PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid Lakam case

Kim: "Nag-seek na ako ng medical help kasi hindi ko na kaya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 18 hours ago
Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid legal battle with Lakam
Kim Chiu admits she has been struggling emotionally amid her legal battle with sister Lakam (inset): "Yung mental state ko is not in the right place. I need to step back from work, and hindi ko talaga na-imagine na mangyayari talaga sa akin to. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin ito...Natatakot lang ako sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit. And also, I'm doing therapy sessions. Nag-seek na ako ng medical help kasi hindi ko na kaya."
PHOTO/S: Kim Chiu on YouTube

Inamin ni Kim Chiu na natatakot siya para sa sariling kaligtasan habang nagpapatuloy ang kasong isinampa niya laban sa nakatatandang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.

Ayon kay Kim, hindi naging madali ang mga nagdaang buwan, kaya kinailangan niyang pansamantalang lumayo sa trabaho at social media.

Kabilang sa pansamantalang itinigil ni Kim ay ang paglabas niya sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, kung saan siya nagsisilbing co-host, at pagdalo sa ilang store openings ng kanyang negosyo.

Read: Kim Chiu's business ventures through the years

Sa mahigit walong minutong vlog sa YouTube ni Kim nitong Linggo, November 22, 2026, ibinahagi ng aktres ang mga pinagdaanan nitong nakalipas na buwan.

Kinunan ni Kim ang naturang vlog noon pang September 24, araw na nakatakda ang pagbasa ng sakdal laban kay Lakam, matapos siyang maaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest.

Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid Lakam case
Photo/s: Kim Chiu on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng TV host-actress: "Ang tagal kong nawala, and I'm trying to figure out kung paano ko gagawin ang aking vlog.

"So now, ngayon lang ako nakakuha ng courage to, like, vlog what's happening in my life.

"I just woke up. It's 8:40 A.M. Today is September 24, so much happened in my life. Like, I've been very emotional.

"Yung mental state ko is not in the right place. I need to step back from work, and hindi ko talaga na-imagine na mangyayari talaga sa akin to. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin ito.

"Kahit na mag-vlog, pinilit pa nila ako, 'I-vlog mo, i-vlog mo yung nangyayari sa iyo.'

"Pero hindi ko talaga kaya. As in lagi lang akong nandito, nakahiga. Lagi lang akong nasa bahay with my bare face, with myself.

"Naliligo naman ako every day. Na-enjoy ko naman mag-bathtub and everything."

Read: Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos lahat din daw ng kanyang oras ay ginugugol niya sa loob ng bahay upang magpahinga dahil natatakot siyang makihalubilo sa ibang tao.

Dahil alam at ramdam ni Kim na hindi maayos ang kanyang kalagayan, minabuti na raw niyang magpatulong sa health professionals.

Napapansin daw kasi niyang hindi na siya katulad ng dating Kim na kilala ng publiko na masayahin at laging positibo.

Aniya: "Natatakot lang ako sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit. And also, I'm doing therapy sessions. Nag-seek na ako ng medical help kasi hindi ko na kaya.

"For a person na sobrang rainbows and butterflies and sunshine, it's different now.

"I'm still that person, pero hindi ko alam kung bakit kailangang umabot ako sa ganito.

"I never imagined 20 years of my life in front of all the people, everyone supporting me.

"Hindi ko naman pinagdadamot kung ano ang nangyari sa akin. It's just that tinigil ko nang mag-update.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tinigil ko lahat. Hindi ko alam kung ano yung nangyayari sa akin talaga."

Read: Kim Chiu chooses to "stay strong" amid a "difficult day"

Kim opens up about 124 qualified theft charges vs Lakam

Sa naturang video, ibinahagi rin ni Kim ang tungkol sa kasong kinakaharap ng kanyang nakatatandang kapatid.

Ayon sa aktres, lumabas noong September 15 ang warrant of arrest laban kay Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa niya rito.

Kim Chiu with elder sister Lakam Chiu during happer days
Kim Chiu (left) with elder sister Lakam Chiu (right).
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Kim, ang mga kasong ito ay may kinalaman lamang sa kanilang kumpanyang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), kung saan magkasosyo sila ni Lakam.

Hindi pa raw kabilang dito ang umano'y personal na perang nakuha ng kapatid sa kanya.

Read: Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal resurfaces

Saad ni Kim: "Today, September 24, is gonna be a hard day.

"Kaya late din akong nagising kasi hindi ako nakatulog nang super, because I've been thinking about this day.

"So as you all know, by this time, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa case.

"But September 15, lumabas na yung warrant ni Lakam. Hindi ko na siguro i-elaborate dahil alam niyo naman kung ano yung nangyari sa company.

"Hindi ko pa binibilang yung sa sarili ko."

"Hindi ko kayang pag-usapan to for almost a year, a year and a half. Hindi ako makapaniwala talaga."

Read: LTO chief Markus Lacanilao slams Geo Ong's helicopter arrival

Ibinahagi rin ni Kim na nakatakda ang unang araw ng pagdinig sa kaso noong September 24, araw rin kung kailan niya kinunan ang naturang vlog.

"I can only share what I can share as of the moment dahil today, first hearing namin."

"First hearing and inalis ko na yung sarili ko sa social media kasi hati naman talaga yung opinion.

"Pero naisip ko, corporate fund yun. It's the company's money. Hindi pa ako nagpa-file ng case sa personal money.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. And lagi lang akong nandito sa bahay because I'm really scared for my life.

"Takot talaga ako at ayaw ko talagang magsalita tungkol sa mga nangyayari ngayon."

Kim acknowledges siblings' help in pursuing case vs Lakam

Samantala, hindi napigilang maging emosyonal ni Kim nang mabanggit ang pangalan ng dalawa pa niyang kapatid na sina John Paul at Twinkle, na tumutulong umano sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdaraanan.

Kim Chiu fears for her life, seeks medical help amid Lakam case
Photo/s: Kim Chiu on YouTube

Maluha-luha niyang sabi, "Today, nagising ako na medyo matapang-tapang ako nang konti kaya nagpasalamat ako kina John Paul and Twinkle, yung asawa ni Twinkle, for helping me na i-push yung kaso na to because this is not right.

"This is so much money from the company itself. And this is just 124 counts of qualified theft. It's just January to June of 2025. Six months pa lang."

Read: Kim Chiu’s 2 siblings rally behind her amid legal battle

Ayon sa aktres, labis ang kanyang kaba sa posibilidad na makaharap ang kanyang kapatid sa korte.

"Mamayang 2 P.M., first time naming maghaharap. Wala sina Twinkle, Carlo, and John Paul. Lawyer ko lang ang nandoon. Kinakabahan akong humarap.

"Nag-message si Direk Lauren [Dyogi]. Sasamahan niya raw ako. Ayaw kong humarap. It's stressing me out.

"Ang tagal kong nanahimik for this. But doon daw malalaman kung guilty or not guilty siya."

Read: Kim Chiu attends sister Lakam Chiu's arraignment

Sa huli, tiniyak ni Kim sa kanyang mga tagahanga na patuloy siyang lumalaban at umaasa na malalampasan din niya ang pinagdaraanan.

"Hindi ko alam kung kailan ko ipapalabas yung vlog na ito, but kapag napanood niyo to, for sure tapos na yung first day of hearing, but I just want all of you to know what's happening in my life a little.

"I miss you all so much. Marami lang nangyayari, but I'm okay, and God will provide.

"I'll be back soon, I guess. Hindi ko alam," aniya.

KIM AND LAKAM FEUD

Magkasosyo sa HOLB, isang fashion brand ng handbags, sina Kim at Lakam.

Mid-2025, nadiskubre ni Kim ang diumano’y financial discrepancies sa kanilang kumpanya.

Umabot umano sa mahigit PHP44 milyon ang "unauthorized withdrawals" sa dalawang corporate bank accounts ng magkapatid.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Dahil tanging si Lakam daw ang may access sa kanilang joint accounts, kinumpronta umano ito agad ng aktres.

Humingi raw ng paumanhin si Lakam at nangakong ibabalik ang pera.

Pero ayon kay Kim, walang malinaw na eksplanasyong naibigay sa kanya noon si Lakam kung saan napunta ang mga nawawalang pera.

July 26, 2025, muli silang nagkakita upang magkausap.

Dito na waring nagbigay ng ultimatum si Kim kay Lakam na bayaran ang kinuha umano nitong pera sa loob ng isang linggo.

Read: Kim Chiu stands firm on pursuing legal case vs. sister Lakam

Diumano, sa puntong ito umamin si Lakam na ang "unauthorized withdrawals and transfers" sa kanilang bank accounts ay ginamit niya sa "gambling" sa "casino" at pambayad ng "personal debts."

Dito nagdesisyon ang aktres na paimbestigahan sa kanyang mga abogado ang lahat ng transaksiyon sa dalawang joint bank accounts nila ni Lakam para sa HOLB Philippines Inc.

December 2, 2025, pormal na naghain si Kim ng reklamong qualified theft laban kay Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pagsapit ng September 20, 2026, naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Lakam sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84.

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

Ang kanyang kaso, 124 counts ng qualified theft na isinampa ni Kim kaugnay ng umano’y pagkuha ng corporate funds ng kumpanyang HOLB Philippines Inc.

Hanggang noong September 24, pansamantalang nakalaya si Lakam matapos itong mag-post ng piyansang PHP5.6 million sa pamamagitan ng surety bond.

Nanindigan si Lakam na wala umanong katotohanan ang paratang sa kanya.

Read: Lakam Chiu out of jail after posting PHP5.6M surety bond

Nakasaad sa resolusyon ng piskal na ikinatuwiran ni Lakam na hindi niya ginastos pansugal ang pera nila ni Kim, kundi ginamit daw niya ito sa investment sa isang business venture sa casino.

Gusto umano ni Lakam na palaguin ang pera nila ni Kim, pero nabigo raw siya dahil nalugi umano ang negosyong pinasukan.

Sinasabi rin ni Lakam na hindi maituturing na unauthorized ang winithdraw niyang pera dahil joint bank accounts daw nila ni Kim ang pinagkunan niya nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu admits she has been struggling emotionally amid her legal battle with sister Lakam (inset): "Yung mental state ko is not in the right place. I need to step back from work, and hindi ko talaga na-imagine na mangyayari talaga sa akin to. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin ito...Natatakot lang ako sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit. And also, I'm doing therapy sessions. Nag-seek na ako ng medical help kasi hindi ko na kaya."
PHOTO/S: Kim Chiu on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results