PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Happy Time statement about removal of Janno Gibbs, Kitkat

Si Boobsie na ba ang magiging bagong host ng Happy Time?
by PEP Troika
Published Feb 26, 2021
Sa pagkakatanggal kina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time, ang pansamantalang kasama ni Anjo Yllana (dulong kanan) sa show ay sina (mula kaliwa) Mico Aytona, CJ Hirro, at Boobsie.
PHOTO/S: Courtesy of Boobsie

GORGY RULA

Wala pa ring inilalabas na statement ang Happy Time kaugnay sa isyu nina Janno Gibbs at Kitkat.

Ang Happy Time ay ang daily noontime show ng Net 25, kunsaan main hosts sina Janno, Kitkat, at Anjo Yllana.

Dapat ay babalik na sila sa live episode nitong Miyerkules, February 24.

Pero dahil sa hindi pa rin pala nagkaayos sina Janno at Kitkat, pansamantala munang ipinalit ang komedyanteng si Boobsie kasama si Mico Aytona at ang talent ng Eagle Broadcasting Company na si CJ Hirro.

Maganda ang feedback sa kanila, lalo na si Boobsie na plakado ang mga patawa nila ni Anjo.

Kaya nang lumabas ang statement ni Janno na pinapaalis na sila sa Happy Time, tinanong ko si Boobsie kung siya na ba ang ipinalit.

“Hihihi! Yun po ang sabi,” text niya sa akin.

Hindi na muna niya sinagot ang ilan ko pang tanong dahil mas mabuting manggaling na raw sa mga taga-Happy Time kung kumpirmadong siya na ang regular na makakasama ni Anjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napaka-blessed ko nga po. Thank God,” dagdag niyang text.

“Halata mong Masaya at Pure Happiness ang nakikita ko ke Kuya Anjo dyAn. walang stress Masaya lang po kami. heheheheh,” sabi pa ni Boobsie sa pictures nila nina Anjo, Mico, at CJ.

Sinubukan ko ring kunan ng pahayag si Anjo pero hindi na niya sinagot ang ilan ko pang katanungan.

Wala naman daw siyang alam sa nangyaring gulo dahil absent daw siya nung araw na iyun.

So far, wala pa raw sinasabi sa kanya kung tatanggalin na ba talaga sina Janno at Kitkat, at kung sino ang ipapalit.

Pero sa totoo lang, magaling si Boobsie, at meron na rin naman siyang iba pang programa sa Net 25, kaya swak na rin kung regular na rin siyang mapapanood sa Happy Time.

NOEL FERRER

Moral of the story: the one that rocks the boat is thrown out of it!

I wonder kung ano ang masasabi ng Viva na namamahala ng career ni Janno, at kung sino man ang manager ni Kitkat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano kaya ang nakasaad sa kontrata nila rito?

Sana, beyond work—at kahit sa likod ng camera—ay magkaayos din sina Janno at Kitkat sa tamang panahon at pagkakataon.

Pandemya, mas kailangan tayong magtulungan kaysa magbangayan.

Tuloy, sila ang nadehado’t nawalan ng trabaho.

JERRY OLEA

Nobody is indispensable. Pinapalamig na muna ng Net 25 ang sitwasyon.

Nawa’y magbigay ng official statement ang istasyon para malinaw kung ano ang status nina Janno at Kitkat sa Happy Time.

Basta, happy tayo para kay Boobsie sa opportunity na ipinagkatiwala sa kanya!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagkakatanggal kina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time, ang pansamantalang kasama ni Anjo Yllana (dulong kanan) sa show ay sina (mula kaliwa) Mico Aytona, CJ Hirro, at Boobsie.
PHOTO/S: Courtesy of Boobsie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results