JERRY OLEA
Nag-umpisa nang mag-ingay ang official entries ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).
AMIR AND HAUNTED CARNIVAL IN CAVITE
May mga nagpa-mediacon na.
May mall show ang Amir ngayong Nobyembre 28, 2026, Sabado, sa Cavite: 4 P.M. sa SM City Trece Martires at 6 P.M. sa SM City Rosario.
Dadalo ang mga artista ng Amir na sina Dennis Trillo, Argus Aspiras, Will Ashley, Caprice Cayetano, at Heath Jornales.
Guest performers sina James Lucero, Thirdy Galvin, at Oona.
Ngayon ding Nobyembre 28, Sabado, ay nasa Cavite ang Haunted Carnival.
Kasama sina James Reid, RK Bagatsing, Celyn David, at JM Salvado sa Paru-paro Festival Float Parade mamayang 6 P.M. sa Dasmariñas Arena, Dasmariñas, Cavite.
Ibinando ng Los Salvajes Bravos na dalawa sa mga artista ng pelikula ay nominado sa Luna Awards 2026 na gaganapin sa Disyembre 10 sa Manila Hotel.
Ang bidang si Romnick Sarmenta ay nominadong best supporting actor para sa Quezon, samantalang si Jojit Lorenzo ay nominadong best actor para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.


Ibinando ng 2nd Miracle in Cell No. 7 na naka-7M views ang trailer nito sa loob ng 24 oras.
Bigatin ang patalbugan ng kulitan at tawanan sa two-part season finale ng Gandang Gabi Vice sa Nobyembre 29 at Disyembre 6, Linggo, 10 P.M., sa GMA-7, 11 P.M. sa iWant.
“Magtutuos” dito ang dalawang bida ng The Greatest Showdown, ang Phenomenal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda at ang nag-iisang Bossing Vic Sotto.

Kasali sa tawanan sina Jose Manalo, Ryan Bang, at Klarisse de Guzman, na sasabayan ng musical performance mula sa kauna-unahang Eurovision Asia winner na si Carmelle.
Siyanga pala, hindi na-disqualify sa MMFF 2026 ang hybrid documentary na Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel Gallardo, CMF, kung saan bida si Zaijian Jaranilla.
Ang pelikula ay handog ng Claretian Missionaries at ng Pamilya Gallardo.

Read: JP Aguilera faces NBI; says, "Malinis ang konsensiya ko."
GORGY RULA
Gaganapin ang unang MMFF Celebrity Pickleball Tournament bukas, Nobyembre 29, Linggo, sa Pickle Drop PH, Pasig City.
MMFF 2026 STAR IN BACOLOD
Sa Disyembre 12, Sabado, at 2 P.M. naman ang MMFF 2026 Parade of Stars and Smiles PLUS Music Fest sa Bacolod City.
Paparada sa City of Smiles ang mga sumusunod:
- The Greatest Showdown: Vic Sotto, JM Ibarra, at Rave Victoria
- 2nd Miracle in Cell No. 7: Aga Muhlach, Jodi Sta. Maria, Joel Torre, at Xia Vigor
- A Perfect Marriage: Paulo Avelino, Eugene Domingo, at Zac Sibug
- Haunted Carnival:James Reid at Julia Barretto
- Amir: Dennis Trillo, Argus Aspiras, at Caprice Cayetano
- Los Salvajes Bravos: Romnick Sarmenta, Ruru Madrid, at Christian Vasquez (na taga-Bacolod City)
- Little Hope: Pepe Herrera, Yassi Pressman, Isay Alvarez, Robert Seña, at Cailey Hope Magno
- Seeds of Peace: Zaijian Jaranilla, Dylan Ray Talon, Danica Desoyo, at Angelie Sanoy
Samantala, sa Disyembre 19, Sabado, ang MMFF 2026 Parade of Stars na mag-uumpisa sa San Fracisco St., Mandaluyong City, at magtatapos sa Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City.
Ang awards night ay sa Disyembre 27, Linggo, sa EDSA Shangri-La Manila, Mandaluyong City.
Read: How Andrew Muhlach lost weight more than 30 pounds in five months
NOEL FERRER
Nakasama ko nang isang umaga ang apat na pelikula sa MMFF-MMDA Podcast taping.
Isang malaking pasasalamat sa mga representatives ng finished film entries noong Wednesday. It was such a good program.
Hindi madali ang magkasunod na apat na panayam sa isang umaga, pero sulit na sulit ang Kuwentong Kalsada nang makausap ko ang final four ng 52nd MMFF.
Nakakatuwa na naging tulay ang podcast para maikuwento sila nang buo, nang may puso, at nang hindi minamadali.
- Seeds of Peace kasama sina Fr. Ama Tumbaga, Elora Españo at Danica Desoyo.
- Little Hope kasama sina Direk Benedict Mique.
- Los Salvajes Bravos kasama sina Pauline Saltarin, Ernestine Tamana, at Elora rin.
- A Perfect Marriage kasama sina Direk Dan Villegas at Pat Sumagui.
Iba-iba sila ng mundo, pero iisa ang itinuro nila sa akin.
Ang MMFF, hindi lang labanan ng malalaking bituin at malalaking budget. Tahanan din ito ng mga indie film na may malaking puso, malaking paninindigan, at malaking kuwento.
Salamat sa pagtitiwala, sa pagtawa, at sa pagbahagi. Sana ay maramdaman ninyong lahat na may tahanan kayo sa MMFF.
At sana, ngayong Pasko, bigyan natin sila ng pagkakataong mapanood at pumasok sa ating pagdiriwang. Panoorin natin silang lahat sa sinehan!
