Sarsi Emmanuelle, pinapanood sa mga anak ang dati niyang bold movie

by PEP Troika
Aug 15, 2018

JERRY OLEA: Na-stress si Sarsi Emmanuelle sa screening ng restored version ng pelikula niyang White Slavery (1985), ang opening film ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) nitong Agosto 14, Martes ng gabi, sa Cinema 2 ng SM Aura.

Kasama kasi ni Sarsi sa panonood ang dalawa niyang anak na babae, at sinabihan niya ang mga itong matulog na lang sa loob ng sinehan para huwag masaksihan ang mga mapangahas niyang eksena.


Sarsi Emmanuelle (second from left) with film editor Manet Dayrit, actress Jaclyn Jose, screenwriter Ricky Lee, and actor Ricky Davao at the screening of the restored version of "White Slavery."

Bago ang screening ay nakausap namin si Sarsi at inusisa kung ano ang pakiramdam na opening film ng PPP 2018 ang nasabing Lino Brocka movie.

“Very proud. Very happy ako,” nakangiting lahad ni Sarsi.

“Kasi, di ba, naalala pa nilang i-restore itong movie kong ito? Nami-miss ko tuloy si Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka very happy ako, kasi, nakita ko yung co-stars ko, like si Jaclyn [Jose], si Ricky Davao.”

Ang isa pang bida ng movie na si Emily Loren ay nasa Canada kaya hindi nakadalo.

Naalala pa ni Sarsi, “Kahit anong ipagawa sa amin, halos OK lang. Kasi, we trusted Direk Lino so much.

“Halimbawa, may sinabi si Direk Lino, hindi namin kinokontra iyon.

"Maarte rin kami ni Jaclyn Jose, kumokontra kami kahit paano. Pero kay Direk Lino, wala kaming kontra.

“We right away follow his directions.”

NOEL FERRER: Sina Sarsi at Jaclyn ang sexy stars noon na nag-evolve para maging mahuhusay na aktres.

Kung naalala niyo, si Sarsi ang gumanap sa pelikulang Bomba Queen noong 1985.

It was good to see Sarsi in shape, kasi noong last niyang paglabas sa TV ay medyo mas mabigat siya nang kaunti.

But Jaclyn is able to show us na anuman ang hitsura, lumulutang pa rin ang galing nila sa pag arte.

Congratulations sa Central Digital Lab na grupo ni Manet Dayrit sa pagtulong sa pagre-restore ng proyektong ito.

More classic Filipino films to be restored pa, sana!


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Mabuti at hindi napariwara si Sarsi, kaya tuloy pa rin ang acting career niya kung saan madalas siyang nakukuhang support sa mga pelikula at drama series.

Halos lahat naman ng magagaling nating aktres ngayon ay nagsimula sa pagpapa-sexy. Naging respetadong aktres at laging hinihingi sa mga malalaking pelikula at drama series.

Kailangan silang major support sa mga sikat na young stars.

Di ba, dumaan naman diyan sina Jaclyn Jose, Lorna Tolentino, Amy Austria, at kahit si Daria Ramirez?

Nasa pagdadala mo na lang iyan, at kung paano mo aalagaan ang sarili para hindi mawalan ng career.

Sayang nga ang ibang sexy stars na talagang sikat na sikat noon, pero nalasing sa sobrang kasikatan, napariwara dahil hindi na-manage nang mabuti ang kanilang buhay at career.

Siyangapala, pinag-iisipan ngayon ni Direk Chito Roño na i-remake ang ilan sa mga nagawa niyang pelikula, lalo na yung mga pinagbidahan ni Jaclyn Jose.

Nag-suggest nga si Jojo Gabinete ng Cabinet Files na magandang gawin niya uli ang Private Show (1985) o di kaya'y Itanong Mo sa Buwan (1988).

Wala lang daw maisip si Direk Chito kung sino ang puwedeng gumanap.

“Bakit hindi si Andi Eigenmann?” sundot namin sa kanya.

Nag-isip nang malalim ang naturang direktor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results