PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet the cast of Tropang G.O.A.T.

The new iWant sports drama Tropang G.O.A.T. premieres on August 15, 2025.
by Mark Angelo Ching
Published Aug 15, 2025
Tropang G.O.A.T. cast
Presenting the cast of Tropang G.O.A.T.: (L-R) Joaquin Arce, Jansen Magpusao, Krystal Mejes, Kanata Tapis, Santino Santiago, Beauty Gonzalez, Luis Alandy, and Charm Aranton, who plays the assistant of Nova Villa (not in photo) in the series.
PHOTO/S: Mark Ching

Ready nang mag-toss, mag-spike, at umatake patungo sa inyong mga TV screens ang Tropang G.O.A.T., ang pinakabagong sports drama sa iWant.

Tungkol ito sa mga miyembro ng isang high school volleyball team at ang masigasig na coach na magdadala sa kanila sa championship.

Bida rito ang tatlong batang Kapamilya talents na sina Santino Santiago, Jansen Magpusao at si Joaquin Arce.

Si Beauty Gonzalez naman ang gaganap bilang Coach Toni, na baguhan pa lamang sa pagko-coach sa Masigasig Integrated School.

Beauty Gonzalez for Tropang G.O.A.T.
Beauty Gonzalez
Photo/s: Mark Ching
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa cast sina Jackie Lou Blanco, Luis Alandy, Cedrick Juan, Kanata Tapia, Krystal Mejes, Charm Aranton, at Nova Villa.

May special participation naman sina Freddie Webb at ang volleyball champion na si Alyssa Valdez.

Si Randolph Longjas ang direktor ng Tropang G.O.A.T.

Maaalalang siya rin ang direktor ng 2024 movie na Mujigae, starring Alexa Ilacad at Kim Ji Soo.

Ipapalabas ang Tropang G.O.A.T. sa iWant, every Friday, starting on August 15, 2025.

Tropang G.O.A.T.: MEET THE CAST

Santino Santiago

Santino plays Balong, ang libero ng Green Goats volleyball team.

Santino Santiago for Tropang G.O.A.T.
Santino Santiago
Photo/s: Sany Chua/ Star Magic
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki siya sa kanyang lola, dahil matagal nang umalis ang kanyang nanay.

Sa special screening ng Tropang G.O.A.T. na ginanap noong Lunes, August 11, 2025, sinabi ni Santino na napamahal na siya sa volleyball matapos gawin ang series.

“Ever since po na nag-start kami ng training, I’ve come to love volleyball. Kahit noong natapos na po yung series, tinuloy ko po yung paglalaro ko, kasi gusto ko pong maging proud sina coach,” sabi ng newbie actor.

Read: Pitong pelikula, pagpipilian para maging PH entry sa 98th Oscars

Jansen Magpusao

Jansen plays Sid, na sumali sa volleyball team para makakuha ng allowance na makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya.

Jansen Magpusao for Tropang G.O.A.T.
Jansen Magpusao
Photo/s: Sany Chua/ Star Magic
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Baguhan din si Jansen sa volleyball bago na-cast sa Tropang G.O.A.T.

Mas kilala siya sa indie film niyang John Denver Trending (2019), kung saan nanalo siya ng Best Actor award sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jansen, sinabi nitong masaya siya dahil finally, nagka-main role na siya sa isang series for the first time.

“Ito rin po yung first role ko na masaya. Nung nakita na po namin yung mga snippet, at nung nakita na po namin yung buong episode, sobrang saya niya at solid talaga yung ginawa naman nina Direk Randolph,” saad ng young indie actor.

Read: Enrique Gil deletes “I love you” comment on Liza Soberano's post

Joaquin Arce

Joaquin plays Gino, ang spiker ng team Green Goats.

Joaquin Arce for Tropang G.O.A.T.
Joaquin Arce
Photo/s: Mark Ching
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng PEP kay Joaquin, sinabi nitong among the main cast, siya ang may background sa volleyball.

Naglaro siya nito para sa school niya dati, pero muntik na siyang mag-quit matapos mamatay ang kanyang kapatid.

“I trained for intrams namin sa school at talo kami dun. So I guess yung totoong dahilan, yung plano ni Lord na mag-train ako sa volleyball is this show.

"Actually, pure milagro yung role na ito,” saad niya.

Beauty Gonzalez

Beauty plays Coach Toni, na bagong teacher sa Masigasig Integrated School kaya’t mabigat ang trabaho niyang bumuo ng bagong volleyball team.

Sa pakikipag-usap ni Beauty sa PEP, sinabi nitong nanibago raw siya noong nagsimula ang shoot dahil mas sanay siya sa drama.

“Happy ako kasi it’s something new for me. I’m always doing drama. Dito walang sampalan, walang iyakan, walang mahabang agawan ng asawa, walang nawawalang anak. So everything’s new,” saad niya.

Jackie Lou Blanco

Jackie Lou plays Mommy Ginny, ang nanay ni Gino, ang karakter ni Joaquin Arce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jackie Lou Blanco and Joaquin Arce for Tropang G.O.A.T.
Jackie Lou Blanco and Joaquin Arce
Photo/s: Carlo Saavedra

Cedrick Juan

Cedrick plays Coach Rom, isa ring sports coach sa Tropang G.O.A.T.

Cedric Lee for Tropang G.O.A.T.
Cedric Lee
Photo/s: Carlo Saavedra
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Luis Alandy

Luis plays Mang Obet, ang ama ni Sid, na karakter ni Jansen Magpusao.

Luis Alandy for Tropang G.O.A.T.
Luis Alandy
Photo/s: Sany Chua/ Star Magic

Siya ay ang bagong security guard sa Masigasig Integrated School.

Natuwa si Luis nang mapanood ang first episode ng bagong series.

“First episode pa lang, very entertaining na yung show namin. Na-amaze ako dun sa animation. Very catchy siya, very entertaining,” pahayag ng character actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nova Villa

Nova plays Lola Uray ni Balong, na karakter ni Santino Santiago.

Nova Villa for Tropang G.O.A.T.
Nova Villa
Photo/s: Mark Ching

Sa special screening, nagbiro ang veteran actress na hindi niya alam na sports drama ang kanyang sinalihang palabas.

“Sa drama ako, e. Ngayon ko lang napanood ito e. Sports pala. Kasi tuwing shooting drama, kasama ang aking apo. Yun lang ang naintindihan ko, yung relasyon namin ng apo ko,” sabi ni Nova habang tumatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanata Tapia

Kanata plays Chiyaki, a professional video gamer.

Kanata Tapia for Tropang G.O.A.T.
Kanata Tapia
Photo/s: Mark Ching

Pahayag ng dating Pinoy Big Brother Gen 11 housemate, hindi naman daw siya nag-train para sa role niya.

“But yung expressions, yung mga sasabihin ko, nagpaturo lang ako sa mga teammates ko,” sabi ng baguhang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Krystal Mejes

Krystal plays Lia Taekwondo.

Krystal Mejes for Tropang G.O.A.T.
Krystal Mejes
Photo/s: Sany Chua/ Star Magic

Sineryoso raw niya ang martial arts training para sa show.

“I really hard to train hard for that scene na kailangan naming kunan because I don’t really play taekwondo in real life. Parang nabinat ang buong pagkatao ko,” biro ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presenting the cast of Tropang G.O.A.T.: (L-R) Joaquin Arce, Jansen Magpusao, Krystal Mejes, Kanata Tapis, Santino Santiago, Beauty Gonzalez, Luis Alandy, and Charm Aranton, who plays the assistant of Nova Villa (not in photo) in the series.
PHOTO/S: Mark Ching
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results