Kapuso actor Kiko Estrada, hindi na tuloy ang paglipat sa ABS-CBN

by PEP Troika
Dec 21, 2018
PHOTO/S: @jasondiazejercito Instagram

GORGY RULA: Nasagap ng PEP Troika sa ilang taga-GMA Network na hindi raw natuloy ang paglipat ni Kiko Estrada sa ABS-CBN.

 IMAGE @jasondiazejercito Instagram

Hindi malinaw kung pinigilan ng GMA o hindi pa puwedeng umalis si Kiko dahil sa kontrata nito.

Nag-text ako sa manager ni Kiko na si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit kung totoong di na tutuloy sa Kapamilya network ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang sa ginagawa ko ang item na ito, wala pa akong natatanggap na sagot.

Ayaw ring magbigay ng pahayag ng taga-GMA kung ano ang napag-usapan nila sa meeting noong December 14.

Nung nakausap namin si Kiko sa Christmas party ng Regal Films noong December 13, sinabi niyang sa meeting niya sa GMA kinabukasan malalaman kung ano ang next step sa kanyang showbiz career.

Mukhang feel na niya ang pagiging Kapamilya at the time.

Kasama niya noong gabing iyon ang rumored girlfriend niyang si Devon Seron na nasa GMA. 

Nabanggit pa ni Devon na malabo na raw silang magkasama sa trabaho ni Kiko.

“Hopefully next year, magkatrabaho kami sa movie,” umaasang sabi ni Devon.

Bilang isa kang manager, Sir Noel, tama bang nakasaad sa kontrata ng GMA ang ‘option to renew’ kaya hindi basta makaalis si Kiko?

Ang pagkakaalam ko kasi, tapos na ang kontrata ni Kiko sa GMA. Pero hindi pa nag-expire ang kontrata niya sa GMA Artist Center, na co-manager din ng aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siguro, abangan na lang natin kung bahagi pa ba si Kiko sa bagong teleserye ng Kapamilya network na Kapalaran, matapos dumalo ng aktor sa story conference ng show ilang linggo ang nakakaraan. 

JERRY OLEA: Mahusay mag-build up ng talent ang ABS-CBN.

This year, bumongga ang career ni Barbie Imperial na bida ng afternoon series na Araw Gabi at Yam Concepcion na kontrabida sa prime-time series na Halik.

Kaya hindi ako magtataka na gustuhin ni Kiko ang sumubok muli sa Kapamilya Network.

Pero alalahanin din natin ang nangyari kay Ronnie Alonte, na pinagbidahan ang dalawang 2016 Metro Manila Film Fest entries na Seklusyon at Vince & Kath & James.

May entry pa rin naman si Ronnie sa MMFF 2018, pero “one of those” na lang siya bilang ka-love team ni Loisa Andalio.

Tatlo silang love teams na sumusuporta sa mga bidang sina Vice Ganda, Richard Gutierrez, at Dingdong Dantes sa pelikulang Fantastica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka! Pareho ba ng kapalaran sina Kiko at Ronnie?

NOEL FERRER: Anyare, walang ABS-CBN network contract for Kiko? O may better offer sa GMA?

Sana, this move (or non-move) will be the best for Kiko.

READ: Kiko Estrada, hindi pa sigurado ang pagbabalik sa ABS-CBN?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @jasondiazejercito Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results