PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexbomb BFFs Jopay, Sunshine, Mia, Johlan in Japan for film shoot

Okay na ba ang lahat sa grupo?
by PEP Troika
Published A day ago
SexBomb Dancers (L-R) Johlan Veluz, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, and Jopay Paguia
SexBomb Dancers (L-R) Johlan Veluz, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, and Jopay Paguia are presently shooting a film titled Get Get Out in Japan.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nakunan ng PEP Troika ang pagsisimula ng shooting ng pelikulang Get Get Out tampok ang SexBomb Dancers na sina Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan, at Johlan Veluz.

Prinodyus ito ng Mavx Productions at dinirek ni Noah Tonga.

Kasama rin nila si Kakai Bautista.

Kinukunan ang majority ng pelikula sa Kawasaki, Japan.

Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, Johlan Veluz, Jopay Paguia, and Kakai Bautista will star in Get Get Out
Mia Pangyarihan, Kakai Bautista, Sunshine Garcia, Johlan Veluz, and Jopay Paguia
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW GET GET OUT CAME ABOUT

Matagal na palang naplano ang film project na ito na unang pinag-usapan ni Sunshine at ng producer ng Mavx na si Lucky Blanco around five years ago.

Nilinaw ni Lucky na naisip ang konseptong ito bago pa man nag-hit ang reunion concert ng SexBomb Dancers.

Ani Lucky: “Kasi si Sunshine, naka-work ko sa Izla. Ano yun, pandemic. I think that was 2020 or 2019.

“Tapos parang sabi ko, gagawa kami ng parang Desperate Housewives, pero English-speaking lahat.

“Kasi ayaw niya mag-English. E, di gawin nating pelikula, parang ganun. So, matagal na siyang concept, actually.

“Di ba, ang Desperate Housewives, apat lang talaga? So, parang ganun yung iniisip namin. Kaya lang, nag-pandemic, yun.

"Tapos biglang ang dami nang nangyari. So, medyo na-sideline nang konti for how many years.

“Siyempre, may ibang priority din muna si Mavx, and then parang ang tagal ding i-develop yung tamang kuwento, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy nilang Desperate Housewives ay ang American comedy-drama series na umere mula 2004 at 2012. Pinagbidahan ito nina Teri Hatcher, Felicity Huffman, Marcia Cross, at Eva Longoria. Dito sa PIlipinas, ipinalabas ito sa Studio 23, ang defunct youth- and lifestyle-oriented channel ng ABS-CBN.

Read: How Andrew Muhlach lost weight more than 30 pounds in five months


sunshine castro
Sunshine Garcia-Castro
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa simula, akala ni Sunshine ay biro lang ang lahat. Pero may request pagdating sa cast:

"Ang bilin niya lang sa akin, sabi niya, kagrupo mo, SB [SexBomb]…

"Parang may sinabi siyang kuwento na nakaganun lang ako, ‘Seryoso ka ba? English mo ko lahat. E, di hirap na hirap kami niyan. Ang tagal natin matatapos.'

“Nagtatawanan lang kami. Hindi ko naman ini-expect itutuloy niya.

“Pero ang ano niya kasi, sabi niya, kailangan ang chemistry sa movie is nandodoon na, hindi na kayo mahirapan.

“Kukuha lang na kunwari may naiisip ka na isasama mo… may naiisip ka na kung sino yung gusto mo na makasama sa SB, kailangan kadikit mo.

"So, sina Mia, sina Jopay…”

Read: MMFF 2026 heats up: What to expect and where to catch the stars

WHY ONLY FOUR SEXBOMB GIRLS WERE CAST THE FILM?

Naglatag daw si Sunshine ng listahan ng lahat ng SexBomb Dancers, pero sinabi ni Lucky na doon na siya sa mga ka-close niya talaga dahil yun ang requirement sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
SexBomb Dancers (L-R) Johlan Veluz, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, and Jopay Paguia
SexBomb Dancers (L-R) Mia Pangyarihan, Johlan Veluz, Sunshine Garcia, and Jopay Paguia with Mavx producer Lucky Blanco
Photo/s: Gorgy Rula

“Sila naman talaga yung kahit magwalanghiyaan tayo sa set... kasi, yung gusto niya is may chemistry na,” sabi pa ni Sunshine.

Close friends ni Sunshine sina Jopay, Mia, at Johlan, kaya sobrang kampante na sila sa isa’t isa.

Kahit magbardagulan sila sa mga eksenang ginagawa nila, okay lang, at nakikitang ang saya lang nila lahat.

Nadagdag pa si Kakai na may pagkaluka-luka rin, at kaibigan din niya si Jopay.

Ang saya nila sa set.

Sana raw ay suportahan ito ng mga kasamahan nilang SexBomb dancers.

Balak kasi ng Mavx na iikot nila ito sa ibang bansa para sa mga OFW natin.

Pang-OFW daw kasi ang kuwento nito, pero all-out comedy siya.

“Sana, oo. Tingin ko naman susuportahan naman nila,” bulalas ni Sunshine, na bagamat napabalitang may faction sa loob ng iconic group, iginiit niyang walang inggitan o isyu.

“Wala naman sa amin yung may inggitan talaga o may problema sa pera na, ‘O, bakit siya ganito yung TF, o bakit siya may booking siya, bakit siya may movie siya, bakit kami hindi kasama?’

“Sa pagkakaalam ko, ha, hindi siya magiging isyu yun sa amin,” sabi pa niya.

Read: JP Aguilera faces NBI; says, "Malinis ang konsensiya ko."

NOEL FERRER

ARE THE SEXBOMB GIRLS SOLID AS A GROUP NOW?

Okay na ba talaga silang lahat?

Tapos na ba yung isyung grupu-grupo nila nung kainitan ng kanilang reunion concert?

“Basta maging professional lang. Work-work na lang. Para wala na masyadong problema,” ang safe na sagot ni Sunshine.

Kahit ang ibang kasamahan ni Sunshine ay maingat sa mga sagot nila tungkol sa isyu. Ayaw na raw nilang pag-usapan ang mga intriga.

Sabi ni Jopay Paguia, na sinsabing lider ng isang faction, “Actually, okay naman na lahat."

“Ang lagi ko naman sinasabi, alam mo yung understanding lang. Like nga yung sinasabi nila Sunshine, ganun-ganun. Hindi na tayo pare-parehas na ginagawa sa buhay.

“Kumbaga, sobrang bonus ito na nakabalik ang SexBomb. Sobrang bonus talaga ito, na parang ako, nagtatrabaho ako, tuluy-tuloy ang trabaho.

“Sabi nga nila, sobrang busy mo, ganyan-ganyan. Kasi ako, hindi lang trabaho ako, bina-balance ko lahat. Pamilya ko, trabaho ko, sa Panginoong Diyos, bina-balance ko lahat iyan.

"So, ang tanging hiling ko lang naman sa kanila is understanding. Yung maintindihan nila kung saan ako nanggagaling—kung ano yung ginagawa ko. So yun!"

jopay paguia
Jopay Paguia
Photo/s: Gorgy Rula

On speaking terms naman sila?

Sa pagpapatuloy ni Jopay: "Dumating na kasi sa point na nakapag-usap-usap naman.

"And I think, God’s timing naman talaga na I think naman na naintindihan nila.

“At sana po, kung dumating man ulit yun sa ganung pagkakataon na maging busy ulit ako, at hindi tayo magkapare-parehas ng schedule, sana maano manguna yung understanding sa puso at pagmamahal."

Ang SexBomb ay kinabibilangan ng mga dancers na sina Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, Sandy Tolentino, Mae Acosta, Grace Nera, Cynthia Yapchingco, Aifha Medina, at Jacky Rivas.

Ang mga singers naman ay sina Evette Pabalan, Weng Ibarra, Monic Icban, Rochelle, at Jopay.

Pumasok sa grupo si Johlan taong 2002, three years after mailunsad ang SexBomb.

Si Rochelle ang tumatayong lider ng grupo, at sinasabing lider rin daw ng isa pang faction.

Ang napansin ng mga showbiz insiders, labas sa kanilang malaking dance concert ay mahirap daw pagsamahin ang Team Jopay at Team Rochelle sa iisang project o gig.

JERRY OLEA

Samantala, ang gustong ipunto ni Mia Pangyarihan ay pairalin sana ang maayos na pag-uusap at maging mahinahon na lang.

mia pangyarihan
Mia Pangyarihan
Photo/s: Gorgy Rula

Huwag na raw sanang sawsawan pa ng iba at mas lalaki lang ang isyu.

“Ako naman, wala, e. Kasi para sa akin, hindi siya para sawsawan ng ibang tao. Hindi siya para magkampihan,” pahayag ni Mia.

“Ah, sa akin, matatanda na nga kami, May kanya-kanya kaming isip, may kanya-kanya kaming utak, hindi para mas lalong painitin yung mainit na.

“So, para sa akin, dapat ah mas lawakan namin yung utak namin. Mas intinidihin namin yung bawat isa.

“Hindi dapat sawsawan. Hindi dapat ah lalong bigyan ng hindi magandang interpretasyon ng bawat kilos at galaw at sinasabi ng bawat isa. Kaya lalong nagiging magugulo.

"Siguro dun tayo dapat sa kung kaya nating i-explain nang mas maayos at mas kaya nating ayusin, dapat dun tayo.”

Base sa mga sinasabi niya, siya ba yung nagpapakalma sa grupo?

“Hindi ko alam. Ayokong sabihin yun,” napangiting tugon ni Mia.

Si Johlan Veluz, na isa sa pinakabata sa grupo, ay malapit kina Jopay, Sunshine, at Mia.

johlan veluz
Johlan Veluz
Photo/s: Gorgy Rula

“Kami po kasi nila Mia, Sunshine, sila yung mga bestfriends ko, e. Tapos sila, lagi nilang kasama si Mama Jopay,” bulalas ni Johlan.

Parang anak-anakan daw ang turing ni Jopay kay Johlan.

“Nakikitulog pa ako sa kanila, humihiram pa ako ng kotse,” pakli ni Johlan.

Pero sinusuportahan ni Johlan ang buong grupo, kahit hindi siya nakasali sa lahat ng concerts nila.

“Ako, support lang po ako sa kanila, kasi sumu-support ako sa lahat ng grounds. Kahit sa America, pumunta ako para masuportahan silang lahat.

“Nag-guest lang po ako sa kanila sa Rawnd 3, 4, 5. Kasi nung 1 and 6, hindi pa po ako makasayaw kaya nag-support ako sa kanilang lahat,” pagtatapat ni Johlan.

Kaya inaasahan daw nilang susuportahan ng lahat ng kagrupo itong pelikula nilang Get Get Out.

“Oo naman, support sila,” sambit ni Johlan.

Susog ni Jopay: “Sa tingin ko naman, oo. Kasi alam mo ang ikinaganda lang ng grupo namin, nagsusuportahan kami sa bawat isa.

“Yun nga lagi lang namin sinasabi na may kanya-kanyang schedules lang talaga kami. Kaya hindi ang iba makakapunta, yung iba naman makakapunta, so yun.”

Dagdag ni Johlan: “Like si Ate Aira [Bermudez], si Mae [Acosta], talagang nagse-send sila ng video sa akin para mai-rehearse ko yung mga dance steps sa darating na concert namin na Puksaan sa Cebu.

“Ito po, ang Puksaan sa Cebu, kasali na ako.”

Nakatakda ang event sa December 11.

Samantala, si Rochelle, na pinaka-active at visible sa showbiz, ay kmaraming projects outside of SexBomb.

Andiyan ang Cinemalaya 2025 film na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana), kung saan nagwagi siyang best supporting actress sa Cinemalaya 2025 at sa 9th EDDYS noong July.

Sa 41st Luna Awards na gaganapin sa December 10 sa Manila Hotel, nominated si Rochelle for the same performance.

Lumabas din si Rochelle sa 3rd Puregold CinePanalo entry na Apol of My Ai, na ang commercial release ay sa Distembre 2, Miyerkules.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Dancers (L-R) Johlan Veluz, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, and Jopay Paguia are presently shooting a film titled Get Get Out in Japan.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results