Cheryl Cosim jokes about losing job upon entry of Korina Sanchez, Ted Failon into TV5; Raffy Tulfo reacts

by Arniel C. Serato
Oct 8, 2020
Frontline Pilipinas news anchors Cheryl Cosim and Raffy Tulfo welcome Korina Sanchez and Ted Failon on TV5. Then Cheryl quips, "Basta, hindi tayo mawawala, ha? Hahaha!"
PHOTO/S: Courtesy: TV5 / News5 on Facebook

Isa sa mga tampok na balita ng Frontline Pilipinas kagabi, October 7, ang pagiging bahagi na ng TV5 ng dating Kapamilya broadcaster na si Korina Sanchez.

Bago magtapos ang episode ng prime-time newscast ng Kapatid network, sandaling nag-usap ang dalawang anchors na sina Cheryl Cosim at Raffy Tulfo ukol sa pagpirma ng kontrata ni Korina sa Brightlight Productions.

Ang Brightlight Productions ay pag-aari ni dating Negros Occidental Congressman Albee Benitez, na magpo-produce ng mga shows na ipapalabas sa TV5 sa pamamagitan ng isang blocktime agreement.

Sabi ni Raffy kay Cheryl, "So partner official ng Kapatid si Korina."

Tugon ni Cheryl, "At ‘yan ang hihintayin nila kasi sabi niya di ba ngayong Oktubre ay she’ll be joining us.

"So dapat i-welcome natin."

Dagdag ni Raffy, "Siyempre dapat. Andito na si Ted, si Korina... Sino susunod?"

Nitong nakaraang Lunes lamang, October 5 nag-umpisa na ang apat na oras na radio show ni Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo Singko, ang radio arm ng TV5.

Continue reading below ↓

"Basta, hindi tayo mawawala, ha? Hahaha!" pabirong hirit ni Cheryl, sabay pakawala ng malutong na halakhak.

Ayon naman kay Raffy, walang dahilan para mangamba ang resident news anchors ng TV5.

Lalo lang daw pinalakas ng network ang news department nito.

Saad ni Raffy, "Hindi naman. Nakadagdag sila.

"Lalo tayong lalakas. Yun, abangan niyo ang paglalakas pa ng TV5.

"Sanib-puwersa ang TV5 at Cignal. Dito lang ‘yan."

“TULOY ANG LIGAYA”

"Happy and honored" naman daw si Korina na magiging bahagi na siya ng TV5 matapos ang halos tatlong dekada sa ABS-CBN.

Isa si Korina sa hindi nabigyan ng bagong trabaho sa network matapos itong magsara dahil sa pagkapaso ng kanilang prangkisa.

Ibinasura din ng Kongreso ang aplikasyon nila ng prangkisa kaya tuluyan na itong nagpaalam sa free-to-air television.

Sa kanyang bagong tahanan, ipagpatuloy daw niya ang nasimulan sa dating programa niya sa ABS-CBN na Rated K.

Rated Korina na ang magiging pamagat nito sa TV5 ngayong Oktubre.

Continue reading below ↓

Saad pa niya sa panayam ng News5 kahapon, October 7, “Well, you know, it hasn’t really been that long.

"So that’s why I feel very, very blessed that I didn’t have to wait for so long for me to come out again on free TV.

"As people know, I’ve been producing in Facebook, digitally, pero iba pa rin siyempre if you’re on free TV.”

Dagdag niya, "I know many friends who are in TV5, which is like having family again.

"Familiar faces, people I worked with all these years in journalism and in broadcasting.

"So, parang tuloy lang ang ligaya."

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frontline Pilipinas news anchors Cheryl Cosim and Raffy Tulfo welcome Korina Sanchez and Ted Failon on TV5. Then Cheryl quips, "Basta, hindi tayo mawawala, ha? Hahaha!"
PHOTO/S: Courtesy: TV5 / News5 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results