Elizabeth Oropesa, inamin ang bawal na pag-ibig nila noon ni Phillip Salvador

GORGY RULA: Si Elizabeth Oropesa ang tinutukoy sa blind item ng PEP Troika, kung saan isa sa mga artista ng bagong family drama ng GMA-7 na Pamilya Roces ay muntik nang nakipagtanan sa isang premyadong aktor, na nalaman bandang huli na kapatid pala niya.

Sa nakaraang presscon ng Pamilya Roces, nilinaw namin kay La Oro kung gaano katotoo ang kuwentong yun.

“A, oo meron, pero tagal-tagal na nun,” kaagad na sagot sa amin ng beteranang aktres.

Sinundan namin ng tanong kung sino ang aktor na yun.

“Si Ipe,” pakli niya.

Si Phillip Salvador ang tinutukoy ni Elizabeth.

Elizabeth Oropesa and Phillip Salvador
IMAGE Noel Orsal / GMA Network

Muntik na raw silang magtanan nung panahong iyon. Napigilan lang dahil sinabi ngang baka magkapatid silang dalawa sa ama.

“Hindi naman inaamin nun, pero nagkagulo nung nagtanan kami. Binawi ako.

“So, ano na ang kasunod… we assumed na… of course, patay na si Kuya Leroy [Salvador].

"Si Kuya Leroy ang hinimatay-matay nun because of what happened.

“Pinaglayo kami, and si Kuya Leroy… palagi iyan nandiyan. Tuwing may nangyayari sa buhay ko, nandiyan siya.

"Nanganak ako, may asawa ako, may lalaking bago, iyan ang nakakaalam.

"So, ano? I must be a Salvador," sabi pa ni Elizabeth.

Dagdag niya, “As far as I can remember, bata pa ako, pag may malaking okasyon ng Salvador clan, si Papang [Lou Salvador], andun ako.

“Palagi ako nakabisita kay Papang when I was young.

"Naalala niyo dati ang television show ni Ramon Zamora, dun ako dinadala ni Papang nun."

Sobra nga raw nakaka-relate si Elizabeth sa kuwento ng Pamilya Roces, na tungkol sa isang lalaking may tatlong pamilya.

Mabuti na lang daw at hindi nga natuloy ang relasyon nila noon ni Phillip Salvador.

Read: Aktor at aktres na nagkaibigan, natuklasang magkapatid pala sa ama

JERRY OLEA: Sa pelikulang Aguila (1980, directed by Eddie Romero), nakipagtalik si Lilian (karakter ni La Oropesa) sa pamangkin niyang si Osman (Jay Ilagan).

Insinuated din na pinagsasamantalahan siya ng kanyang amang si Simeon (Eddie Garcia).

Tunay na makulay ang buhay ni La Oropesa—lalo na sa usapin ng puso. Magandang isalibro.

Maraming aral (hindi lang mga hugot!) na maibabahagi si La Oropesa sa pinagdaanan niya!

NOEL FERRER: May dahilan ang tadhana kung bakit nangyayari ang mga nangyayari.

Sadyang hindi ipinag-adya sina Kuya Ipe at si La Oro.

Walang kokontra sa galaw ng kalikasan.

Buti na lang. Buti na lang. Hindi umaaayon diyan si Magnolia dela Cruz!!!

GORGY RULA: Sabi nga ni Elizabeth kaugnay sa naudlot na romansa nila ni Kuya Ipe, “Sayang!”

Pero dito nga raw sa Pamilya Roces, sobrang naka-relate siya dahil hindi lang sa isyu ng mga magkakapatid sa labas, kundi pati ang pagkakaroon ng maraming asawa. Gaya ng pinu-portray ni Roi Vinzon sa serye.

Sabi ni Elizabeth, naranasan niya ang drama ng pagkakaroon ng maraming asawa ng dati niyang asawang si Meng Fei.

Kuwento ng aktres, bukod sa kanya, mayroon pa raw tatlong asawa ang dating Chinese action superstar, pero siya ang original.

Pumayag daw siya dahil ipinagtapat naman ito sa kanya ni Meng Fei at hindi raw siya makatanggi dahil ang dami naman daw datung.

Ani Elizabeth, “I would rather find out from him than find out from other people na itinatago sa akin.

“Saka ano, e, role playing din iyan e.

“Pag ikaw talaga ang first, ikaw talaga ang señora, igagalang ka.

"Lahat na special occasion na totoo, ikaw ang dala-dala. Hindi puwedeng pumiktyur ang mga dyobets [kabit].

“Pumayag ako kasi ang dami-dami niyang datung. Wala akong problema sa datung.

“Saka, I thought siya na yung forever. So, payag na ako ng ganun.

"At least may time ako sa sarili ko, nagagawa ko ang gusto ko, marami pa akong pera."

Bandang huli, naghiwalay rin daw sila at iniwan ni Elizabeth lahat ng alahas niya para madala niya ang kanyang mga anak.

Ngayon ay friends na raw sila ni Meng Fei, at kamakailan lang, ibinalik daw sa kanya ang mga iniwan niyang alahas.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN