PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cardinal Luis Antonio Tagle: Possible successor to Pope Francis?

Who is Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle?
by KC Cordero
Published Apr 23, 2025
Official photo of Cardinal Luis Antonio Tagle
May posibilidad na si Cardinal Luis Antonio Tagle ang humalili sa namayapang si Pope Francis. Kung sakali, siya ang kauna-unang Asian na Santo Papa. (Photo: The Roman Catholic Archdiocese of Manila)

Sa pagkawala ni Pope Francis, matunog ang pangalan ni Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle bilang isa sa maaaring mahalal bilang bagong Santo Papa.

Pumanaw si Pope Francis noong April 21, 2025, sa edad na 88, sanhi ng stroke at irreversible heart failure.

Photo of Pope Francis
Sa pagpanaw ni Pope Francis, maghahalal ng susunod na Santo Papa ang mga cardinal na wala pang 80 years old. Photo: Wikipedia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong April 22, nakapanayam ng Unang Balita ng GMA Integrated News si Fr. Francis Lucas, director for broadcast ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

Dito ay sinabi niya ang posibilidad na si Cardinal Tagle ang next pope.

Ayon kay Fr. Lucas, “Okey naman, puwede siyang manalo.”

Ang pasubali lang niya, “Pero ang Espiritu Santo [ang] magdedesisyon.”

electing a new pope

Ibinahagi rin ni Fr. Lucas na ang mga cardinal na wala pang 80 anyos ang kasali sa mga boboto.

Inilarawan niya ang proseso.

“Pagdating ng mga cardinal, mag-meeting-meeting sila, mag-uusap-usap, tsika-tsika.

“At maaaring ilinya nila kung anu-ano sa pag-inog ng panahon ngayon ang uri ng kailangang papa.”

Ang pagpupulong aniya ng mga cardinal ay hindi isang kampanya kung sino sa mga ito ang papalit kay Pope Francis.

“Usap-usap lang kasi galing sila sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Kaya yun ang pag-uusapan.

“Pero pagpasok sa conclave, wala na yun. Nakakulong na sila doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maghihintay na lang sila ng pagboto ng bawat isang cardinal elector.”

Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE, A STRONG CONTENDER TO SUCCEED POPE FRANCIS

Iniulat ng international news organization na Reuters na si Cardinal Tagle ay madalas na tinatawag bilang "Asian Francis."

Photo of Cardinal Luis Antonio Tagle
Isa si Cardinal Luis Antonio Tagle sa may tsansang pumalit sa pumanaw na si Pope Francis. Photo: Wikipedia
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa BBC, pareho raw kasi sila ng views ng yumaong Santo Papa pagdating sa "social issues and sympathy for migrants."

Hindi rin daw matatawaran ang kanyang "decades of pastoral experience," na ang ibig sabihin ay he's been an "active Church leader among the people."

Sakaling mahalal, si Cardinal Tagle ang magiging pinakaunang Santo Papa mula sa Asia.

Read: Meet Jessie Sincioco, the chef who prepared Pope Francis’s meals during Papal visit in 2015

WHO IS CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE?

Isinilang si Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle noong June 21,1957, sa Maynila.

Tumanggap siya ng religious instruction sa St. Andrew’s School, Parañaque City, na pinamamahalaan noon ng Scheut Missionaries.

Nagtapos siya ng high school noong 1973.

Pumasok siya sa inter-diocesan San Jose Seminary sa Maynila, na pinamamahalaan ng mga Jesuits.

Nag-aral siya ng philosophy sa Ateneo De Manila University at theology sa Loyola School of Theology.

Nakumpleto niya ang kolehiyo noong 1977.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sebastian Eviota, first full-blooded Pinoy na member ng Pontifical Swiss Guard

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE AS A PRIEST

Na-ordinahan si Cardinal Luis Antonio Tagle sa diaconate noong July 18, 1981.

Naging ganap siyang pari noong February 27, 1982.

Sa unang tatlong taon ng kanyang pagiging pari, naglingkod siya sa parish ministry, at bilang spiritual director ng Diocesan Theological Seminary sa Imus, Cavite.

Kalaunan, naging rector siya rito.

Nagturo rin siya ng philosophy and theology sa Divine Word and San Carlos Seminaries at sa Loyola School of Theology.

Read: Erik Matti at Michiko Yamamoto, tagumpay sa misyong makita si Pope Francis

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE’S FURTHER EDUCATION

Noong 1985, ipinadala si Cardinal Luis Antonio Tagle sa Catholic University of America sa Washington, D.C. para mag-aral ng systematic theology.

Nagkaroon siya ng license sa sacred theology noong 1987.

Nakuha niya ang kanyang doctorate at nagtapos bilang summa cum laude noong 1991.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang pagbabalik sa Imus noong 1992, muli siyang naging rector ng Diocesan Theological Seminary.

Naging miyembro rin siya ng College of Consultors, at ng Presbyteral Council and Episcopal Vicar for religious.

Itinalaga siya noong 1998 bilang parish priest ng Our Lady of Pilar Cathedral.

Ipinagpatuloy rin niya ang pagtuturo ng theology.

Nagbigay siya ng lectures, namahala sa retreats, at nag-organisa ng seminars para sa mga pari, religious, and laity sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Read: Vice Ganda, Andoy Ranay, other celebs rejoice over Pope Francis’s same-sex civil union endorsement

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE’S INTERNATIONAL EXPOSURE

Noong 1997, itinalaga si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang member ng International Theological Commission.

Pagsapit ng 1998, naging bahagi siya bilang isang expert sa ginanap na Special Assembly for Asia of the Synod of Bishops.

Nakabilang din siya ng mga aktibidad ng Bishops’ Conference, at maging ng Federation of Episcopal Conferences of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa siya sa madalas maimbitahang speaker sa mga organisasyong ito.

Lumahok siya sa editorial committee ng Institute for Religious Sciences of Bologna, at nakabilang sa mga nag-draft ng history ng Second Vatican Council.

Nakilala rin si Cardinal Tagle dahil laganap sa Internet ang kanyang weekly video broadcasts tungkol sa liturgical readings.

Siya rin ay supportive sa LGBTQ, maging sa divorced and remarried Catholics, ulat ng CBS News.

Pero, ayon sa Rappler, malinaw ang stand niya laban sa drug-war killings at iba pang klase ng murder, gaya ng abortion.

Read: Alden Richards, next to Pope Francis as most-searched male personality in 2015, based on Google Philippines

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE RISES FROM RANKS

Sa mga nagdaang taon, unti-unting lumawak ang misyon ni Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle.

Naging kura paroko siya ng Imus noong October 22, 2001.

Naordinahan naman siya bilang full bishop pagsapit ng December ng nabanggit na taon.

Ang sektor ng kabataan ang focus ng kanyang special attention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang sampung taon, itinalaga siya bilang Archbishop of Manila noong October 13, 2011.

That same year, sinimulan niya ang panunungkulan sa archdiocese pagsapit ng December 12.

Kabilang sa mga nadaluhan niyang pagtitipon ng mga arsobispo ang III Extraordinary General Assembly of the Synod of Bishops noong October 2014 para sa paksang “The Pastoral Challenges of the Family in the Context of Evangelization”; ang XIV Ordinary General Assembly noong October 2015, kung saan tinalakay ang “The Vocation and Mission of the Family in the Church and Contemporary World.”

Nai-proklama siya bilang Cardinal ni Pope Benedict XVI noong November 24, 2012.

Siya rin ang president ng Caritas Internationalis mula noong May 2015.

Read: #PopeFrancisPH: Pope Francis on his Philippine visit: “The gestures moved me.”

CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE AND POPE FRANCIS

Nakilahok si Cardinal Luis Antonio Gokim Tagle sa conclave noong March 2013, kung saan nahalal si Pope Francis bilang Santo Papa at pinalitan ang nag-resign na si Pope Benedict XVI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinalaga naman siya ni Pope Francis noong December 8, 2019, bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Photo of Cardinal Luis Antonio Tagle and Pope Francis
Cardinal Luis Antonio Tagle and Pope Francis. Photo: Vatican News

Nagdesisyon din si Pope Francis noong May 1, 2020, na hirangin si Cardinal Tagle “in the Order of Bishops, equating him in all respects to the Cardinals who were given the Title of a suburbicarian Church.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabing dahil sa kanyang kakayahan at sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pope Francis, may tsansa si Cardinal Tagle na maging ang susunod na Santo Papa.

Pero nakasalalay pa rin ito—ayon nga kay Fr. Lucas—sa Espiritu Santo.

Read: #PopeFrancisPH: Pope Francis's concluding mass in Luneta breaks attendance record

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May posibilidad na si Cardinal Luis Antonio Tagle ang humalili sa namayapang si Pope Francis. Kung sakali, siya ang kauna-unang Asian na Santo Papa. (Photo: The Roman Catholic Archdiocese of Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results