FAMAS, credible ang choices ng winners; Vice Ganda, hindi nakadalo

NOEL FERRER : “Parang Urian ngayon ang FAMAS.”

Ito ang karaniwang nababanggit ng mga tao simula nang ihayag ng bagong pamunuan nito ang kanilang list of nominees.

Hindi ang usual na palakasan ang umiral, kundi ang pantay na pagtingin sa indie at mainstream productions.

Ang jury head ngayong taong ito ay ang premyadong manunulat na si Ricky Lee.

Dinaluhan ito ng mga mahahalagang tao sa industriya nang hindi umaasang mananalo.

Walang leak ng mga magsisipagwagi.

Gusto lang ng lahat na makiisa sa pagbabagong bihis ng pinakamatandang existing film award-giving body sa ating bansa.

Nailathala na ang mga nagsipagwagi. Focus tayo sa mga sidelights.

Presence of mind, yan ang kailangan sa kahit na anong gawain lalo pa’t sa isang live show.

D'yan medyo nadiskaril sina Julian Trono at Ella Cruz sa pagbabasa ng maling envelope na na-preempt ang winner ng susunod na award.

Madalas ding nakakalimutan ng ibang presentors ang rason o paliwanag kung bakit nanalo ang mga binabasang winner.

At nang matatapos na lang, medyo nagkagulo sa assembly ng mga winner na lumabas na sa stage bago pa man ipahayag ang Best Picture awardees.

Kumahog ang produksyon sa likod noon at nag adjust na lang sila sa programa.

Read: Blooper spoils FAMAS 2018 awards night; Agot Isidro and Allen Dizon lead winners

All in all, credible naman ang choices ng FAMAS.

Inaasahan nga lang na magkakaroon ito ng overlap sa Urian lalo pa’t balitang may isang Urian member na umupo rin daw bilang FAMAS jury. (Kaya huwag tayong magtataka kung may mga pareho silang choices.)

Oh well, anuman ang maganap, ang concern natin ay credible ang kanilang mga choices.

Yung mga organizational concerns ay marahil ayusin nila iyan para sa isang taon na!

Will this year’s FAMAS producer and the positive changes stay until next year and even after that? Sana naman!

JERRY OLEA: Waley si Vice Ganda sa 66th FAMAS Awards.

Ang kanyang ina at sister ang tumanggap ng Dolphy King of Comedy Award, na siya ang first recipient.

Andoon pa naman ang kaibigan niyang si Coco Martin, na tumanggap naman ng FPJ Lifetime Achievement Award.

Saludo tayo sa acting winners na pawang beterano sa industriya—Agot Isidro, Best Actress para sa pelikulang Changing Partners; Allen Dizon, Best Actor para sa pelikulang Bomba; Odette Khan, Best Supporting Actress para sa pelikulang Barboys; at Mon Confiado, Best Supporting Actor para sa pelikulang Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko.

Nawa’y magtuluy-tuloy ang pagbabagong-bihis ng FAMAS, kung saan ang respetadong si Ricky Lee ang Jury Chairman!

GORGY RULA: Mabuti at ginawa ito ng FAMAS. Tumaas ang antas ng naturang award-giving body.

Ang susunod pang aabangan, ang Urian, na hindi naman nakukuwestiyon madalas ang kanilang choices.

Kaya lang di ganun ka-exciting ang mga nominees nila ngayon.

Sa July 9 naman, abangan ang mga napiling winners ng grupo ng mga Entertainment Editors na SPEED, ang kanilang Eddys Awards na nasa pangalawang taon na.

Inaasahang mas star-studded ito ngayong taon dahil nakipagtulungan ang isang sosyal na magazine at isang radio station sa production nito.

Sa red carpet pa lang ay pinaghahandaan na nila.

Kaya inaasahang mabubuhay muli ang interes ng karamihan sa mga awards night mula sa iba’t-ibang award-giving bodies.

Napapanahon na rin sigurong mag-reboot ang Star Awards ng PMPC na laging tinataasan ng kilay ang winners nila?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN