PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos' Emotional 60th Reunion

Vilma Santos: "No joke… 60 years in the business…"
by PEP Troika
Published Feb 14, 2023
vilma santos on politics
Vilma Santos: “Nag-reminisce akong bigla sa mga nagawa at nakasama ko sa career ko for 60 years! No joke… 60 years in the business… started 9 years old naman hahaha!”
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

Excited ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos na mapanood na natin ang special na selebrasyon ng 60th anniversary ng kanyang showbiz career.

Nai-tape nila ito sa Metropolitan Theater nung nakaraang linggo, at naging emotional si Ate Vi dahil naging bahagi sa special na ito ang ilan sa mga nakatrabaho niya at naging bahagi ng kanyang karera bilang artista sa loob ng 60 years.

Hindi raw niya napigilang maluha nang nakita niya ang paborito niyang leading man na si Christopher de Leon at anak-anakan na rin niyang si Claudine Barretto.

Read: Vilma Santos marks 60th showbiz anniversary with ABS-CBN show

“I felt soooo happy and elated!!!” simulang text ni Ate Vi sa PEP Troika.

“Medyo matagal at taon ang binilang na ako ay nawala o di naging visible sa industry.

“While doing the special… naging sensitive ang pakiramdam ko kahit nga sa mga video messages ng mga mahal ko sa industriya, plus yung personal ko pa nakita like CDL [Christopher de Leon] at Claudine B… naiiyak ako!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-reminisce akong bigla sa mga nagawa at nakasama ko sa career ko for 60 years! No joke… 60 years in the business… started 9 years old naman hahaha!” dagdag niyang text.

Bukod kina Boyet at Claudine, nagpasalamat si Ate Vi sa ilan pang mga dumalo, kagaya ni Pops Fernandez na kumanta ng theme song nitong "Star For All Seasons," lalo na kay Kuya Boy Abunda na kahit Kapuso na ito, tinupad daw ang pangakong maging bahagi sa naturang special.

“Magic word… SOOO GRATEFUL!! Grateful kay Tito Boy… inspite nasa GMA na, tinupad niya ang promise niya na siya mag-interview sa akin. Sooo thankful!!

“Grateful sa ABS for doing this special…6 na Dekada, Nag-iisang Vilma. Sa mga ABS-CBN executives, maraming maraming salamat po sa pagbibigay pagkilala sa tagal ko sa industriya!!!

“Sila Ms. Chit Guerrero ang humawak ng Special!!

“To all my colleagues in the industry…from the heart…maraming maraming salamat!!” text pa ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood na ang special na ito na pinamagatang Anim na Dekada, Nag-iisang Vilma sa February 18 at 19, 2023 sa Kapamilya Channel.

JERRY OLEA

Ngayong hapon ay si Ms. Vilma Santos ang special guest ni Kuya Boy sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda.

“Excited to be with Tito Boy tom… Feb 14 Valentine’s day pa!! Katakot din Fast Talk ha…baka ano masabi ko!! Hahaha! Excited!” text ni Ate Vi sa PEP Troika kahapon.

Read: Vilma Santos, special guest sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Valentine's Day

NOEL FERRER

Happy 60th Anniversary, Ate Vilma! We celebrate you and we love you!

At tingnan niyo naman, Ate Vi’s power and goodness transcend generations, platforms and even networks.

Sana talaga, pagkatapos nitong anniversary special, marami pa tayong masusuportahang gawain ni Ate Vi because she still has a lot of excellence and love to give. Mapalad tayo na lagi na lang binibiyayaan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahal ka namin, Ate Vi!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos: “Nag-reminisce akong bigla sa mga nagawa at nakasama ko sa career ko for 60 years! No joke… 60 years in the business… started 9 years old naman hahaha!”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results