JERRY OLEA
“Once a prostitute, always a prostitute.”
Binitiwan ng isang premyadong scriptwriter ang linyang iyan noong mid-‘90s patungkol sa isang mestisang aktres.
Tatlong dekada na ang lumipas, pero applicable pa rin ang linyang yan sa local showbiz.
Mistulang itinaga sa bato.
Read: BLIND ITEM: Aktor at estranged wife, nasa proseso na ang annulment
PRETTY ACTRESS
Ang twentysomething na Pretty Actress, noon pa man ay nababalitang walker, o pa-booking.
Habang nadaragdagan ang ningning ng kanyang pangalan, pataas nang pataas ang kanyang TF o talent fee sa flesh trade.
Nagkakaroon man siya ng boyfriend, tuloy ang kanyang raket.
Kaya naman nakakapag-invest siya nang bonggang-bongga, at altang-alta ang kanyang lifestyle.
Ang isa sa mga naging client ni Pretty Actress ay kontrobersiyal na politician.
Naabot ni Controversial Politician ang langit sa piling ni Pretty Actress, kaya sulit na sulit.
GORGY RULA
BEAUTIFUL STAR
One year older si Beautiful Star kay Pretty Actress.
Hindi nagkakalayo ang guhit ng kanilang palad.
Kahit boyfriend na ni Beautiful Star ang fortysomething na pogilicious actor, nagdudulot pa rin siya ng biyaheng-langit if the price is right.
Alang-alang sa “basic needs” ay nakipagtagpo si Beautiful Star sa isa ring controversial politician sa The Land of Opportunity.
Ayon sa unimpeachable source ng PEP Troika ay PHP1.5M ang talent fee ni Beautiful Star sa Uncle Sam tryst nila ni Controversial Politician, plus perks sa shopping.
Ewan kung broken-hearted si Controversial Politician that time kaya in-avail niya ang services ni Beautiful Star na mala-brhen ang alindog.
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
CHARMING STARLET
Indeed, once a pokpok, always a pokpok, at living proof din ang karanasan ni Charming Starlet na reminiscent sa story arc ni Rose (Maria Isabel Lopez) sa 1984 film na Working Girls ni National Artist Ishmael Bernal.
Sa pelikula, padyokad si Rose, at walang kamalay-malay ang kanyang fiancé sa kanyang extra-curricular activities.
Nakipagharutan si Rose sa isang yayamaning negosyante.
Afterwards, nakipag-meet si Rose sa parents ng kanyang fiancé…
Ayun, warat ang pangarap ni Rose na magbagong-buhay.
Ang daddy ng kanyang fiancé ay yung yayamaning businessman na client ni Rose.
Sa totoong buhay, nakabingwit si Charming Starlet ng non-showbiz guy na mula sa kilalang pamilya. Isang heredero.
Nagmamalasakit kay Non-showbiz Guy ang mga uncle niya.
Gusto ng mga tiyo na masigurong wagas ang pagsinta ni Charming Starlet sa kanilang nephew.
Nag-alok ang isang tiyo ng malaking halaga kay Charling Starlet upang makasiping ito. Pumayag ang hitad.
Ipinakita ng mga tiyo ang resibo sa kanilang pamangkin.
Nahimasmasan ang heredero at agad nakipaghiwalay sa kasintahang marupokpok.
NOEL FERRER
Hindi ako makapaniwala.
Kasi, hindi ba may mga asawa ang politicians na involved, at ang mga babaeng tinutukoy ay may partners din?
Paano kaya kapag nalaman ito ng kani-kanyang partner?
Umabot na talaga tayo sa ganito?
Katulad ng laging sinasabi ng kaibigan at isa sa mga paborito kong journalists na si Christian Esguerra, saan ka bang kuweba nakatira?
Oh well, sana sa kuweba na nga lang ako — yung hindi umaabot sa mga ganito. Yung pinahahalagahan ang mga commitments.
Kaya nga paano mo pagkakatiwalaan ang mga lingkod-bayan na magiging tapat sa pinaglilingkuran, kung sa sarili nilang pamilya at bakuran ay kanilang napaglilinlangan?
Hayyyy nakoooooo!
Read: Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?
