Zephanie reveals highlight of journey as Kapuso

by Rommel Gonzales
Sep 15, 2022
Zephanie
It has been six months since Zephanie became a Kapuso. "Ang bilis po talaga ng panahon, ‘no," she says.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Mabilis na dumaan ang anim na buwan ni Zephanie sa GMA-7.

“Grabe po, now that you’ve mentioned it po na six months na pala, ang bilis po talaga ng panahon, ‘no,” ang natatawang umpisang pahayag ni Zephanie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa loob ng anim na buwan na iyon, itinuturing ni Zephanie na isang highlight ng kanyang showbiz career ang mapabilang sa All-Out Sundays.

Sa pagpapatuloy ng Sparkle artist, “It’s been six months nga po and I think so far po, ang highlight ng journey ko po bilang isang Kapuso at isang parte po ng GMA family ay… actually I think iyon po yung talagang pagiging part ng All-Out Sundays na show on GMA.

"Kasi ako po talaga, ang pinaka-masasabi ko po na nagsimula or magde-describe ng journey ko is yung pagpe-perform po at yung pag-share ng talent ko.

“And being part po ng All-Out Sundays, I am able to showcase po my talent and also I’m able to explore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon yung lagi kong nare-realize, na nakakapag-explore po ako ngayon sa mga iba’t ibang fields or like sa pagpe-perform po. So I think iyon po yun.”

Si Zephanie ang umawit ng theme song ng mga seryeng Bolera at Apoy Sa Langit.

Nakausap siya ng PEP.ph sa face-to-face mediacon na ipinatawag ng GMA-7 para sa young singer. Ginanap ang mediacon kahapon ng tanghali, September 12, 2022, sa Cornerstone Studio sa Quezon City.

on pursuing acting

Kasama ba sa pag-explore ni Zephanie ang pasukin ang larangan ng pag-arte?

Sagot ng singer, “Pagdating po sa pag-acting, I think meron pong ilan sa inyo na mga nakakita ng videos ko po na nag-act online. And iyon po yung sa workshop po namin.

"And so far po ngayon, wala pa naman pong nao-offer na maging part po ako ng teleserye."

Pero nilinaw ni Zephanie na siya ay "really open" sa opportunity.

Aniya, “Siyempre naniniwala po ako na marami pa po akong kailangang matutunan pagdating sa pag-a-acting, kasi isa po yan sa mga medyo kinakatakot ko po nung bata ako dahil sobrang mahiyain po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon po na nandito po ako and nakikita ko po, nakakasama ko po yung ibang actress and actors, and very interesting po yung acting field.

“So if ever po na mabibigyan po ako ng chance na magkaroon ng teleserye talagang buong puso ko pong tatanggapin iyon."

Kung pasukin man niya ang acting, sino ang gusto niyang maging leading man?

Pag-amin ni Zephanie, “So far, wala pa po akong idea.

"Dahil I think, if ever magkakaroon po ako ng project talagang, hindi pa po pumapasok masyado sa isip ko yung pagkakaroon ng leading man.

“Pero kung sino man po yung ibigay sa akin, of course po talagang makikisama po ako at gagawin ko po yung best ko para mag-work po kami together sa project na yun.”

Pagdating naman sa mga aktres na gusto niyang makatrabaho, gusto ni Zephanie na makatrabaho ang kanyang kapwa Sparkle artists na sina Althea Ablan, Sofia Pablo, at Shayne Sava.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalahad niya, “Since ngayon po ang mga madalas ko pong makasama sa GMA everytime na nandun po ako ay yung nga teen stars like sila Althea, sila Sofia, sila Shayne, at marami pa pong iba.

"So kung may mga makasama man po ako, siguro ilan po sila dun na mga nagiging unti-unti kong ka-close and nakaka-build po ako ng friendship kasama sila. So iyon po.”

ON ENTERTAINING SUITORS

Sa February 2023 ay twenty years old na si Zephanie.

Pinapayagan na ba siya na magpaligaw?

Natawa muna si Zephanie bago sumagot.

“Lagi ko po iyang tinatanong kay mommy kasi siyempre nasa age na rin po ako na hindi po imposible na dumating po iyan, baka ibigay ni Lord, joke lang!

“Siguro po masasabi ko po ako personally kung wala po si Mommy dito,” at muling tumawa si Zephanie.

Dugtong niya, “I am very open naman po dahil I think it feels good po as a girl din and as a teenager, growing lady po na ma-feel mo yung merong nag-a-admire sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kung sino man pong may lakas ng loob at siyempre yung focus ko po ngayon talaga is my career and yung family ko po, of course.”

Wala pa naman daw pumupunta sa bahay nila para manligaw.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
zephanie
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It has been six months since Zephanie became a Kapuso. "Ang bilis po talaga ng panahon, ‘no," she says.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results