Lianne Valentin moves on from "kabit" character; her new role is babaeng iniwan

by Rommel Gonzales
Sep 8, 2022
Lianne Valentin
Lianne Valentin is playing Deth in the "Love Your Beat" episode of Regal Studio Presents.
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram

Hindi akalain ni Lianne Valentin na umabot sa double digits ang finale episode ng Apoy Sa Langit.

Nagwakas ang top-rating GMA-7 drama series noong Sabado, September 3, 2022. Nakapagtala ito ng 10 percent sa ratings at four million views sa Facebook page nito.

"Naku, maraming maraming salamat po. Very happy po kami buong cast ng Apoy Sa Langit, and ako, personally," bulalas ng Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Natupad daw ang pangarap ni Laurice Guillen, ang direktor ng serye, na mag-double digits ang rating ng serye.

Kuwento ni Lianne, "Actually nagkuwento sa amin si Direk Laurice na parang it’s her dream na sana mag-two digits yung Apoy Sa Langit.

“Pero nung bandang patapos na, parang medyo, 'Okay, baka hindi na possible. Pero yun nga, life is full of suprises. And we’re very shocked and happy nung nalaman namin na nag-ten kami sa rating ng Apoy Sa Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And, you know, ang unang reaction namin, naging emotional talaga kami."

HOPING FOR BOOK TWO

Samantala, aminado si Lianne na mami-miss niya ang serye.

Paglalahad niya, “As in ang hirap i-let go nitong show na ito kasi minahal namin yung bawat character, minahal namin yung show, minahal namin yung production, lahat talaga.

“So mahirap. Pero iyon nga, it ended with a bang, with a ten rating.

"And kahit mahirap, nakakalungkot, still nangingibabaw yung saya dahil natapos namin yung Apoy Sa Langit nang buong-buo talaga."

Dahil sa success ng show, marami ang umaasang magkaroon ito ng Book Two.

Isa ba si Lianne sa mga humihiling na magkaroon ng Book Two ang Apoy Sa Langit?

Tumawa muna ang Sparkle female star bago sumagot.

“As of now, pagdating sa Book Two, wala pa po akong masasabi, wala pang confirmation or napag-uusapan, but I hope so. Sana po magkaroon ng Book Two, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

starring in regal studio presents

Nakausap ng PEP.ph si Lianne noong Martes, September 6, sa Zoom mediacon ng first anniversary ng Regal Studio Presents, na collaboration ng GMA at Regal Entertainment.

Sina Lianne at Carlo San Juan ang magiging bida sa episode na "Love Your Beat," sa direksyon ni Crisanto Aquino.

Ibang-iba ang papel dito ni Lianne, na kinamuhian ng marami bilang si Stella, ang kabit sa Apoy Sa Langit.

Sa Regal Studio Presents, gaganap si LIanne bilang Deth, isang kawawang singer na iniwan ng boyfriend.

Nahirapan ba si Lianne na tanggalin si Stella sa kanyang sistema upang magampanan nang maayos ang role niya sa Regal Studio Presents bilang si Deth?

“Ay naku, mahirap pag binitbit si Stella, hindi puwede,” at muling natawa si Lianne.

“Pero, of course po, mahirap. Yun nga, gaya nung ang hirap i-let go nung show, ang hirap ding i-let go ng mga characters namin. Kasi at the very start, ano namin yun e, kumbaga binuo namin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Piece by piece, binuo namin yung mga character namin, minahal namin yung mga character namin. Kumbaga parang ginawan namin sila ng, with the help of the writers, ginawan namin sila ng kumbaga isang tao 'tapos ipinasok namin yung mga sarili namin sa mundo nila.

“So it’s very hard to let go. Mas lalo na kung binigay mo yung one hundred percent hard work and effort mo para sa isang trabaho, para sa isang role."

Pero kahit daw mahirap ay alam naman ni Lianne na kailangan niyang i-let go ang role ni Stella.

Pagtuloy niya, “Oo, mahirap pong i-let go yung role ni Stella, pero kailangan.

"Kasi of course, I really want to, you know, experience other characters din po and roles. And yun, very different po siya sa role ko dito sa Regal Studio Presents."

Paano ilalarawan ni Lianne ang kanyang role bilang Deth sa "Love Your Beat" episode?

“Kasi dito, masasabi ko sobrang bubbly niya, sobrang perky, para siyang babeng bakla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang dami niyang problema sa buhay, as in maingay siya, ganyan.

“And may kilig factor din dito, may partner ako sa episode na ito.

“Pero masaya po ako, as in super happy ako na binigay po sa akin yung opportunitiy na ito, itong role na ito, itong episode na ito ng Regal Studio Presents.”

Naranasan na ba ni Lianne sa tunay na buhay na iwan ng boyfriend tulad ng sinapit ni Deth sa Regal Studio Presents?

“Grabe po yung tanong,” at tumawa si Lianne.

“Pero so far, thankful ako, hindi pa naman po nangyayari yun sa buhay ko.”

At hindi rin daw siya yung tipong nang-iiwan ng boyfriend.

“Ah hindi po, ayaw kong gawin yun,” ang tumatawa pa ring sagot ni Lianne.

“Ayokong makapag-break ng puso ng isang tao.”

Sabi naman ng writer na ito, dahil sa Regal Studio Presents ay makikita naman ng mga tao ang ibang “mukha” ni Lianne Valentin: ang mabait na si Deth at hindi ang kabit na si Stella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumang-ayon naman si Lianne. “Yes, of course, opo! Kasi siyempre iyon nga, it’s my goal to be, you know, a versatile actress.

"And I want to, like, showcase kung ano pang meron ako, hanggang saan pa ang kaya ko.

“So, I’m very happy kaya excited po ako na makita niyong lahat itong episode namin this Sunday.”

Mapapanood ang "Love Your Beat" episode ng Regal Studio Presents sa Linggo, September 11, 5:45 P.M.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin is playing Deth in the "Love Your Beat" episode of Regal Studio Presents.
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results