PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica will not run for office; he will focus on movies

"Susuportahan ko na lang ang mga kaibigan ko sa politics."
by PEP Troika
Published 6 hours ago
Aljur Abrenica headlines Kappa Tiran
Asked if he would run for office again, Aljur Abrenica says he plans to focus on making movies for now while still supporting his friends in politics.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Proud si Aljur Abrenica sa fraternity hazing movie nila ni Ejay Falcon na Kappa Tiran.

“As an actor, sa panahon ko ngayon, parang yung mga projects na ginagawa ko is for the people,” sabi ni Aljur matapos ang premiere screening ng Kappa Tiran noong Nobyembre 28, 2026, Linggo, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

“So, this film is an opportunity sa mga kabataan para maging mas aware and magkaroon ng wisdom to really think it through, pag-isipan na maigi, bago mag-decide na sumali sa frat.

“Kasi you can see sa film, parang hindi nila inalam talagåça. Parang, ‘Sige na, sasama ako pag sasama siya!’ Yung mga ganung bagay.

“And may mga bagay na hindi inaasahan na nangyayari. So, this film is an awareness para sa mga kabataan bago pumasok sa isang fraternity.”

Nagbida sina Aljur at Ejay bilang kambal sa Kapamilya series na Sandugo, na umere noong Setyembre 2019 hanggang Marso 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho silang lumabas sa FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbidahan ni Coco Martin, pero wala silang eksena roon together.

“Itong pelikulang Kappa Tiran, I’m very blessed. Kasi, nung nalaman kong si Ejay Falcon iyong nasa pelikula, hindi na ako nagdalawang-isip,” pagtatapat ni Aljur.

Ejay Falcon for Kappa Tiran
Ejay Falcon for Kappa Tiran
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Umoo na ako kahit hindi ko pa alam yung script, hindi ko pa alam yung direktor, hindi ko pa alam yung production.”

Ang direktor ng Kappa Tiran ay si Neal “Buboy” Tan. Co-stars dito sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Julio Diaz, Sam Coloso, at Bembol Roco bilang Master Oliver.

Nasa cast din sina Mygz Molino, MJ Macalintal, Marvin Diamante, Darwis Ismaeli, Evander Cañete, Mad Ramos, Emerson Capule, Bernie Batin, Jojo Matias, at Chelsea de Guia. May special participation si Marcos Mamay.

Maliban kay Bembol, ang iba pang gumanap na Master ay sina Zandro Salgado, Romark Rosita, Julian Roxas, Jimsen Jison, Howell Liao, at Andre Cue.

R-16 ang MTRCB rating sa Kappa Tiran dahil sa violent scenes.

Ayon kay Direk Buboy, ipapalabas muna ito sa mga campus. Hopefully ay magkaroon din ito ng commercial release next year.

(L-R)  Aljur Abrenica, Julio Diaz, Marcos Mamay, Patricia Javier, Sheryl Cruz, and Ejay Falcon
Aljur Abrenica, Julio Diaz, Marcos Mamay, Patricia Javier, Sheryl Cruz, and Ejay Falcon
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kris Aquino makes appeals, praises BBM at Malacanang Christmas tree lighting

GORGY RULA

ALJUR ABRENICA'S CHRISTMAS THIS 2026

Kumusta siya ngayon lalo pa’t nalalapit ang Pasko?

“Siyempre, excited ako dahil meron tayong bagong pelikula, The First Defender,” tugon ni Aljur Abrenica.

“Ang showing niyan is December 9, pero magpe-premiere tayo dito ng December 8. It’s a Bisayaflix production. So, Bisaya si Lapu-lapu, so in my respect to his legacy, nag-aral ako ng Bisaya for the film.”

Gaano kaya kasaya ang Pasko niya this year?

“Always naman, masaya ang Pasko. Family, magkakasama. Walang maysakit at malusog lahat,” napangiting sagot ni Aljur.

“At nagpapasalamat ako, kasi yung mga pelikula na ginagawa natin ngayon is may kabuluhan sa mga kabataan.

“Yung pangalawa is for history naman.”

Ano ang dahilan para panoorin ng mga tao ang Kappa Tiran?

“Isa sa mga rason is social awareness. Recently, alam naman natin yung nangyari, di ba?” sambit ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May pumanaw dahil sa mga brotherhood na ganyan. Sa buong buhay ko, andami kong nakikitang ganyan. Andami ng scenario.

“So right now, it could be a change… to give awareness and wisdom bago talaga tayo sumali.”

Ang target audience ng movie ay mga estudyante at mga magulang nila?

“Estudyante saka mga magulang, hindi lang para sa estudyante, kumbaga yung mga dumaan na rin dito,” pag-ayon ni Aljur.

“Na iyong hustisya, andiyan lang. Ilalaban lang!”

Read: What brings Vic Sotto back to GMA-7 after more than two years?

NOEL FERRER

ALJURB ABRENICA ON INDUSTRY'S CURRENT CONDITION

Apektado ba siya sa paghihikahos ng industriya ng TV at pelikula?

“Well, we have to accept the fact na totoo naman, nagiging matamlay ang TV and movie industry,” pahayag ni Aljur.

“But I see it as an opportunity para mas pag-igihan pa natin. I-level up natin yung game natin, di ba?

“So yun, when it comes to performances, di ba, you prepare. Sa production, maganda siyang pagkakataon para matuto kang laruin itong industriya.

“Wala namang mawawala kundi we will gain knowledge and talino sa mga nangyayari ngayon, di ba?

“Laging-lagi, may window iyan. Kailangan lang mahanap natin.”

Nalalapit na naman ang eleksiyon. Sinubukan na niyang pasukin ang pulitika pero nabigo siya. Sasabak ba siyang muli sa pulitika?

“To be honest po, susuportahan ko na lang ang mga kaibigan ko sa politics,” wika ni Aljur.

“Magfo-focus po ako ngayon sa pelikula.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asked if he would run for office again, Aljur Abrenica says he plans to focus on making movies for now while still supporting his friends in politics.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results