GORGY RULA
Bago nagsimula ang media conference ng Film Academy of the Philippines (FAP) noong Linggo, November 22, 2026, saglit nakatsikahan ng PEP Troika
si Donna Cariaga na host, kasama si Teri Malvar, sa announcement of nominees ng 41st Luna Awards.
Si Donna ang nanalo sa Season 2 ng LOL o Last One Laughing Philippines na streaming sa Amazon Prime.
Naka-tie ni Donna dito si Candy Pangilinan, kaya naghati sila sa one million pesos (PHP1M) na premyo.
Tinanong namin sI Donna kung ano ang ginawa niya sa kalahating milyong pisong napanalunan.
“Ano na po, hinulog ko na sa lupa!” natatawa niyang sagot sa amin.
Aminado si Donna na nahirapan sila sa LOL dahil mahirap daw talagang magpatawa sa mga contestant na nagpipigil ng tawa.
Saan ba siya mas nahirapan: ang magpatawa o yung kailangang hindi ka matawa?
Tugon ni Donna: “Parehas po, e. Kasi, as a comedian talaga, malaking factor yung energy ng mga kasama mo na parang, pag nakikita mo silang tumatawa sa moment na yun, mas nai-inspire ka.
“Pero pag merong challenge na parang bawal tumawa. Pero di ba minsan, parang ang sakit din sa loob?
“So, ang challenging ba, nagpapatawa ka, at the same time hindi mo alam kung natatawa ang mga kasama mo sa iyo o pinipigilan lang nila na tumawa.”
May comments nga na nahirapan daw silang tapusin yung show dahil ang tibay ring nilang patawanin.
Sabi pa ni Donna: “I think siguro pag ang tagal mo sa loob, may papasukan ka ring zone, e, na parang naano ka na, na-internalize mo na hindi ka tatawa.
“So, minsan kahit ano, natatawa ka na sa loob mo, pero wala yung physical manifestation ng laughter. Naka-internalize ka rin.”
Read: Ethel, Long, Pooh, Esnyr among Last One Laughing PH Season 2 cast
DONNA CARIAGA ON LONG MEJIA
Aminado si Donna na nahirapan siya at na-challenge siya nang husto kay Long Mejia.
Ani Donna: “Nung interview pa lang po namin nung mag-start pa lang yung LOL, ang sinabi ko talaga, ‘Kung ipapasok niyo si Kuya Long, diyan mahihirapan talaga ako kay Kuya Long.’
“Kasi si Kuya Long, nakasama ko na yan sa ilang sitcom na din, e. Tapos walang mintis talaga na napapatawa niya ako nang malala.
“Kami pa yung nag-one v one. So, sa kanya po talaga ako nahirapan.”
Kaya pagkatapos ng competition ay halos lahat daw sila, nagkaiyakan na.
“Nung natapos na yung oras namin sa loob, halos umiiyak na kaming lahat.
“Kasi ako naman, personally, ang realization ko, grabe.
"Ang hirap din talaga ang comedy. Kasi subjective siya, e. Hindi para sa lahat.
“Kahit lahat kami dun komedyante, hindi naman automatically lahat kami dun magka-humor. So, iba-iba din kaming mao-offer.
“So, kahit kapwa mo komedyante, hindi mo alam kung ite-take din niya yung comedy mo. May ganung challenge din,” saad ni Donna.
Read: Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid legal battle with Lakam
NOEL FERRER
Marami rin daw na-realize si Donna Cariaga sa pagsali niya sa LOL Philippines.
Ani Donna: “Ang akin lang talaga, hindi talaga biro, especially na yung mga beterano na nating mga komedyante na kasama din namin.
"Ang sabi ko, ‘Ang husay. Kasi ibang talino, iba rin ang resistensiya.’”
Pero ang ganitong show ay nababagay ba sa ating bansa?
Iba rin kasi talaga ang humor sa ating mga Pinoy, lalo na ngayong maingat na ang lahat na walang may mainsulto o matapakan para hindi ma-bash at ma-cancel.
“I think po bagay naman sa Pilipinas, kasi tayo namang mga Pilipino, likas naman tayong masayahin talaga,” tugon ni Donna.
Pero kahit nakadalawang season na ang LOL, tila marami pa ring hindi naa-appreciate ang ganitong klaseng show.
Read: 41st Luna Awards: Quezon scores 13 nominations; Jorrybell Agoto gets posthumous nod
