JERRY OLEA
Pinaghahandaan na nina Therese Malvar at Jaime Morados ang kanilang wedding sa first quarter ng 2027 sa Tagaytay City.
Isiniwalat ito ng multi-awarded Kapuso actress nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 22, 2026, Linggo, Wolfgang Premiere Theater ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Noong Hunyo 30, 2026 ini-announce ni Therese sa Instagram ang kanilang engagement.
Four years nang nagdi-date sina Therese at Jaime.
Natatawang sabi ni Therese: “Nagulat yung iba, akala nila, ‘Hala, ang bata mo pa!’ Pero 27 na po ako next year. Hi! Hi! Hi!
“Malapit na akong mag-30 kesa mag-18.”
Parang kailan lang na nagbida si Therese sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita (Setyembre 2013) kasama si Angel Aquino.
Pagbabalik-tanaw ni Therese sa journey nila ng writer-director na si Jaime: “Classmates po kami sa MINT College, and then naging close friends po kami.
“And then nagka-work po kami sa QCinema film na Ang Pagliligtas sa Dalagang Bukid [2022].
“Nagkasama po kami, naging close, at doon na-develop.”
Si Jaime ang writer-director ng nasabing short film, kung saan bida si Therese kasama sina Carlos Dala at Juliane Esguerra.

THERESE MALVAR ON PRODUCING SHORT FILMS
Sa QCinema 2025, tampok ang short film na They Made Monsters, written and directed by Jaime, and produced by Therese.
Bida rito si Cedrick Juan, na na-enjoy ang pakikipagtrabaho kina Therese at Jaime.

“Sobrang nag-enjoy kami shooting with Kuya Cedrick. Kasi parang first time naming magka-work,” sambit ni Therese.
“Pero behind the camera pa ako kaya natuwa siya.”
Prinodyus din ni Therese ang ilan sa short films ng kanyang fiancé.
“Iyon yung isa sa mga pinakauna kong producing na job before I took on kay Miss Baby Ruth Villarama as associate producer for Food Delivery [Fresh from the West Philippine Sea],” lahad ni Therese.
“So, nagkaroon ako ng confidence after producing his short films.”
Balak din ba niyang mag-produce ng full-length film?
“Yes, yun talaga yung goal namin. Actually, kami ni Jaime, yun din ang next na parang pagtutuunan talaga namin ng… as in, magiging hands on kami,” saad ni Therese.
“We’re planning to produce a feature film. And also me, individually, I’m also wanting to venture more in producing feature films, but documentaries naman. Again, like Food Delivery.”
Sa ipo-produce niyang feature film ay hindi raw siya artista, kundi behind the camera.
Read: Therese Malvar now engaged to filmmaker Jaime Morados
NOEL FERRER
Bilang producer, nakita ni Therese Malvar ang hirap ng pagbuo ng pelikula.
“Yeah, super!” bulalas ni Therese.
“Dahil kina Miss Baby Ruth kaya nagustuhan kong mag-produce.
"Tsaka lahat ng mga natutunan ko habang umaarte ako, siyempre may mga negative experiences, may mga positive experiences.
“Iyon yung mga nate-take ko as learning lessons for me. Para kapag may own set ako, maganda siya, maayos siya. Makatao siya sa lahat.”
WHERE THERESE GETS HER FUND FOR PRODUCING FILMS
Magastos ba ang pagpo-produce? O kayang-kaya niya?
Pagtatapat ni Therese: “Ang ginagawa ko po, na-learn ko ito kina Direk Dan Villegas at Sir Alemberg Ang. Sabi nila, ‘Never use your own money.’
“Ang natutunan ko naman is laging maghanap ng mga investors na nagtitiwala sa boses mo.
“Tapos iyon na yung magiging pang-cash flow niyo. So, hindi po siya magastos sa side ko. Kasi, never po akong naggastos nang bongga.”
Nalaman daw ni Therese na maraming scammer o nambubudol sa local movie industry.
“Saka andaming instances na nakikita ko na parang… dito inilalagay ng ibang mga producer yung mga ano,” sey ni Therese.
“Ahh dito nila bino-bloat para mas marami silang kita. Pero ako, ayokong gawin yun.
“Kasi siyempre, ang hirap na nga kumita ng pera sa pelikula, tapos pahihirapan ko pa lalo?”
Read: Filipiñana producer reveals Jorrybell Agoto's remaining hospital bill
GORGY RULA
Nababahala ba siya sa slump sa industriya ng pelikula at telebisyon? Apektado ba siya?
“Ahhmm siguro nagkaroon ng konting slump in terms of audiences,” tugon ni Therese Malvar.
“Pero for me, parang unti-unti po kasi siyang bumabalik. Like ito pong QCinema, puro sold-out po yung mga screenings niya kaya sobrang nabuhay po kami.
“I think when you really have sulit na ticket prices, talagang manonood po talaga ang mga Pilipino.
“So feeling ko, hindi siya patay. Parang… patuloy pa ring naghahanap ng magagandang pelikula yung mga Pinoy. Never yung mawawala.”
SPARKLE ARTISTS TO DO LIVE SELLING?
Dahil sa paghihikahos ng TV industry, bali-balitang next year ay magla-live selling daw ang mga talent ng Sparkle GMA Artist Center kung saan kabilang siya.
If ever, willing ba siyang mag-live selling? Malaki raw ang kinikita sa ganoon…
“Oo, super nga daw [ang kinikita]. Pero ako po, gusto ko po talagang mag-work behind camera as producer, if ever,” sagot ni Therese.
“Yung live selling, sobrang hands down talaga, sobrang gagaling nilang lahat. Pero hindi kaya ng energy ko yung live selling din.
“Ang sisipag nila, 'no? Sobrang galing.”
Nai-imagine ba niya ang sarili na nagla-live selling ng bra o panty?
“Pero sobrang gumagana yon sa kanila… grabe, ang galing din nila. Pero hindi iyon yung forte ko,” pagmamatwid ni Therese.
Read: Perfect Marriage director Dan Villegas on Kim Chiu pregnancy rumors: "I have no idea."
