PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista on breakup rumors surrounding friend Sanya Lopez

“Ang importante sa akin ngayon, kung magiging masaya yung kaibigan mo."
by PEP Troika
Published 5 hours ago
Kakai Bautista and Sanya Lopez
Amid breakup rumors, Kakai Bautista sidesteps the question about whether Sanya Lopez is single and says she’ll be there whenever her friend needs her.
PHOTO/S: The People Have Spoken

GORGY RULA

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring nagkumpirma kung break na ba si Sanya Lopez at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Pawang haka-haka lang na break na raw at kung anu-anong kuwento ang napapag-usapan na wala namang nagkukumpirma.

Nung huli naming nakatsikahan si Sanya sa event ng isang skin-care brand ay inamin niyang may boyfriend na siya. Pagkatapos nun ay wala na siyang sagot kung totoong break na ba sila.

Nakatsikahan ko si Kakai Bautista sa Japan, sa shooting na Get Get Out ng apat na Sex Bomb Dancers na sina Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan, at Johlan Veluz.

Read: Sexbomb BFFs Jopay, Sunshine, Mia, Johlan in Japan for film shoot

Kaya nakumusta ko si Sanya kay Kakai na isa sa pinaka-close na kaibigan ng Kapuso actress.

Sabi ni Kakai, na-maintain daw talaga nila ang closeness nilang mga taga-First Yaya series.

“Masyado na kaming involved sa isa’t isa. Hindi naman masama yun. Kasi tingnan mo, ilang taon na kaming magkakaibigan ngayon,” bulalas ni Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAKAI BAUTISTA ON SANYA LOPEZ'S LOVE LIFE

Umabot ba sa puntong nangialam na rin si Kakai sa love life ni Sanya?

“Si Sanya kasi… ano naman iyan, e. May sarili na iyang utak, di ba? In-advise-an ko lang iyan. Gagalitan ko lang iyan. Pero andun pa rin ako.

“Ako naman kasi yung tipo ng kaibigan na, kung OA na yung kasyongahan mo, tatalak na talaga ako.

“Pero pag alam ko namang nama-manage mo at kaya mo, hindi kita pakikialaman.

"At kung ikaw mismo ang lumapit sa akin, humingi ng advice, okay yun sa akin.

“Pero kung kailangan nang tuktukin, tinutuktok ko talaga.

"Pero so far, wala pa namang ganun,” saad ni Kakai.

Natuktukan na ba niya si Sanya pagdating sa pag-ibig?

“Si Sanya kasi, ano naman, e, marunong na ang batang iyan. At saka ano, pag ka may ano naman iyan, nagsasabi naman iyan sa akin,” safe niyang sagot.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAKAI BAUTISTA NOT A NOSY FRIEND

Nilinaw ni Kakai Bautista na hindi OA ang pangingialam niya sa buhay ng mga close friends niya sa First Yaya, kahit matagal na ang kanilang samahan.

Basta ang hangad naman daw nilang lahat ay maging masaya lang si Sanya, lalo na sa love life nito.

“Ang importante sa akin ngayon, kung magiging masaya yung kaibigan mo. Kung saan siya masaya, hayaan mo na, kasi napakaiksi ng buhay.

“Saka magugunaw na ang mundo. Lagi ko nga sinasabi sa mga interview, di ba? Huwag na nating pakialaman ang buhay ng iba. Maging masaya na lang tayo.

“Ang pakialaman natin, ang buhay natin. Kasi yun ang importante ang buhay natin. Make the most out of our time in this life sa earth.

“Parang hello! Magka-World War III na nga. Hindi natin alam,” sabi pa ni Kakai.

Ganundin sa friendship niya sa mga taga-Sex Bomb. Ka-close daw niya ang ilan sa kanila. Nakikita niya kung gaano sila kasaya sa shooting ng Get Get Out na parang naglalaro lang sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Kakai, kaibigan niya ang ibang taga-Sex Bomb, lalo na si Jopay at ang asawa nitong si Joshua Zamora. Pero ang isa sa itinuturing niyang close friends talaga ay ang mga kasamahan niya sa First Yaya, lalo na si Sanya.

Read: Kris Aquino makes appeals, praises BBM at Malacanang Christmas tree lighting

JERRY OLEA

Hindi diretsahang sinagot ni Kakai Bautista ang tanong kung single na nga ba ngayon si Sanya Lopez.

Nagpakatanga rin ba si Sanya sa pag-ibig?

Ang sabi lang ni Kakai: “Lagi naman akong nandiyan. Saka ang importante, okay siya.

“Kaya niya… pag kailangan niya kami, nandun. Kasi ganun naman talaga kaming magkaibigan.

“Pag kailangan ka, dapat nandiyan ka. Lahat naman tayo, dumadaan sa ganun.

“It doesn’t matter kung ilang beses kang naging tanga. What will matter is kung natuto ka ba!

“Kung paulit-ulit na hindi ka pa natuto, aba, iba na yun. Saka malaki na si Sanya. Kaya na niya ang sarili niya. Hihingi iyan ng tulong pag hindi na niya kaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid breakup rumors, Kakai Bautista sidesteps the question about whether Sanya Lopez is single and says she’ll be there whenever her friend needs her.
PHOTO/S: The People Have Spoken
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results