Watch Now

Baron Geisler, "poging-pogi sa sarili" sa Netflix movie na Doll House

by PEP Troika
Oct 7, 2022
baron geisler althea rueda netflix
Baron Geisler co-stars with child actress Althea Rueda in the Netflix movie Doll House: “It’s a heartwarming film. People will realize how important family is. And having that unconditional love, trying to find youself, being selfless ahhmm… leads to something magical and unexpected,” says Baron about the film.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

PPSS (Poging-Pogi Sa Sarili) si Baron Geisler sa Netflix movie na Doll House, na streaming simula Oktubre 7, 2022, Biyernes.

“Yes, that’s very true!” bulalas ni Baron noong Oktubre 5, Miyerkules, sa Revolver Studios, Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

“Kasi during the look test, ahhm, hinanap talaga ni Direk Marla [Ancheta] yung tamang side ba, yung anggulo ko.

“So, napansin ko sa buong pelikula, halos paganito yung mga shot, e… pogi shots!

“Kaya siguro akala nila, maganda yung akting ko. Pero cute lang po talaga ako sa pelikula!”

First choice ng producer si Baron para gumanap na Rustin, ang ama ni Yumi (Althea Ruedas) sa Doll House. Bakit nag-yes siya sa project?

Napangiti si Baron, “What’s not to say yes? I mean, you know, ir’s a big project. Netflix, worldwide. And it’s a big-budget film.

“It’s a good role. A lot of people, my co-actors tell me, ‘Baron, this is your second wind. Please keep it up. We’re very proud of you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So now, I’m on my knees praying that I get to sustain this, and get more substantial roles like this.”

Ano ang naging challenge sa kanya for this role?

“Wala naman masyado. Naka-relate naman ako kay Rustin. Close to life. But there are a lot of twists na dapat abangan sa film na ito,” sambit ni Baron.

“But what really got to me was the father-daughter love story. Reconnecting to my daughter and the realization that I have a lot of unfinished business in life. Naging part siya.

“And also masasabi ko na heart and soul din ng movie na ito, malaking part si Direk Marla because she has guided Althea and me all throughout from the very beginning.

“Pag may mga questions kami, pag hindi kami familiar, or may uncertainties kami… we ask her and she’s generous to give us clear directions.

“So, makikita naman sa trailer na maganda naman yung lumabas. Hopefully magustuhan ng tao yung pelikulang ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Baron Geisler, natupad ang hiling na magka-pelikula tulad kay Paolo Contis

Global audience ang target ng Doll House bago pa man simulan ang shooting nito noong Nobyembre 2021 sa Netherlands.

“Kaya ginalingan po naming lahat,” pagmamalaki ni Baron.

“Even sa akting ko, sinasabi ni Direk Marla, ‘Huwag Pinoy acting, Baron, ha? Hindi ito teleserye, ha? Huwag masyadong OA, ha?!’ Kaya nag-underact ako.”

Ano ang paborito niyang eksena sa pelikula?

“I love the tender moments of Rustin and Yumi. Yun lang ang masasabi ko. I don’t wanna spoil it for you.

“Panoorin nyo lang. A lot of fathers, parents will identify with Rustin,” pagngiti muli ni Baron.

GORGY RULA

Super-excited si Althea nang unang makaharap si Baron.

Pagtatapat ng child actress, “Tapos ahh, medyo ninerbiyos po. Kasi nga po, big star po siya.

“Tinanong ko po si Papa ko dati nung nalaman ko po na si Tito Baron ang kasama sa movie, tinanong ko po si Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ni Papa, ‘Ay! Kilala ko 'yan! Kasi, big star 'yan!’ Isa raw po sa paboritong pinapanood dati ni Papa yung Tabing Ilog.

“Pinapanood daw po niya yun!” paghagikgik pa ni Althea. Anu-ano ang highlights ng shooting nila sa Netherlands?

“For me po, mga highlights po, lahat po, e. Ang importante lang po, na-enjoy po namin lahat ng mga eksena,” tugon ng six-year old na si Althea.

Ano ang favorite scene niya sa Doll House?

“Ahhm, favorite scene? Halos lahat po kasi, e. But yung pinaka-favorite ko po talaga, mga bonding namin ni Daddy Rustin,” sagot ni Althea.

“Kasi, talagang hindi kami nag-aakting. Nag-e-enjoy lang po talaga kami.”

NOEL FERRER

Matagal nang naka-move on si Baron sa mga kinasangkutang isyu.

“Sobrang grateful din ako sa wife ko. Ang laki ng tulong niya sa akin,” pahayag ng premyadong aktor.

“Noong sinu-shoot namin ang Doll House, wala talagang problema sa set. Gaya ng sinabi ni Althea, iba na yung aura ko, e. Hindi naman siya natatakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Direk, everybody, parang instant family agad. Of course we have time constraints. We have to wake up at a certain time.

“Four o’clock, gising na ako. Alis kami to shoot. Minsan nag-roll na kami ng 6:00. I was working with professionals.

“And ang sarap ng feeling to be working with really great people. And now, you know, with Netflix na.

“Sana ganito palagi ang mapasukan ko na mga proyekto.”

Ano ang magiging take away ng mga manonood sa Doll House?

Napabuntong-hininga muna si Baron, “It’s a heartwarming film. People will realize how important family is.

“And having that unconditional love, trying to find youself, being selfless ahhmm… leads to something magical and unexpected.”

A good actor is a good actor! Iba talaga ang mga Tabing Ilog cast, from John Lloyd Cruz to Paolo Contis to Patrick Garcia to Baron Geisler — markado at nagtatatak sila sa anumang role sila ilagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, maging consistent pa ito. More projects like Doll House really!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler co-stars with child actress Althea Rueda in the Netflix movie Doll House: “It’s a heartwarming film. People will realize how important family is. And having that unconditional love, trying to find youself, being selfless ahhmm… leads to something magical and unexpected,” says Baron about the film.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results