Makalipas ang mahigit sa dalawang taon, muling masisilayan si Vic Sotto sa GMA-7 not just once but twice.
Sa dalawang magkasunod na Linggo ay guest siya sa Gandang Gabi Vice, ang talk show ni Vice Ganda.
Ang Open 24/7, na nagwakas noong Mayo 25, 2024, ang huling sitcom ni Vic na natunghayan sa GMA-7.
Samantalang noong Mayo 30, 2023, ang final live broadcast ng Eat Bulaga! sa nabanggit na television station.
Mula nang lumipat sa TV5 ang longest-running variety show ng bansa, hindi na napanood si Vic sa GMA-7.
Pero dahil sa The Greatest Showdown, kung saan bida sina Vic at Vice Ganda, nagkaroon ng Kapuso "comeback" ang TV host/comedian.
Unang mapapanood sa Linggo, Nobyembre 29, ang unang parte ng "The Greatest Kulitan" guesting ni Vic at susundan ito ng ikalawang bahagi sa Disyembre 6, 2026.
Read: Sexbomb BFFs Jopay, Sunshine, Mia, Johlan in Japan for film shoot
IS VICE GANDA GUESTING ON EAT BULAGA!?
Ikinagalak ng mga tagahanga ni Vic, lalo na ang mga nasanay na napapanood ang Eat Bulaga! sa GMA-7.
May mga umaasa naman na bilang kapalit ay makikita nila si Vice sa Eat Bulaga!, ang katapat na programa ng It’s Showtime, ang programang ipinalit sa Eat Bulaga! nang umalis ito sa GMA-7 at lumipat sa TV5.
Parang mahirap mangyari ang inaasam ng mga tagahanga ni Vice na mapanood ito sa Eat Bulaga! o si Vic sa It’s Showtime alang-alang sa promo ng kanilang pelikula.
Pero wala nang imposible sa panahon na maraming hamon na pinagdaraanan sa kasalukuyan ang mga television network.
Read: JP Aguilera faces NBI; says, "Malinis ang konsensiya ko."