Lee O'Brian at Pokwang, parehong busy kaya nakalimutang magbayad ng kuryente?

by PEP Troika
Sep 13, 2018

JERRY OLEA: Waley si Pokwang sa press preview ng dulang M. Butterfly nitong Setyembre 12, Miyerkules ng gabi, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Kasama sa cast ng dula ang dyowa ni Pokwang na si Lee O’Brian.

 IMAGE Jerry Olea

Sabi ni Lee, kasabay kasi ang premiere screening ng pelikulang Sol Searching, ang entry ni Pokwang sa 3rd ToFarm filmfest.

Continue reading below ↓

Totoo ang tsika ni Pokwang na mas busy si Lee kesa sa kanya, huh?!

Napanood namin si Lee sa PPP 2018 entries na Signal Rock at Ang Babaeng Allergic sa WiFi.

Matagalan ang rehearsal nila sa M. Butterfly, na itatanghal mula Setyembre 13 hanggang 30 sa MPAT.

Huling lumabas si Lee sa stage ay noong bagets pa siya at nasa 4th grade sa California, USA.

Paano niya pagkukumparahin ang paglabas sa TV, pelikula, at teatro?

Ani Lee, iba-iba ang preparation.

“This one is a lot more preparation, a lot more time to practice lines, a lot more muscle memory,” sambit ni Lee.

“It’s like this big kind of marathon. When on TV, there are short cuts, you know, quick lines. And not too long on monologues and movement.”

Ie-encourage ba niya na mag-teatro rin si Pokwang?

“She’s never done one and she’s done stage comedy, and... I would encourage her, I’m not gonna pressure her and tell her what to do, you don’t do that.”

Continue reading below ↓

Aligaga naman si Pokwang sa pag-aalaga ng daughter nila.

“Yes, we have to raise a kid, too,” proud na sabi ni Lee.

“Next week, she’ll be eight months. In 6 days, she’ll be eight months old.”

NOEL FERRER: A for effort si Lee O’Brian sa kanyang multiple roles sa M. Butterfly, pero iba talaga ang demands ng theater kumpara sa TV o pelikula.

Mas kailangan pang sanayin lalo ang nasa lead role bilang Rene Gallimard na si Olivier Borten kung world class ang peg ng produksiyong ito, di ba?

GORGY RULA: At least, nagka-career dito si Lee O' Brian kesa sa Hollywood.

Obvious na busy silang mag-asawa kaya hindi na nila namalayan, di pa pala nabayaran ang electric bill.

Ayan! Naputulan tuloy sila.

Paano kaya ang hatian nila ng expenses?

Sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista kasi ay talagang 50-50 sa mga bayarin.

Curious lang ako kung equal sharing sila sa mga gastusin dahil sabi nga ni Pokwang, super busy si Lee sa dami ng raket, di ba?

Continue reading below ↓

Read: Pokwang calls out Meralco for cutting off their electricity

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results