GORGY RULA: Nababasa sa social media ang mga pagbati sa namayapang direktor na si Maryo J. de los Reyes, na magsi-66 years old na sana kung buhay lang ito.
Isa si Ruru Madrid sa nalulungkot pa rin at nami-miss si Direk Maryo J.

Kung buhay lang daw si Direk Maryo, tiyak na siya raw ang pinakaunang tumawag sa Kapuso actor para batiin sa pagkapanalo niyang Best Single Performance by an Actor mula sa Star Awards for TV ng PMPC.
Nasungkit ni Ruru ang award dahil sa ginampanan niyang papel sa Kapuso drama anthology na Magpakailanman.
“Masaya po ako siyempre nung tinanggap ko ang award, pero nalungkot din ako dahil wala na si Direk Maryo na bumati sa akin,” pakli ni Ruru nang nakausap namin sa radio program namin sa DZRH kagabi, October 16.
Patuloy niya, “Nung tinanggap ko ang Best Drama Actor award ko last year, siya ang una-unang tumawag sa akin.
“Hindi ko lang po talaga manager si Direk Maryo, o mentor, pamilya ko na po siya talaga, e.
“Kaya minsan talaga, nalulungkot pa rin ako.”
Ang isa pang pinanghihinayangan ng Kapuso actor, hindi man lang daw siya naidirek ni Direk Maryo sa isang drama series.
“Naalala ko nung nag-extra pa ako sa isang soap niya. Isang eksena lang po yata yun. Yun lang po.
“Mabuti na lang naidirek naman niya po ako sa Bamboo Flowers. Dun talaga napiga niya ako sa acting,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER: Ruru Madrid seems to be in the right path. Sana he can make more good films.
Tulad niya, maraming ganyang tumatanaw ng utang na loob kay Direk Maryo. Happy birthday, Direk.
The last I saw Ruru sa social media, nasa birthday party siya ng kaibigan kong si Perry.
Maganda yun na may gumagabay kay Ruru, tulad ni Perry, para hindi lang siya pang TV at tumaas pa ang kanyang premium bilang actor.
JERRY OLEA: Tradisyon sa amin ang dumalo sa birthday at New Year party ni Direk Maryo J, kung saan present ang kanyang mga alaga (kabilang si Ruru), kaibigan at katrabaho.
Dati-rati ay panay-panay ang lasingan. Pero nitong mga nakaraang taon na dumami ang mga batang alaga niya sa ilalim ng Studio 56, nagmistulang children’s party ang mga pagtitipon.
Last December, for the first time ay nagpa-Christmas party siya sa press sa Annabel’s restaurant sa Quezon City. Pagkatapos ay tuloy ang New Year party noong first week of January sa Mowelfund Plaza.
Hindi namin maiwasang malungkot sa unang birthday na wala na siya sa lupa.
Ang aming pagbati sa minamahal naming Direk Maryo J... Heavenly birthday!
READ PEP TROIKA: Yul Servo, miss na miss si Direk Maryo J. de los Reyes