GORGY RULA
Madamdamin ang pagkanta ni Tom Rodriguez ng awiting "Sana Patawarin Mahal Ko" ni Renz Verano sa All-Out Sundays (AOS) noong Linggo, February 13, 2022.
Nandun din si Renz sa production number na yun kasama sina Mark Bautista at Bugoy Drilon. Mga awitin ni Renz ang kinanta nila sa production number.
Akala ng iba, mismong si Tom ang pumili ng kanta, pero sa kanya lang na-assign, at pinuri sa napakagaling niyang rendition.
Para kay Carla Abellana kaya ang kantang iyun?
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Pero natutuwa ang production staff sa participation ni Tom sa AOS, at sa darating na Linggo ay kasali pa rin daw siya.
Inilunsad na rin noong Linggo ang limang pares na Sparkle loveteams, kaya okay naman ang rating ng show na 3.9%.
Ang combined ratings ng katapat nitong ASAP Natin ‘To ay 2.6%.
Naka-2.9% ang GMA Blockbusters versus FPJ Da King na 1.7%. Mataas din ang huling episode ng Dear Uge na may may 4.1%, at 4% naman ang Regal Studio Presents, na sinundan ng Amazing Earth na 4.6%.
Pagdating sa primetime, umaariba pa rin ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na kahit walang guest ay naka-12.9% ito.
Ang 24 Oras Weekend ay 11.8%, at 1.5% naman ang TV Patrol.
Naka-10.6% ang Daig Kayo ng Lola Ko, at 1% ang Pinoy Big Brother.
Tumaas ang Kapuso Mo Jessica Soho na 17.1%, at ang taas ng The Boobay and Tekla Show na 5.2%.
JERRY OLEA
Inamin nina Glaiza de Castro at David Rainey sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday na kasal na sila.
Swak sa Valentine episode ng programa ang eksklusibong pasilip sa kanilang intimate wedding.
Nakakatuwa na rumaratsada ang Happy ToGetHer kahit walang guest. May hatak talaga sa televiewers si John Lloyd Cruz.
Ipinagbunyi rin ng mga Kapuso ang pilot episode ng First Lady nitong Pebrero 14, Lunes, sa GMA Telebabad.
Naka-14.4% combined ratings sa GMA 7 at GTV ang bagong teleserye nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, kumpara sa 10.1% combined ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Cine Mo, at Jeepney TV.
Take note na co-star ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano ang ex-wife ni Gabby na si Sharon Cuneta.
Ipinagdiwang din ng mga Kapuso ang mataas na rating ng Dapat Alam Mo noong Lunes, February 14. Ang Dapat Alam Mo ang pumalit sa Wowowin: Tutok Para Manalo.
Waging-wagi ang 7.2% combined ratings sa GMA at GTV ng Dapat Alam Mo, kumpara sa 2.3% ng Frontline Pilipinas sa TV5, at 0.8% ng PBB Kumunity Season 10 sa A2Z at Kapamilya Channel.
NOEL FERRER
Isang gusto kong tutukang ratings ay yung sa Dapat Alam Mo, na dating nasa GMA News TV at ngayo’y nasa GMA na. Nakakuha ito ng combined ratings na 7.2%.
Ang Dapat Alam Mo nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak ang pumalit sa Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.
So, naiangat nito ang rating ng dating programa sa timeslot na iyon, at naungusan ang katapat sa iba’t ibang network.
Sana ma-maintain nito ang lamang sa mga susunod pang araw dahil ito na ang infortainment program na aabangan, with matching pamimigay ng anda! Winner!
