Harlene Bautista, "happy" sa desisyong makipaghiwalay kay Romnick Sarmenta

by PEP Troika
Oct 5, 2018

JERRY OLEA: Nagkita sina Shalala at Harlene Bautista sa show nina Ima Castro, Lloyd Umali, at Keempee de Leon noong Setyembre 18, Martes, sa Packo’s Grill, Sgt. Esguerra St., QC.

“Siyempre, kinumusta ko kay Harlene si Romnick [Sarmenta],” kuwento ni Shalala nang makatsika ko noong Setyembre 20, na bisperas ng birthday ko.

“Hindi ako sinagot ni Harlene. Niyakap lang niya ako. Ano kaya ang ibig sabihin nun?”

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

May lumutang na biro o intriga na kesyo humiwalay na si Romnick sa asawa dahil patapos na ang termino ng kuya ni Harlene na si Herbert Bautista bilang mayor ng QC.

Ayaw naming i-dignify iyon, kaya hindi na kami nangulit kay Harlene.

Hanggang sa nagpalabas ng joint statement sina Harlene at Romnick ngayong Oktubre 5, Biyernes, kaugnay sa kanilang paghihiwalay matapos ang halos 19 na taong pagsasama bilang mag-asawa.

Nakiusap silang igalang ang kanilang privacy, lalo pa’t mananatili silang magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.

Read: Romnick Sarmenta, Harlene Bautista call it quits after 19 years of marriage

NOEL FERRER: Ka-text ko si Harlene at ang sabi ko sa kanya, “Happy Liberation Day, kapatid!”

Ang sagot lang niya ay ito: “Hahaha! Happy ako [sa desisyon].”

Sana talaga ay magbalik-acting at seryosohin na ni Harlene ang pagdidirek at pagpo-produce na ginagawa na niya ngayon.

Tingnan natin sa Tuesday, October 9, kung pasok ang pelikulang iprinodyus niya for the MMFF, ang Rainbow Sunset.

Continue reading below ↓

Go, go, go Harlene! Nasa likod mo kami lagi!

At malay mo, dahil pareho nang hiwalay, baka in the end, Sheryl and Romnick deserve to be back in each other’s arms.

Malay mo naman!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results