PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director Dan Villegas clueless about Kim Chiu pregnancy rumors

Director Dan Villegas praises Kim Chiu, Paulo Avelino, and Zac Sibug.
by PEP Troika
Published A day ago
dan villegas a perfect marriage
Director Dan Villegas discusses working with Kim Chiu and Paulo Avelino in the MMFF 2026 entry A Perfect Marriage. He also responds cautiously when asked about Kim's personal issues and the pregnancy rumors surrounding the actress.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Matipid at maingat si Direk Dan Villegas sa mga sagot niya nang nakorner namin sa premiere night ng pelikulang Laya noong Nobyembre 23, 2026, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Si Direk Dan ang director ng MMFF 2026 entry ng Quantum Films na A Perfect Marriage na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Kaa-upload lang noon ni Kim sa kanyang YouTube channel ng vlog at nag-update ng kalagayan niya.

Kuha ang video noon pang Setyembre 24, ilang oras bago maganap ang paghaharap ni Kim at ng kapatid niyang si Lakam Chiu sa arraignment para sa kasong isinampa ng aktres laban sa kanyang ate.

Tinanong ng PEP Troika si Direk Dan kung nakatulong ba ang mga pinagdadaanan ni Kim sa karakter na ginampanan niya rito sa A Perfect Marriage.

“I think you better ask her na lang the question. Kasi ako, as much as possible sa set, we try to maintain parang…. professional distance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ihiwalay yung character dun sa persona mo talaga, sa personality mo talaga.

“So ayun! Para malinaw ang difference,” maingat na sagot ni Direk Dan.

Sa shooting ng pelikula ay naka-focus daw si Direk Dan sa karakter na ginagampanan ng mga artista, hindi sa kanilang personal na isyu.

DIREK DAN VILLEGAS ON RUMORED PREGNANCY OF KIM CHIU

Nabigla pa nga siya nang sinabi kong hindi naman siguro totoo yung kumakalat na isyung buntis si Kim.

Wala raw silang major na problema na hinarap hanggang sa natapos ang shooting ng pelikula.

“Ay! Hindi ko po alam!” kaagad na sagot ni Direk Dan tungkol sa isyung buntis ang aktres.

“Honestly po, kung ano man yung ano niya dun, hindi ko talaga alam, e. Hindi naman ako tsismoso para pasukan ko yun.

“Saka kung buntis, e, di good for her. Blessing yun. So, that’s good. Wala talaga akong idea.”

Magsisimula na ang promo ng A Perfect Marriage, at pinag-uusapan pa rin ang diumano’y pagbubuntis si Kim at ang kasong isinampa nito sa kanyang kapatid na si Lakam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang tanong: haharapin ba ito lahat ni Kim kapag magpo-promote na siya?

Wala raw ideya si Direk Dan kung lalabas na si Kim sa promo ng kanilang pelikula.

“Honestly, sa promo schedule, hindi ko po alam. Kasi hindi ko pa nakikita yung calendar. So, sana po,” sabi ni Direk Dan.

Sa Disyembre 12, Sabado ng 2:00 P.M., nakatakda ang MMFF 2026 Parade of Stars and Smiles PLUS Music Fest sa Bacolod City.

Ang mga artista ng A Perfect Marriage na paparada ay sina Paulo Avelino, Eugene Domingo, at Zac Sibug.

Read: Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid Lakam case

a perfect marriage poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Inaasahan ang pagdalo ni Kim Chiu sa nakatakdang media conference ng A Perfect Marriage.

May premiere night pa sila, at siyempre may parada pa ng 52nd MMFF.

Sasagutin kaya ni Kim itong mga isyung kinasangkutan niya?

Bago magsimula ang promo ng kanilang pelikula, in-upload ni Kim ang kanyang vlog at nagsalita tungkol sa kalagayan niya at sa isyu niya sa kapatid na si Lakam.

Binanggit ni Kim sa vlog na kinunan niya ito noong September 24 bago siya umapir sa korte kaugnay sa kasong isinampa niya. Pero ngayon lang niya ito ini-release sa publiko.

Kaya maaaring hindi na niya sasagutin ang Lakam issue, dahil nasabi na niya ito sa kanyang vlog.

Timing lang din itong pag-upload ng vlog niya bago magsimula ang promo ng pelikula.

A PERFECT MARRIAGE

Marami pa namang puwedeng pag-usapan tungkol sa A Perfect Marriage.

Dito sa pelikulang ito ay matatalakay ang tungkol sa IVF na hindi pa natatalakay nang husto sa ibang mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi nga ni Direk Dan Villegas, ang ipinupunto ng kanilang pelikula, maituturing mo bang perpekto ang isang pamilya kapag merong anak ang isang mag-asawa?

Ani Direk Dan: “Ang tanong kasi is ano ba ang meaning ng isang pamilya or yung marriage?

“Kung ang ibig sabihin ba, kapag wala kang anak, hindi successful ang marriage mo. So, yun po yung tanong na pinu-posit ng pelikula.”

Paano naka-relate sina Kim at Paulo, gayung hindi naman sila mag-asawa at hindi pa nagkaanak si Kim?

“I think, universal theme naman siya, e, kasi yung pagmamahal naman kumbaga or absence of it, kahit ano naman yung background mo, I think puwede mo naman siyang ma-channel or mapuntahan yung ganung klaseng emotion.

“Tsaka, Pau and Kim are brilliant actors.

“Hindi ko naman kailangan para i-push na kailangan maramdaman nila ito. I had fun directing with them,” saad ni Direk Dan.

Read: Filipiñana producer reveals Jorrybell Agoto's remaining hospital bill

JERRY OLEA

Sabi ni Direk Dan Villegas, ilang beses na raw niyang naidirek si Kim Chiu, pero iba raw talaga siya rito at maganda raw ang suportahan nila ni Paulo Avelino.

“Ayun lang ang maganda kina Pau at Kim. Pag naka-work mo sila, they push each other. So, nagsu-support nga sila.

“They give notes to each other habang nagte-take. So ano po, super na-appreciate ko yun sa kanila,” sabi ni Direk Dan.

Base sa trailer ng A Perfect Marriage, marami ang pumuri kay Kim. Malakas daw ang laban niya sa best actress.

Pero iba rin daw talaga ang ipinakitang galing ni Paulo.

“Wala din akong masabi kay Pau. This is my second project with Pau directing, ha?

"So, he surprises me every time I directed. So, ibang iba din.

“Kasi, very internal yung process ni Pau, e.

“So, ayun! Worth it panoorin yung dalawa, yung aktingan nila. I think sulit na yung bayad niyo sa MMFF,” sabi ni Direk Dan.

Magaling din daw sa A Perfect Marriage si Zac Sibug, na unang napansin sa unang first film niyang UnMarry noong nakaraang taon.

zac sibug a perfect marriage

Pero dito raw ay ibang galing ang ipinakita ni Zac.

“Ang galing nung bata. Yes, super!” bulalas ni Direk Dan.

“Iba yung performance ni Zac dito, Kumbaga, parang kaabang-abang yung performance ni Zac.”

Read: Sang’gre, Paskong Pinoy, Saving Cherry, Tanging Yaman set Netflix debuts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Dan Villegas discusses working with Kim Chiu and Paulo Avelino in the MMFF 2026 entry A Perfect Marriage. He also responds cautiously when asked about Kim's personal issues and the pregnancy rumors surrounding the actress.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results