Sagutan nina Mocha Uson at Kris Aquino, ayaw pakialaman ni PCOO Sec. Martin Andanar

by PEP Troika
Jun 6, 2018

JERRY OLEA: Handa si Kris Aquino na magpasampal, magpasabunot at magpakaladkad kay Mocha Uson.

Nitong Hunyo 5, Martes nang gabi, habang nasa Japan, pumalag si Kris sa Facebook at Instagram kaugnay sa pambababoy at pambabastos ni Mocha sa kanyang ama at ina.

Kapagkuwan ay nag-live broadcast si Kris sa FB at IG, kung saan hinamon niya si Mocha na gawin siyang punching bag nito — basta tantanan ni Mocha ang pambabalahura sa mga magulang niyang patay na.

Nag-reach out afterwards si Kris kay Bong Go (special assistant ni President Rodrigo Duterte).

Lubos ang pasasalamat ni Kris sa text ni SA Bong Go, “We are sorry for the incident.”

As of June 6, Wednesday, 2:33 PM, wala pang natatanggap na text si Kris mula kay Mocha.

Read: Kris Aquino says President Duterte's special assistant Bong Go apologized for incident with Mocha Uson


Continue reading below ↓

NOEL FERRER : Bukod kay Bong Go, I wonder kung ano ang masasabi ng boss ni Mocha na si Martin Andanar sa kanyang staff.

Kung may command responsibility, hindi ba’t puwedeng isipin ng tao na ok lang at may blessing nila ang pinagsasabi ni Mocha.

As for Kris, she made it again. She’s back in the news! But she made good sense in this issue.

JERRY OLEA: Bongga ang giyera nina Kris at Mocha, sey ni Manay Lolit sa IG.

“Talaga namang masakit pag kasali ang mga mahal mo sa buhay, iyong patay na nasadali pa,” sabi pa ni Manay Lolit.

Dagdag na hanash ni Manay Lolit nang i-text namin, “Naku, basta huwag nang mag-away dahil sa naging ugat lang iyon, Duterte kiss.

“Pati sina Agot Isidro at Win Gatchalian, nasali na.

“Mag-away-away na lang pag ang naghalikan ay sina Mike de Leon at Atom Araullo.

Continue reading below ↓

“Sasali ako, ‘noh, dahil iyon ang may malisya, sure ako.”

Huh?! Kahit kiss & make up, may malice? Dead malice dapat, di ba?!

GORGY RULA: Sa totoo lang, mas marami yata nakikisimpatiya kay Kris at lalong dumami ang nairita kay Mocha.

Kaya sinubukan kong i-text si PCOO Chief Martin Andanar, para hingan ng statement kaugnay sa mainit na isyu nina Mocha Uson at Kris Aquino, hindi pa rin ito sumasagot.

Nakausap pala siya ni Manay Lolit Solis at baka isa sa mga araw na ito ay magpa-presscon daw ito para sagutin ang mga katanungan mula sa press at media.

Nang tinanong daw siya ni Manay Lolit tungkol sa isyu ng dalawa, sinasabi lang niyang nandiyan pa rin daw ang ‘complete trust’ ni Pres. Digong kay Mocha.

Opinyon daw iyun ni Mocha, at hindi na raw iyun pinapakialaman ng ating pangulo.

Sinubukan din naming hingan ng opinyon ang ilang celebrities na may posisyon sa gobyerno, ayaw daw muna nilang magkomento sa ngayon.

Continue reading below ↓

Maaring ayaw lang nilang makisawsaw sa isyung ito.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Kris Aquino
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results