PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How architect Ed Ramos converts content into clients

Ed's love for his professtion gave way to another passion.
by Bernie V. Franco
Published Dec 24, 2025
Architect Ed Ramos
Licensed architect Edelito "Ed" Ramos started content creation a few years ago, just wanting to educate netizens about architecture. Gradually, he was able to garner hundreds of thousands of followers who want to learn about his profession.
PHOTO/S: Architect Ed on Facebook

Sinimulan ng licensed architect na si Edelito “Ed” Ramos ang pagiging content creator noong COVID-19 pandemic.

Sa panahong matumal ang pagdating ng projects, naisip ni Ed na gumawa ng videos para ma-educate ang netizens ukol sa kanyang propesyon at makapagbigay ng tips sa pagpapagawa ng bahay.

Eventually, naging adbokasiya niya ito.

Gradually, nadagdagan ang followers niya, pati na rin ang kanyang clientele here and abroad.

Read: Architect explains why jalousie windows are more practical

architect ED RAMOS: BACKGROUND

Bilang content creator, sinisikap niyang simplehan ang mga paliwanag para madaling maunawaan.

Siya rin ang naging constant resource person ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagdating sa house-building articles.

Sa eksklusibong interview, ibinahagi niya kung paano siya napadpad sa content creation.

Si Ed, 43, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Architecture sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Siya ay taga-San Jose Del Monte, Bulacan, at married.

Nagsimula siyang magtrabaho sa construction industry noong 2006. Na-employ siya bilang isang designer sa isang construction industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-involve po ako sa isang architectural firm na ang projects ay abroad,” paliwanag niya, at ang locations daw ng mga projects na ito ay sa Southeast Asia at Middle East.

“Ang dini-design po namin ay mga resort, mga hotel, commercial complex, mga malls…”

Nagsimula siyang maging builder noong 2009. Nagtayo siya ng sariling kumpanya.

“Architectural design and build ang aming trabaho. So, puwede pong mag-accept kami ng design projects only. Ibig sabihin, may contractor na magbi-build,” paliwanag niya.

“Puwede rin naman na design and build. Ibig sabihin, kami po yung magde-design, and then kami rin yung magsu-supervise ng construction.”

Kalimitan, pagdating sa pagpapatayo ng gusali ay may collaboration sa pagitan ng architect at engineer.

“Kailangan po namin ang isa't isa, lalo na kung ang project, ay meant for human habitation. Hindi puwedeng walang arkitekto.

“Maliban kung infrastructure, hindi na kailangan ng architects.

“Siyempre, infrastructure projects—mga kalsada, bridge, talagang territory ng engineer iyan… civil engineer…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero once na gagamitin po ng tao para tirhan, mag-stay sila diyan, kailangan ng aesthetic, kailangan po ng architect.”

Read: Three regrets of homeowners after construction

Architect Ed Ramos
At the height of the pandemic, Architect Ed Ramos started making video contents to educate netizens about his profession. Now, he has almost 800,000 followers on his social media platforms.
Photo/s: Architect Ed on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

architect ED RAMOS ON GROWING HIS SOCIAL-MEDIA FOLLOWERS

Pagbabalik-tanaw ni Ed, 2020 o 2021 nang simulan niya ang paggawa ng videos.

“Dahil sa pandemic, walang masyadong ginagawa. At inisip kong maging way para hindi lang mag-inform, maging virtual office para makatanggap ako ng mga commission, mga projects, at iyon nga po yung nangyayari," paliwanag niya.

Nagsilbing platform ang social media para i-promote ang kanyang services bilang architect.

Nagsilbi rin daw itong paraan para maituwid ang misconception ng marami ukol sa kanyang propesyon.

“Ang kilala talaga ng mga tao, foreman. Alam nila, pag magpapagawa, foreman kaagad. O kaya naman kung sa professionals, ang kilala nila, engineers.

“So ang objective ko po, yung architecture at yung architect, hanggang sa point na maging household na yung level ng alam ng mga tao tungkol sa profession."

Nais din niyang matulungan ang publiko na maiwasan ang pagkakaroon ng additional expenses—dahil mali ang pagkakagawa.

“Kaya naman nagiging paulit-ulit ang trabaho kasi walang definite na plan. Kumbaga, walang sinusundan na design. Na yung design na iyon nakasukat, mayroong definite na bill of materials, ano mga gagamitin, may specifications.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala nila, basta sisimulan na natin project, bumili na tayo ng materyales.

“Siyempre, dahil hindi napag-aralan yung gagawin, sobra yung materyales. O kaya naman, sayang yung mga materyales, uulitin dahil mali yung mga trabaho.

“Karaniwang iniisip ng mga Pilipino, imbes na ibayad nila sa mga professional, ibibili na lang nila ng materyales. Ang ending, ganun din. Mapagagastos pa sila dahil mali yung trabaho.”

Sa kanyang YouTube channel, si Ed ay mayroong 379,000 subscribers, habang sa Facebook ay mayroon siyang 388,000 followers.

Ani Ed, noong nagkaroon siya ng 1,000 followers ay nagulat na siya sapagkat isa siyang professional architect na sumubok lamang mag-vlog.

“Hindi ko in-expect na ganun kabilis. Tapos ngayon nga po, kung i-a-add natin yung dalawang platforms, nasa mga seven hundred thousand na siya.”

Bakit siya nagulat?

“Hindi ko po in-expect kasi, unang-una, yung content ko po, medyo may technical. Pero ang objective ko po, mas maging layman.

“Siguro yung effort ko po na gawing mas naintindihan ng pangkaraniwang tao yung technical na mga bagay tungkol sa construction saka sa architecture, yun po siguro yung resulta. Mas maraming nakaka-relate at madami po yung nanonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVANTAGES AND DISADVANTAGES OF BEING A CONTENT CREATOR

Inisa-isa ni Ed ang pros and cons ng pag-venture niya sa content creation.

“Ang advantages po, marami akong nakikilala. ‘Tapos marami pong nagre-reach out sa akin na clients.

“Isa pa, yung ibang mga kaibigan ko rin na architects, nabibigyan ko rin sila ng opportunity kasi hindi naman lahat ng lumalapit po sa akin, tinatanggap ko.

“Yung iba po, lalo na kung malapit sa mga lugar ng mga kaibigan kong architects, narere-refer ko sila. Nakaka-build sila ng relationship at nagkakaroon sila ng mga projects.

“Yung isa pa po, personal growth kasi yung confidence ko, mas nabo-boost ko pa. Mas nagiging relatable ako.

“Pati ako rin, nakaka-relate din ako sa iba't ibang clients kasi ang mga clients ko buong Pilipinas na ang nakaka-connect sa akin.

“So, iba't ibang project, iba't ibang location. Nag-go-grow yung aking expertise, so to speak.”

Pagdating sa disadvantages, binanggit ni Ed ang pagkakaroon ng bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga bashers, yung mga na ninindigan sila sa paniniwala na hindi na talaga kailangan yung mga architect na iyan, gastos lang iyan. So iyon, pinaglalaban nila iyon.”

Isa pa ay ang pressure mula sa clients dahil nagkakaroon sila ng high expectations. Dahil napapanood nilang nagtuturo si Ed, nakakabuo sila ng impression sa arkitekto.

Sa kabilang banda ay puwedeng maging disadvantage raw ito.

“Kapag may mga flaws yung trabaho parang…hindi naman talaga perfect yung trabaho. Iyan, medyo napupuna.

“Ine-expect ko talaga na mangyari kasi hindi naman ako ang nag-iisang tao sa project. Maraming gumagalaw na parts.”

Pagbawi niya, “Pero yun nga po, ang kagandahan nun, dahil meron tayong presence sa social media, meron trust. Parang automatic, trusted ka na. Pero, at the same time, meron pressure.”

Pagdating sa bashers, mas pinipili raw niyang i-ignore ang mga ito.

Pero mas marami raw ang positive comments na natatatanggap niya.

“Mas marami po iyon. Iyon po yung nagbu-boost pa ng motivation ko para magpatuloy. Kasi mas marami po talagang nakaka-appreciate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangga’t maaari sinisikap ni Ed na makagawa ng content isang beses sa isang linggo.

Architect Ed Ramos 2
Ed intends to continue making videos until he achieves his goal of making the public more aware of the importance of architects in house building.
Photo/s: Architect Ed on Facebook

FROM PASTIME TO PASSION

Epektibo raw ang kanyang paggawa ng content sa paghatak ng mas maraming clients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pina-rate kay Ed kung gaano ka-positibo ang pagiging content creator sa kanyang propesyon, kumpara noong wala siyang channel.

“Ang layo. Kasi nung wala pa po akong channel, ang liit ng circle kung ang pinanggagalingan ay ang mga reference. Talagang iyong mga direct na kakilala ko, relatives, kaibigan…ang liit lang.

“Pero ngayon, nationwide. Minsan, nasa abroad. May mga tawag nga akong nare-receive, U.S. clients, ‘tapos sa U.S. din yung project.

“Yung mga ganun, medyo hindi ko na kayang i-handle kasi hindi ko pa alam kung paano gagana iyon.

“So ang laki po ng difference. From 1 to 10, baka mga nine. Mas na-e-expose ako sa mga potential clients compared noon.”

Minsan kapag mapilit daw ang potential client, pero malayo ito, ang naio-offer na serbisyo ni Ed ay design ng structure.

Sa ngayon, ang pinakamalayong project na tinanggap daw niya ay sa Laguna.

Aminado siyang mas maraming siyang proyektong tinatanggap sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At tama lang yun sa kanya dahil very hands-on siya sa apg-supervise ng ongoing constructions.

Tuloy pa rin ang pagiging content creator at sana'y mas marami pa raw ma-reach ang kanyang vlogs.

“Nagiging passion ko na siya na mag-share ng knowledge. Kasi nakikita ko, ang dami pa talagang dapat malaman ng mga Filipino.

“Ang layo po ng knowledge natin sa mga kapitbahay nating sa Southeast Asia, ibang-iba. Halimbawa sa Vietnam, sa Singapore. Ang layo natin. Yung standard ng construction dito sa Philippines, ang baba. Masyadong mababa,” pagbubunyag ni Ed.

Ang hamon daw ay ipakilala sa mga tao ang makabagong paraan ng pagbi-build.

“Kaya yung construction methodologies dito, i-introduce mo yung mga kung ano’ng bago, ang sasabihin kaagad ng mga tao, ‘Ay, ano iyan? Magastos iyan. Ay, hindi ubra dito iyan.’ Ganun na agad kasi nga nasanay tayo sa hollow blocks, nasanay tayo sa mga kung anong nakasanayan nating construction method. Sayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, mas maganda, marami pa pong mga kagaya namin ang mag-facilitate ng free, free learning sa mga tao when it comes to construction and architecture.

“Yung tao, manonood lang siya sa YouTube, makikita na ganyan pala yung architect. ‘Ay, kailangan pala namin ng architect.’

“So, kahit yung mga layman, magkakaroon sila ng basic knowledge na kapag eventually, magkaroon sila ng project sa sarili nilang bahay, ang una na nilang tatawagin, architect.”

Gusto raw niyang tanggalin ang misconception na mayaman lamang ang nangangailangan ng arkitekto.

“Iyong tungkol sa magkano magpatayo ng bahay; magkano ang bayad sa architect; saan magandang bumili ng property. Mga ganun po na parang libre siya.

“Mas nagiging madali para sa mga tao na kumuha ng technical know-how dahil andito ako para i-share sa kanila yun nang free. Masaya po akong gawin iyon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Licensed architect Edelito "Ed" Ramos started content creation a few years ago, just wanting to educate netizens about architecture. Gradually, he was able to garner hundreds of thousands of followers who want to learn about his profession.
PHOTO/S: Architect Ed on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results