GORGY RULA
Lalong naging mainit ang netizens sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 dahil itinigil na ang live streaming ng reality show.
Ngayong Miyerkules, November 25, 2026, ay trending sa X (dating Twitter) ang hashtag na #BringBackPBBLivestream at meron pang #BoycottPBBSponsors.
Mas marami tuloy ang nagkakainteres sa PBB Collab 3.0 at sa karamihan ng housemates nito.
Pagdating sa free TV ay tumaas ang rating ng PBB, lalo na pag Sabado kung saan ginagawa ang eviction.
Noong Sabado, November 21, ay mataas ang rating nito na naka-7.5%.
Parang nahatak pa tuloy ang sumusunod na Pepito Manaloto na naka-8%.
Sa panahon ngayon na karamihan ay sa mobile phone na lang nanonood, mataas na itong makapagtala ng 8 o 9%, lalo na sa weekend na nasa labas ang karamihan.
WEEKDAYS RATINGS OF PBB COLLAB 3.0
Kapag weekdays, halos ganun pa rin ang viewers ng PBB na sumusubaybay sa collaboration na ito ng ABS-CBN at GMA-7.
Noong Biyernes, November 20, ay naka-3.4% ito.
Noong Linggo, November 22, ay 3.2% ang rating nito.
At noong Lunes, November 23, ay 3.5%.
Halos ganito rin ang viewership ng PBB Collab 1.0 at 2.0.
Read: Cianne, Nicole evicted from PBB; Robbie exits as livestream ends
NOEL FERRER
Noong Sabado, November 21, 2026 ay hindi pa rin ganun kataas ang ratings ng mga programa, lalo na sa GMA-7.
Ang It’s Showtime ay 4.2%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.
Ang Born To Shine ay 4.8% at ang Frontline Express ay 1.4%.
Ang sumusunod na Tadhana ay 4.1%, ang Barangay Love Stories ay 3.1%.
Ang Farm To Table ay 2.9%, at ang SOCO ay 0.8%.
Medyo tumaas na pagdating ng primetime.
Ang 24 Oras Weekend ay 6.4%, ang Frontline Weekend ay 0.9%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.3%.
Ang Vibe naman ay 1%, ang Ibang Level ay 1.4%.
Pagkatapos ng PBB na 7.5%, sumunod ang Pepito Manaloto na 8%, at ang Deal or No Deal ay 2.6%.
Ang Magpakailanman ay 6.4%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 2.1%.
Ang Atom Araullo Specials ay 3.6%, at ang Matteo G Primetime ay 0.8%.
NOVEMBER 22 RATINGS
Pagdating ng Linggo, November 22, ay hindi rin gaanong pumalo ang ratings ng nasa primetime.
Halos ganun pa rin ang viewership ng All-Out Sundays na naka-2.7%.
Ang ASAP XP na nasa primetime ay 2.1% lang.
Namamayagpag pa rin ang The Voice Kids na 8.2%, at konti na lang ang itinaas ng sumusunod na Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-9.8%.
Ang Deal or No Deal ay 1.6%, ang Maalaala Mo Kaya ay 1.1%.
Ang Gandang Gabi Vice, kung saan inere ang part two na interview nito sa BINI, ay 2.7% ang naitalang rating.
Read: Robbie Jaworski and girlfriend Magui Ford unfollow each other on IG
JERRY OLEA
Pagdating sa primetime ng weekdays, namamayagpag pa rin ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes na nasa Season 2 na.
Pero hindi ito ganun kataas kung ikukumpara sa Season 1.
NOVEMBER 20 RATINGS
Noong Biyernes, November 20, ay 8.7% ang The Master Cutter; at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7%.
Sumunod ang Taskforce: Firewall na 7.3%.
Noong Lunes, November 23, ay naka-8.8% ang The Master Cutter; at ang Sigabo ay 6%.
Ang Taskforce: Firewall ay 7.3% pa rin.
Narito pa ang ratings ng mga programa sa hapon noong Lunes:
Ang It’s Showtime ay 3.9%, at ang Eat Bulaga! ay 2.7%.
Ang sumusunod na Born To Shine ay 4%, at ang Mommy Guard naman ay 1.1%.
Ang Delivery Boi ay 3.2%, at ang What Lies Beneath ay 0.3%.
Pagkatapos nito ay ang Fast Talk With Boy Abunda na 2.3%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.1%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 1.9%, ang sumusunod na Arthdal Chronicles ay 1.9% din; ang TV Patrol Express ay 1%.
Ang Family Feud ay 6.7%, ang Minute to Win It ay 1.2%, at ang Una sa Balita ay 0.9%.
Ang 24 Oras ay 9.9%, ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol ay 2.7%.
Read: Miss Universe 2026: Puerto Rico wins crown, Bea Windorski is 3rd runner-up
