Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, relate na relate kina Angel at Tony sa Glorious

by PEP Troika
Nov 6, 2018

JERRY OLEA: “50 is the new 20” ang tagline ng digital movie na Glorious, na ipalalabas simula Nobyembre 17 sa iWant TV platform ng ABS-CBN movie.

 IMAGE @msaiaidelasalas Instagram / Screen cap from Glorious trailer

Istorya ito ng 52-year-old potter na si Glory, niloko ng asawa at nakipag-ibigan sa 22-year-old na si Niko, sales assistant sa isang DIY shop.

Continue reading below ↓

Pinagbibidahan ito nina Angel Aquino, 45, at Tony Labrusca, 23.

Inspired ba ang pelikula sa love story ng married couple na sina Ai-Ai delas Alas (who's turning 54 on November 11) at Gerald Sibayan (who's turning 25 on November 30)? 

“Hindi. I don’t know their story,” sabi ng Glorious director na si Concepcion Macatuno.

Iyong pagiging potter ni Glory, parang homage sa karakter ng Hollywood actress na si Demi Moore sa Ghost, ang highest-grossing film sa U.S. noong 1990.

E, di ba, sa totoong buhay ay cougar ang dating ni Demi nang pakasal kay Ashton Kutcher na 15 years younger sa kanya?

And what a coincidence... magka-birthday sina Ai-Ai at Demi!

Demi is turning 56 on November 11.

NOEL FERRER: As I have said, maganda talaga ang handling ng "50 is the new 20" campaign ng Glorious.

Sa Filipino films, marami ring patok na May-December romance ang tema. 

Nandiyan ang Sinungaling Mong Puso (1992), starring Vilma Santos and Aga Muhlach, at Naglalayag (2004), starring Nora Aunor and Yul Servo—both directed by the late Maryo J. de los Reyes.

Continue reading below ↓

Sa totoong buhay, nandiyan sina Dra. Vicki Belo and Hayden Kho Jr.

Puwede na ring Vilma Santos and Ralph Recto o kaya Elizabeth Oropesa and Danny Ramos.

Si Pops Fernandez ay naugnay rin sa younger men 'tulad nina Piolo Piolo Pascual, Brad Turvey, at Jomari Yllana.

Siyempre, ang pinaka-obvious ngayon ay sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan na masaya sa kanilang married life.

Gaano ba ka-glorious ang ganitong liaison from experience, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Sabi ni Ai-Ai delas Alas, sobrang naka-relate siya sa Glorious nina Angel at Tony.

Ang asawa niyang si Gerald Sibayan pa ang nagpakita sa kanya ng trailer dahil relate na relate sila sa kuwento.

Text niya sa PEP Troika, “Yes! 50 is the new 20! Super relate kami.

“Dapat noon pa may movie na ganyan. Dati ko pa ‘yan gustong gawin hahaha! Wala!”

“Meron talagang pag-ibig, Gorgs, na hindi lang pera-pera...”

Napanood din daw ni Ai-Ai ang episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman, tungkol sa kuwento ng isang lola na kinainlaban ng higit na mas batang lalaki at inalagaan hindi dahil sa pera.

Continue reading below ↓

Sina Gona Pareño at Jay Manalo ang mga bida.

Dagdag ni Ai-Ai, “Hindi naman lahat, pag may edad yung lalaki o babae, pera na agad. Puwede namang nagmamahalan din, di ba?”

Kaya sila ni Gerald ang ilan sa unang manonood ng Glorious.

Sana nga, maganda talaga ang pelikulang ito.

Sana talaga!

MORE PEPALERTS: Mapupusok na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa Glorious, nakadadarang

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results