JERRY OLEA
Best Child Performer si Zion Cruz sa 3rd Puregold CinePanalo (Setyembre 23-Oktubre 6, 2026) para sa pelikulang Apol of My Ai.
Gumanap siya bilang si Apol, isang 10-year-old boy na nagka-crush sa teacher niyang si Ma’am Ai (Rochelle Pangilinan).

Ulila sa ina si Apol, at malayo ang kanyang loob sa amang si Poli (Zanjoe Marudo) na hindi niya nakasama sa paglaki. OFW kasi ito.
ZION CRUZ ON WORKING WITH ZANJOE MARUDO
Wagi naman si Zanjoe sa CinePanalo bilang best supporting actor.
“Sobrang dali pong makasama si Sir Zanjoe po sa pagiging tatay,” lahad ni Zion sa mediacon noong Nobyembre 26, 2026, Huwebes, sa Rosario restaurant, Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
“Dahil po una po sa lahat, sa kada scene po, sinusuportahan din po ako ni Sir Zanjoe.
“And then alam niyo po kasi iyong parang… chemistry. Parang sadyang medyo bagay po kasi dahil hindi rin po ako nahirapan sa pagiging anak po ni Sir Zanjoe sa movie po.
“And then, sobrang saya din po niyang kasama sa totoong buhay. Kasi po, sobrang bait po. And then, hindi po ako naiiwan pag kunyari po may usapan po sila.”

Ano ang favorite scene niya sa movie? At bakit?
“Yung scene po na… lasing po ako!” natatawang sambit ni Zion.
“Ahhmm kasi po, kaya ko po siya nagustuhan, dahil po it’s so challenging po na maging lasing!
“Because I’m just a kid po. I’ve never experienced being drunk po… gusto ko po yung part na I was saying some gibberish and then…”
Sa totoong buhay ay hindi pa raw siya nakakatikim ng alak o anumang alcoholic beverage.
“Actually po, si Direk po iyong kausap ko at that time. Kasi po. Si Direk din po ang sumusuporta din po sa akin,” paliwanag ni Zion.
“Tinutulungan niya po akong malabas talaga yung parang galit po. Hindi ko rin po alam kung saan po nanggagaling.
“And siyempre po, before the scene po, nagpe-pray po ako. Nagpe-pray po ako kay Lord. ‘Lord, tulungan Niyo po akong magkaroon po ng galit pero huwag Niyo pong ipaisip po sa tao na ito po ay hatred towards my dad kundi po parang brought by temporary emotions po.’
“And yun po.”
Nasa cast din ng Apol of My Ai sina Mads Nicolas, Kat Galang, at Jacob Kawagdan, sa direksiyon ni Thop Nazareno.
Executive producers sina Zanjoe Marudo at Jalz Zarate.
Ang premiere night nito ay sa Nobyembre 30, Lunes, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City. Ang commercial release ay sa Disyembre 2, Miyerkules.
Read: How Andrew Muhlach lost weight more than 30 pounds in five months
NOEL FERRER
DOES ZION CRUZ ALREADY HAVE A CRUSH?
May crush na ba siya? O gaya ng character niya ay humanga sa teacher?
“In real life po, hindi ako nagkaka-crush. Kaya naano ko yung having a crush po, kasi ho, sabi lang ho ni Direk, innocent crush,” saad ni Zion Cruz.
“Isipin lang po, parang nanay ko po, magkaroon daw po ng admiration sa person. And hindi po iyon crush na parang aasawahin na po, yung ganun po.
“So, sa totoo lang po, sa totoong buhay—hindi po ako nakaka-relate. Kasi po, never pa po akong nagkaka-crush talaga sa teacher.”
Natawa si Zion nang biruin na baka sa principal siya nagka-crush.
Read: MMFF 2026 heats up: What to expect and where to catch the stars
GORGY RULA
ZION CRUZ'S WINNING MOMENT
Ano ang naramdaman niya nang i-announce na siya ang best child performer sa CinePanalo?
“Actually po, nung tinawag yung name ko po, medyo… parang huminto po kasi parang medyo at the time po, hindi pa po ako naniniwala din because may isa pa pong bata na ang pangalan po, Zion Cruz din.
“And then, nung in-announce na po yung name na Apol of My Ai, doon lang po parang nag-sink in. Ako po talaga?!
“Tapos ayun po, nagpasalamat din po ako kay Lord, and sa lahat po ng sumusuporta.”
Ang dalawa pang nominadong best child performer ay sina Zion Cruz ng Wantawsan, at Ruslan Jacob ng Beast.
Unquestionable ang pagkapanalo ni Zion. Kitang-kita ang kahusayan niya sa kanyang first movie.
Bago ang awards night, andaming nagsabi na sureball siyang mananalo. May pressure ba iyon sa kanya?
“Uhm, actually po, hindi ko naman pinapaabot sa utak ko yung magiging mga reviews po for Apol,” malumanay na tugon ni Zion.
“At yung sinasabi po ng mga tao na sobrang galing daw po. Pero hindi ko din naman po iniisip. Kasi po, yung galing ko din naman po, nanggagaling kay Lord. And siyempre po, sa suporta po ng pamilya ko po.”
Ngayong Nobyembre 28 ang ika-12 kaarawan ni Zion Cruz.
Ano ang birthday wish niya?
“Sana po, madami pong manood ng Apol of My Ai, lalo na po iyong mga OFW at pamilya nila.”
