Korina Sanchez, humihingi ng suggestions para sa pangalan ng kambal nila ni Mar Roxas

NOEL FERRER: Isinapubliko na ni Korina Sanchez ang kambal nila ni Senator Mar Roxas.

Laman ng blind item dito sa PEP Troika noong February 15: Kilalang mag-asawa, matutupad na ang pangarap magka-baby

At heto na, nagtatanong na si Mommy Korina ng ipapangalan sa kanilang twins.

IMAGE @korina Instagram

Babalik na agad si Daddy Mar Roxas this Sunday, February 24, para umabot sa Harapan 2019 Senatorial Debate ng ABS-CBN.

Kaya bago pa man magdagsaan ang mga pagbati, heto na ang PEP Troika na nagsasabing CONGRATULATIONS!

Narito ang kabuuang post ni Korina sa kanyang Instagram account:

GORGY RULA: Iyon na nga ang pinag-uusapan noong nakaraang linggo pa na abangan ang pagdating ng kambal ng isang kilalang couple, na obvious namang sina Senator Mar Roxas at Madam Korina Sanchez.

Definitely, proud silang ibahagi ito sa lahat kung paano nila ito nabuo.

So far, ang narinig ko lang—na kailangang i-confirm pa ito ni Korina—ay kung totoo bang malaki ang nagastos niya sa pagpapa-freeze ng eggs niya na pinagawa raw sa India?

Tumulong din daw kay Korina si Joel Cruz, na may walong anak na ang surrogate mother ay tiga-Russia.

Pero sa kaso ni Korina, hindi raw nakatira sa Russia ang surrogate mother kundi sa Amerika.

Abangan na lang siguro ang pagdating nila galing Amerika bitbit na ang kanilang kambal.

Inspiring ito sa couples na gusto na ring magka-baby sa ganoong proseso.

Gaya nina Ice Seguerra at Liza Diño na ipapagawa naman daw nila sa Malaysia ang pinaplanong pagkakaroon ng baby via in vitro fertilization.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN