PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame on "fake news" that he regrets leaving GMA-7

"Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo."
by Arniel C. Serato
Published Mar 28, 2022
Willie Revillame no regrets leaving GMA
Willie Revillame: "Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin 'yan. Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?"
PHOTO/S: Courtesy: SMNI News on Facebook

Mariing itinanggi ni Willie Revillame na pinagsisisihan niya ang desisyong umalis ng GMA-7 upang lumipat sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ng business tycoon na si Manny Villar.

Kaugnay ito ng ulat na lumabas sa news website na bilyonaryo.com noong March 26, 2022.

Nakasaad ditong, diumano, pinagsisisihan na ni Willie na tinalikuran niya ang Kapuso network.

Naiinip na raw kasi si Willie sa pagkaantala ng pagsisimula ng AMBS dahil sa ilang problemang teknikal.

Ito raw ang dahilan kaya nagpadala si Willie ng feelers sa dati nitong boss na si Atty. Felipe Gozon, ang Chairman at CEO ng network.

Ayon pa sa ulat, hirap diumano ang AMBS makabuo ng daily programming dahil wala pa raw itong nakukuhang talents.

Wala pa rin din daw studio at transmitter ang istasyon.

Ngayong Lunes, March 28, 2022, sa pamamagitan ng kanyang show na Wowowin: Tutok Para Manalo, na napapanood sa YouTube at Facebook, sinabi ng host na walang katotohanan ang mga balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin 'yan, naku, mahirap na lang magsalita.

"Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan.

"Saka huwag niyo ako isusulat sa bilyonaryo, hindi ako bilyonaryo, hindi ako businessman na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay."

Patuloy ni Willie: "Last week may mga lumalabas sa diyaryo, sa mga bilyonaryo na news diyan.

"Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo.

"Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin 'yan.

"Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?"

"FAKE NEWS YUN"

Kaugnay nito, ipinagtanggol din si Willie ng kanyang nanay-nanayan at malapit na kaibigan sa showbiz na si Cristy Fermin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa episode ng Showbiz Now Na—ang YouTube showbiz show ni Cristy, Rommel Chika, at Morly Aliniokaninang hapon, sinabi ni Cristy na nakausap niya si Willie ukol sa balitang lumabas sa isang website.

Tugon daw sa kanya ni Willie, “Saan kaya nila nakuha yun? Fake news yun.”

Abala raw ngayon si Willie dahil nagbabalik ang palabas nito sa Facebook at YouTube.

Read: Wowowin ni Willie Revillame, nagbabalik sa YouTube at Facebook

Lahad ni Cristy, “E, napaka-busy na nga niya ngayon nasa YouTube na siya at FB. Itinutuluy-tuloy na po niya ang kanyang pangako na itutuloy niya ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan.”

Pinag-isipan daw mabuti ni Willie ang hindi nito pagpirma ng bagong kontrata sa GMA.

Saad ni Cristy, “Eto na sabi ni Willie, ‘Ako, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7, in fact nagti-text-an kami ng aming mga kasamahan dati.’

“Nagbabalitaan sila. Pero yung pagbabalik sa GMA-7, wala sa bokabularyo niya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagulat daw si Willie nung nakarating sa kanya ang balita.

Sabi daw ni Willie kay Cristy, “Ano 'to, laro? Hindi nga ako pumirma ng bagong kontrata tapos babalik din pala ako, dahil mali ang desisyon ko? Pinag-isipan kong mabuti yun.'”

February 11 ang huling episode ng Wowowin: Tutok To Win ni Willie sa GMA.

Kasunod nito, pumutok ang balitang hindi lang talent si Willie ng AMBS ni Villar kundi may executive position din daw ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin 'yan. Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?"
PHOTO/S: Courtesy: SMNI News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results