office Mojo, ang worldwide gross ng Spider-Man: Brand New Day ay $2.524B, samantalang iyong The Odyssey ay $1.805B.

Ang tatlong sumunod na pinakamalalakas so far ngayong 2026 ay Toy Story 5 with $1.150B, Michael with $1.029B, at The Super Mario Galaxy Movie with $1.012B.

Nasa Top 10 din ang The Devil Wears Prada 2 with $693M, Project Hail Mary with $685M, Pegasus 3 with $656M, Minions & Monsters with $531M, at Obsession with $524M.

LOCAL films, FILM FESTIVALS, PHILIPPINE FILM INDUSTRY MONTH

Matagumpay yung Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 6-18, 2026.

Topgrosser ang 2 Valid IDs ni Marietta Subong aka Pokwang.

Tinangkilik din ng Cinemalaya crowd ang Status: Rejected ni Ruby Ruiz, Mag-iina, at ang queer drama na Tayo Lang Ang Nakakaalam.

Ipinagdiwang ang Philippine Film Industry Month (PFIM) noong Setyembre na ang tema ay “Pelikula: Ginintuang Ikalawa (Philippine Cinema’s Second Golden Age).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay rito ay ginanap noong Setyembre 12 ang unang National Cinema Day, kung saan PHP100 ang admission price sa REGULAR cinemas.

Dumagsa ang Pinoy moviegoers sa mga sinehan.

Matagumpay rin ang 3rd Puregold CinePanalo filmfest noong Setyembre 23-Oktubre 6.

Topgrosser ang Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo nina Sassa Gurl at Joao Constancia.

Setyembre 30 nag-showing ang Always Yours, Never Mine nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Bianca Umali.

Umabot daw talaga sa PHP100M ang kinita nito.

Okutubre 14 nag-commercial release ang 2 Valid IDs, kasabay ng showing ng Pinoy adaptation starring Bea Binene and Wilbert Ross.

Kapwa nagpakitang-gilas sa takilya ang 2 Valid IDs at Pee Mak.

Pee Mak earns P120M; 2 Valid IDs gets P100M
(Left) Wilbert Ross and Bea Binene in Pee Mak; (Right) Marietta Subong in 2 Valid IDs
Photo/s: Screengrab from Pee Mak / 2 Valid IDs trailers
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umabot sa PHP115M ang 2 Valid IDs, samantalang lumampas sa PHP120M ang Pee Mak.

Sa Nobyembre 25, Miyerkules, ay showing na ang Laya nina Andrea Brillantes, JC Santos, at Anthony Jennings.

Disyembre 2 ang commercial release ng Apol of My Ai nina Zion Cruz, Zanjoe Marudo, at Rochelle Pangilinan.

Kalahok ito sa 3rd Puregold CinePanalo.

Disyembre 9 ang playdate ng 40 Days nina Dina Bonnevie, Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Perla Bautista, at Snooky Serna.

Disyembre 16 ang playdate ng Romano nina JC Santos at Albert Martinez, kasabay ang Dunesday — ang pinagsamang lakas ng Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.

Read: JC Santos stars as missing priest Fr. Rudy Romano in new film

the elite PHP2B club

Ayon sa aming unimpeachable source ay umabot na sa PHP150M ang pre-sales ng Avengers: Doomsday.

Aba! May predictions na itong Avengers: Doomsday ang magiging highest-grossing film ng 2026. Kakabugin daw nito ang Spider-Man: Brand New Day?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
avengers dooms day dune part three

If ever, first time sa kasaysayan na dalawang pelikula na pareho ang year of release ang lalampas sa $2B ang worldwide gross.

Ayon pa sa Box Office Mojo, walo pa lamang pelikula ang lumampas sa $2B ang worldwide gross.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Avengers: Endgame with $2.942B, ini-release noong 2019

Avatar with $2.924B ini-release noong 2009

Spider-Man: Brand New Day with $2.524B, ini-release noong 2026

Avatar: The Way of Water with $2.334B, ini-release noong 2022

Ne Zha 2 with $2.271B, ini-release noong 2025

Titanic with $2.265B, ini-release noong 1997

Star Wars: Episode VII - The Force Awakens with $2.071B, ini-release noong 2015

Avengers: Infinity War with $2.052B, ini-release noong 2018

Sa walong iyan, dalawa ang Avengers film! Topnotcher at pangwalo.

Kaya super-duper curious tayo kung ilang sinehan ang maibibigay sa Romano.

mmff 2026

Sa Disyembre 25 ay umpisa ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan inaasahang topgrosser ang The Greatest Showdown nina Vic Sotto at Vice Ganda.

Hinuhulaang papangalawa ang Regal horror movie na Haunted Carnival, starring John Arcilla, Maricel Soriano, Julia Barretto, James Reid, Fyang Smith, RK Bagatsing, and Ronnie Alonte.

Ang anim pang kalahok sa MMFF 2026 ay 2nd Miracle in Cell No. 7, Amir, A Perfect Marriage, Los Salvajes Bravos, Little Hope, at Seeds of Peace: The Life of Father Rhoel D. Gallardo, CMF.

Ang ticket price ng MMFF 2026 sa REGULAR cinemas ay Php299. Maaaring bumaba pa iyon sa mga probinsya.

Read: Ruffa Gutierrez reveals Annabelle Rama, Sarah Lahbati reconciled long ago

GORGY RULA

Considering na sa December 16, 2026 ay siguradong aariba ang Avengers: Doomsday, maging ang Dune: Part Three…

Ano ang vibes ni FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes o Direk Joey sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF)?

“Takot na takot ako, baka maubos ang pera ng mga tao, panoorin ang Dune at saka ang Avengers,” pahayag ni Direk Joey noong Nobyembre 20, 2026, Biyernes, sa Versailles Tent ng Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

“Baka ang perang nilalaan nila para manood ng sine, maubos bago magbukas ang MMFF.

“Ikalawa, ang tao… walang pera ang tao. Walang pera ang tao! Ang choices — manonood ka ba ng sine o ibibili mo ng pagkain yan?

“Kaya noong nakaraang Metro Manila Film Festival, noong nakaraang Pasko, nagpunta ako sa Alabang Town Center, walang laman ang sinehan.

“Ang mga restaurant, punung-puno!”

Ibinaba ang ticket price para sa MMFF 2026. Ang cap sa REGULAR cinemas ay P299.

“Kahit na, kahit na. Ang sa akin, ang tanging wish ko… na sana, kahit apat, kumita. Kahit apat lang sa walo.

“Kasi, ang tao… mahirap ang buhay ngayon, e… Kung apat ang kumita, masaya na ako.

“Pero takot na takot ako. Kaya lagi kong sinasabi, kinakausap ko yang si Roselle [Monteverde]. Sinasabi ko, ‘Roselle, ninenerbiyos ako sa mga entry.’ Di ba?”

WHAT AWAITS LOCAL MOVIE INDUSTRY IN 2027?

Paano pa ang local movie industry next year?

“Ay, naku! Hindi ko na gustong isipin, hindi ko na gustong isipin. Iniisip ko na nagdagdag ako ng teaching load ko sa La Salle, OK,” tugon ni Direk Joey.

“Pag iniisip ko yung mga problema ng industriya, sa akin naka-focus ngayon ako to bringing more opportunities sa regional filmmakers.”

Isa iyon sa thrusts ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Inaasam ni Direk Joey na madagdagan ng FDCP Cinematheque Centre sa bansa.

“Nagso-song-and-dance ako sa mga mayor ng mga city… At least, nangangarap kami, isa iyong Dumaguete,” say ni Direk Joey.

“May linaw iyon! Sana rin, sa Ilocos at Baguio. Pag ako, makapagbukas ng dalawang Cinematheque bago ako bumaba, masaya na ako.”

Read: Joey Reyes warns of more job losses in Philippine TV

NOEL FERRER

Masaya si Direk Joey Reyes na sa walong student short films sa MMFF 2026, pito ay mula sa regional filmmakers.

“That says a lot!” bulalas ni Direk Joey.

“Kaya ang saya-saya ko! Alam mo, pinakamasaya ako, pag nakikita ko yung mga student filmmakers. Dahil yun ang future, e.”

Sa Disyembre 12, Sabado ng 2:00 P.M., nakatakda ang MMFF 2026 Parade of Stars and Smiles PLUS Music Fest sa Bacolod City.

Mag-uumpisa ang parada sa Robinsons Bacolod Front Expansion. Babagtas sa Lacson St., Rizal St., San Juan St., Luzuriaga St., Gatuslao St., Hernaez St., Araneta Ave., Alijis Road, Circumferential Road, P. Hernaez St. Ext., Lopez Jaena St., Galo St., balik sa Circumferential Road, at magtatapos sa New Bacolod City Government Center kung saan gaganapin ang music fest umpisa 6:00 pm.

MMFF 2026 PARADE OF STARS IN BACOLOD CITY

So far, ang mga nai-announce sa Facebook page ng MMFF na kumpirmadong paparada sa City of Smiles ay ang mga sumusunod:

The Greatest Showdown — Vic Sotto, JM Ibarra, at Rave Victoria

2nd Miracle in Cell No. 7 — Aga Muhlach, Jodi Sta. Maria, Joel Torre, at Xia Vigor

A Perfect Marriage — Paulo Avelino, Eugene Domingo, at Zac Sibug

Haunted Carnival — Julia Barretto at James Reid

Abangan sa FB page ng MMFF kung sinu-sino pang bituin ang paparada sa Bacolod!

Samantala, sa Disyembre 19, Sabado, ang MMFF 2026 Parade of Stars na mag-uumpisa sa San Fracisco St., Mandaluyong City patungong Maysilo Circle, kakanan sa Boni Ave., kakaliwa sa Barangka Drive, kaliwa sa Nueve de Febrero, kanan sa Maysilo Circle, kanan sa Boni Ave., kanan sa New Panaderos, diretso sa General Kalentong.

Kapagkuwan ay kaliwa sa F. Manalo, kanan sa N. Domingo, kanan sa A. Paterno, kanan sa Santolan/Pinaglabanan, at magtatapos sa Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City.

Ang awards night ay sa Disyembre 27, Linggom sa Shangri-La EDSA, Mandaluyong City.

Read: Where Love Has Gone? Actor parts ways with actress, singer with benefactor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From the success of 2 Valid IDs and Pee Mak to the upcoming MMFF 2026, Philippine cinema faces a crucial year-end box office test as Hollywood blockbusters Avengers: Doomsday and Dune: Part Three arrive in December.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results