PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame on higher ratings of GMA programs than Wowowin

Willie: "Sabihin mataas ang ratings nung wala ako, sa inyo na lahat yan."
by Arniel C. Serato
Published Mar 29, 2022
Willie Revillame reacts to "kawawa naman si Willie, online na lang" statement
Willie Revillame reacts to naysayers about his online show: "Yung iba diyan nagsusulat parang nakakaawa daw ako, nasa YouTube, Facebook na lang daw ako. Mag-isip nga kayo, 'yan na ho ang mundo ngayon, social media na. YouTube, Facebook na talaga."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube

Nag-react si Willie Revillame sa mga ulat na mas mataas ang rating ng mga programang pumalit sa dati niyang timeslot sa GMA-7.

Nagtapos ang programa ni Willie sa GMA-7 na Wowowin: Tutok To Win noong February 11, 2022. Kasunod ito ng pag-expire ng kanyang kontrata sa Kapuso network.

Ang pansamantalang pumalit sa timeslot ng Wowowin ay ang Dapat Alam Mo! nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak.

Orihinal itong napapanood sa GTV, pero umere ito sa GMA-7 mula February 14 hanggang March 18.

Noong March 21 naman ay nagsimulang umere ang Family Feud ni Dingdong Dantes sa dating timeslot ng Wowowin at Dapat Alam Mo!

Base sa mga lumabas na datos mulas a AGB Nielsen NUTAM, bahagyang tumaas ang mga ratng ng dalawang programa kumpara sa rating noon ng Wowowin.

Sa kanyang online program na Wowowin: Tutok Para Manalo, na napapanood sa YouTube at Facebook, nagbigay ng kanyang saloobin si Willie tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Sa inyo na 'yang ratings, sabihin mataas ang ratings nung wala ako, sa inyo na lahat 'yan.

“Basta ako, gagawa kong kabutihan sa aking mga kababayan at sa kapwa ko.

“Saka kahit naman siguro papa'no nakapagpasok naman siguro kami ng malaking pera diyan sa mga istasyon na pinasok namin dahil marami din naman mga sponsors na pumasok.

“Ganun lang 'yan, laging positive, tanggalin niyo na... ang hirap na, naggiyera na, na-COVID na, tama na 'yang mga ganyan.

"Maging mabuti tayo sa kapwa natin. Tayo ay magtutulungan."

IS It BETTER NOT TO BE CONNECTED TO A NETWORK?

Ayon kay Willie, mas malawak ang kanyang kalayaan sa pagtimon sa kanyang show ngayong hindi na siya nakatali sa kontrata sa isang istasyon.

Sa kanyang pagbabalik-programa via YouTube at Facebook, magagawa na raw ng host ang lahat ng kanyang kagustuhan.

Pahayag ni Willie, “Mabuti na rin ‘tong nangyaring 'to, sa Facebook at sa YouTube, nasasabi ko yung gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi pag nasa channel ka, ‘Pssst, bawal 'yan, di puwede 'yan,’ di ba?

“Pag naggi-guest ka ng artista galing sa ibang channel kahit hindi na lumalabas, ‘Bawal 'yan, di pupuwede 'yan,’ ang hirap.

“Gusto mo pagandahin ang programa mo para quality, ayaw, ‘Bawal 'yan, di puwede 'yan.’

"Hindi po puwedeng bawal. If you want entertainment, dapat ang intindihin mo yung mga taong nanonood. Yung mag-e-enjoy sila kaya nga sila nanoood, e.”

Pinalagan din ni Willie ang mga nasusulat na nawalan siya ng premium dahil online na lamang ang show niya ngayon.

Saad niya, “Uy, a, yung iba diyan nagsusulat parang nakakaawa daw ako, nasa YouTube, Facebook na lang daw ako.

“Mag-isip nga kayo, 'yan na ho ang mundo ngayon, social media na—YouTube, Facebook na talaga.

“Nagyu-YouTube din naman sila, gayundin na naman wala silang mga programa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame reacts to naysayers about his online show: "Yung iba diyan nagsusulat parang nakakaawa daw ako, nasa YouTube, Facebook na lang daw ako. Mag-isip nga kayo, 'yan na ho ang mundo ngayon, social media na. YouTube, Facebook na talaga."
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results