PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, napagkakamalang si Gigi de Lana kapag naka-face mask

Herlene, na-intimidate sa kissing scene nila ni Kit Thompson?
by PEP Troika
Published Mar 18, 2022
herlene budol gigi de lana
Herlene Budol (left) on Gihi de Lana (right): “Maganda si Ate Gigi. Tapos, ang galing niya. At nakakatuwa po na nakukumpara na po ako sa iba na magagaling, saka sa hitsura… pag naka-face mask!”

JERRY OLEA

Ipinost ni Kit Thompson noong Marso 10, 2022, Huwebes ng gabi, sa Instagram ang litrato ng isang babaeng naka-blusang itim, may sumbrero at face mask.

Ang caption: “Help, guys! Baka kayo ‘to. Ikaw ba ang babae sa likod ng face mask? Post your photo and use #ABSLNFM so I can check!”

Marami ang humula na ang babaeng naka-blusang itim ay ang mang-aawit na si Gigi de Lana.

Yung paandar na yun ni Kit ay para sa digital series nila ni Herlene Budol aka Hipon Girl na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask.

Si Herlene ang may “K” na mag-dialogue ala-Rose Dawson Calvert (Gloria Stuart) ng pelikulang Titanic (1997), “The woman in the picture is me.”

Ano ang reaksiyon ni Herlene na napagkamalan siyang si Gigi? Naikumpara kay Gigi ang kanyang ganda!

“Siyempre po, ano, karangalan,” pagkamot ni Herlene sa kanyang ulo sa virtual mediacon nitong Marso 16, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maganda si Ate Gigi. Tapos, ang galing niya. At nakakatuwa po na nakukumpara na po ako sa iba na magagaling, saka sa hitsura… pag naka-face mask!” sabay takip ni Herlene sa kanyang bibig.

May kissing scene ba sina Kit at Herlene? Kung meron, na-intimidate ba si Herlene kay Kit?

“Abangan na lang po. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Kit.

Hirit ni Herlene, “Parang dapat, si Kit yung ma-intimidate! Ha! Ha! Ha! Parang ako, wala akong karapatan. Parang si Kit pa yung meron!” sabay palakpak.

ang babae sa likod ng face mask

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herlene Budol and Kit Thompson

Inusisa si Kit kung ano ang nakakainlab kay Herlene. Ano ba ang pinakamaganda sa Hipon Girl?

Sagot ni Kit, “Siguro yung ano… kakulitan niya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Sobrang kulit niya!”

Nakangiting himutok ni Herlene na naka-cross ang fingers, “Ano ba 'yan, wala pa rin sa mukha?!”

Kinulit ni Kit si Herlene kung ano ba ang sinabi nito.

Pa-tweetums ang dalaga, “Wala! Sabi ko, ang pogi mo pa din! Kahit bagong gising ka!”

“Thank you, thank you. Ikaw din, maganda,” seryosong saad ni Kit.

Ang nasabing romcom digital series ay inspired ng blockbuster movie nina Snooky at Richard Gomez na Blusang Itim (1986), na base sa nobelang komiks (1981-83) ni Elena Patron. Kuwento ito ng pangit na si Jessa, na gumaganda kapag isinuot ang mahiwagang blusang itim.

Nagkaroon ng pelikulang Jessa: Blusang Itim 2 (1989) na bida sina Princess Revilla at Gabby Concepcion.

Ginawa ng GMA-7 ang TV adaptation na Blusang Itim (Mayo-Agosto 2011) kung saan bida si Kylie Padilla, kasama sina Carl Guevara, Lucho Ayala, at Frank Magalona.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inspired din ng Blusang Itim ang launching movie ni Kyline Alcantara na Black Lipstick (2019), kung saan leading man niya si Migo Adecer.

Walang fantasy element ang digital series na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask. Sa istorya, “gumanda” si Malta (karakter ni Herlene) nang mag-face mask siya.

Nasa cast din nito sina Kiray Celis, Mickey Ferriols, Hasna Cabral at VJ Mendoza, sa direksiyon ni Victor Villanueva. Iprinodyus ito ni Direk Chris Cahilig.

Labintatlong (13) episodes ang digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na magpa-pilot sa Marso 26, Sabado ng 6:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

NOEL FERRER

Magandang experience para kay Herlene na si Kit ang leading man niya sa digital series.

Nakangiting lahad ni Hipon Girl, “First time ko po siyang nakita in person. Kasi dati, pinapanood ko lang siya dati sa PBB [Pinoy Big Brother].

“Tapos, ahh, siyempre yun na nga, may bonus na, gwapo. Tapos magaling siya. Parang ano, para siyang may push button.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi parang ano, dapat seryoso. Tapos… ay! Di ba, kanina halimbawa lang, nagtatawanan kami. Tapos mamaya, pag seryoso na dapat siya, automatic nagseseryoso kaagad siya. Ganun.

“Kaya parang komportable kaagad, yung mga eksena po namin lahat.”

GORGY RULA

Kinakitaan agad ni Direk Victor Villanueva ng chemistry sina Kit Herlene.

Pahayag ni Direk Victor, “I just watched their videos online, ganun muna. And nase-sense ko na, e.

“I think I always have this thing na you know, I have to trust my gut feel. So, when it was presented to me that it’s going to be Herlene at si Kit, parang… ay! Ang ganda ng ano!

“It’s very… may curiousity factor, na parang at first you’d be thinking, ‘Paano?! Pwede ba?!’ Ganun.

“But then, your mind goes into this creative process na… ay, shit! Ang ganda ngang i-explore, ‘no?

“And I think from there, mase-sense mo na yung chemistry, e. So, the chemicals are already acting up. So, ayun pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then nung na-meet ko sila finally dun sa line reading, ‘Ah, tama nga yung gut feel ko, nandito yung chemicals. Nararamdaman ko na yung chemistry.’ Ganun.

“So, gut feel siya. And I think, ang ganda rin ng pagkaisip na silang dalawa, e. So, parang… it’s right there na, ganun.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol (left) on Gihi de Lana (right): “Maganda si Ate Gigi. Tapos, ang galing niya. At nakakatuwa po na nakukumpara na po ako sa iba na magagaling, saka sa hitsura… pag naka-face mask!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results