ABS-CBN releases statement on Toni Gonzaga's departure from PBB

by James Patrick Anarcon
Feb 10, 2022
Toni Gonzaga
ABS-CBN on Toni Gonzaga: “We value Toni’s hosting prowess and her many years of serving the Filipino with us as our Kapamilya. We accept her resignation from Pinoy Big Brother and respect her personal choices.”
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram

Tinatanggap ng ABS-CBN ang desisyon ni Toni Gonzaga na umalis sa pagiging main host ng Pinoy Big Brother pagkatapos ng 16 na taon.

Sa statement na inilabas ng ABS-CBN ngayong Huwebes, February 10, 2022, nagpasalamat ang network sa serbisyong ibinigay ni Toni para sa programa.

Nirerespeto rin daw ng network ang kanyang “personal choices.”

Narito ang pahayag ng ABS-CBN:

“ABS-CBN remains grateful to Toni Gonzaga-Soriano for the 16 years of being the main host of Pinoy Big Brother.

“We value Toni’s hosting prowess and her many years of serving the Filipino with us as our Kapamilya.

“We accept her resignation from Pinoy Big Brother and respect her personal choices.”

ABS-CBN statement on Toni Gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala namang nabanggit sa statement kung hindi na ba talent ng ABS-CBN si Toni, pero bago siya nag-resign sa PBB ay ito lang din ang proyektong kanyang ginagawa.

Nagsimula ang showbiz career ni Toni sa GMA-7 noong 1998 bilang Tintin Gonzaga. Dito, nagkaroon siya ng bit roles sa Bubble Gang at ibang shows ng Kapuso network. Naging bahagi rin siya ng GMA Artist Center.

Noong 2001 ay nakilala si Toni dahil sa isang softdrink commercial at di nagtagal ay nakuha siya bilang co-host ng Eat Bulaga!

Nakasama rin siya sa mga programang Habang Kapiling Ka, S-Files, at Love To Love.

Noong 2004, habang nasa GMA-7 siya ay naging bahagi si Toni ng Wazzup Wazzup, isang comedy news program na inere sa Studio 23, ang UHF Channel ng ABS-CBN.

Hindi nagtagal ay naging Kapamilya si Toni noong January 2005. Dito siya nabigyan ng pagkakataong maging bida sa teleserye tulad ng Crazy For You, Maging Sino Ka Man, at Kokey @ Ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbida rin siya sa mga pelikula bilang contract artist ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Kabilang dito ang ‘D Anothers, You Are The One, My Big Love, My Amnesia Girl, Starting Over Again, Four Sisters and a Wedding, at Last Night.

Nakapag-record din siya ng albums at nakapagtanghal ng concerts.

Sa ABS-CBN din siya nabigyan ng break bilang isang TV host nang maging main host siya ng Pinoy Big Brother mula 2005 hanggang sa nag-resign siya sa current season nito ngayong 2022.

Ilan pa sa mga malalaking TV shows na nag-host si Toni ay ang Entertainment Live, The Buzz, Happy Yipee Yehey, at The Voice.

Nag-host din si Toni ng online talk show na I Feel U, ang programang ginawa ng Star Cinema noong kasagsagan ng pandemic.

Kahapon, February 9, pumutok ang balitang nag-resign si Toni sa kanyang hosting duties sa Pinoy Big Brother.

Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng isang statement na ipinost sa kanyang Instagram account. Nagpahayag din ang pamunuan ng PBB na nirerespeto nila ang desisyon ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang balitang pag-alis ni Toni sa PBB ay nangyari isang araw pagkatapos ng pinag-usapan niyang paghu-host sa political campaign rally at pag-eendorso ng tambalang Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa Philippine Arena noong Martes, February 8, 2022.

Ipinakilala rito ni Toni si Marcos Jr. bilang "susunod na presidente" at si Duterte-Carpio bilang "susunod na bise presidente."

Bukod pa rito, si Toni rin ang nagpakilala sa tumatakbong senador na si Rodante Marcoleta.

Bilang Deputy Speaker ng House of the Representatives, kabilang si Marcoleta sa nanguna sa panggigisa sa resource persons mula sa ABS-CBN—lalo na ang pinakamatataas na opisyal nito—sa 12 araw na pagdinig sa franchise renewal application ng Kapamilya network noong 2020.

Isa rin siya sa 70 mga kongresistang bumoto ng "Yes" para tuluyang ibasura ang pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi ikinatuwa ng maraming katrabaho ni Toni sa ABS-CBN ang ginawang paghu-host nito sa rally.

Kabilang dito ang business unit head ng Pinoy Big Brother na si Raymund Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN on Toni Gonzaga: “We value Toni’s hosting prowess and her many years of serving the Filipino with us as our Kapamilya. We accept her resignation from Pinoy Big Brother and respect her personal choices.”
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results