Jeric Gonzales on bagging major role in Start-Up PH: "Ang suwerte ko!"

by Rommel Gonzales
Sep 22, 2022
Jeric Gonzales at Start-Up PH mediacon
Jeric Gonzales on bagging the role of Davidson Navarro in Start-Up PH: “I am grateful and thankful to GMA for giving me this opportunity, and I’m proud of myself."
PHOTO/S: Noel Orsal

Matagal na raw sa wish list ng Sparkle artist na Jeric Gonzales ang makasama sa isang project si Alden Richards.

Sa sampung taon ni Jeric sa GMA Network ay hindi raw iyon nangyari.

Nang naging Kapuso si Bea Alonzo last year, dumagdag ang akres sa listahan ni Jeric ng mga artistang pinapangarap na makatrabaho.

Ngayong 2022 ay sabay nakamit ni Jeric ang kanyang mga pangarap bilang aktor—kasama siya bilang isa sa mga bida sa Start-Up Ph kung saan tampok sina Alden, Bea at Yasmien Kurdi.

Reaksiyon niya, “Until now I’m still overwhelmed talaga na kasama ako dito sa Start-Up Ph.

“And ako yung nag-play sa role ni papel ni Davidson Navarro na si Nam Do-san dun sa original."

Nakausap si Jeric ng press sa mediacon/pilot episode premiere ng Start-Up Ph sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria sa Ortigas nitong Sabado, September 17.

Ayon sa kanya, noon pa ay napanood na niya ang original Korean series na Start-Up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pinanood ko po talaga ito, e, and I never expected na darating yung time na gagawin yung adaptation na ito dito and ako pa yung magpe-play ng role na ito.

“And, of course, to work with Miss Bea Alonzo, Alden Richards, and Ms. Yasmien, ang suwerte ko po talaga!

“I am grateful and thankful to GMA for giving me this opportunity, and I’m proud of myself, of course.

“Ginawa ko po yung best ko dito.”

Unang napanood noong 2020, ang original Korean version ng Start-Up ay tinampukan nina Bae Suzy (bilang Seo Dal-mi), Kim Seon-ho (bilang Han Ji-pyeong), Nam Joo-hyuk (bilang Nam Do-san), at Kang Han-na (bilang Won In-jae).

Sa Start-Up Ph naman ay bida si Alden bilang Tristan Hernandez, si Bea bilang Dani Sison. at si Yasmien bilang Ina Diaz.

Sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, mapapanood ang Start-Up PH sa GMA simula sa September 26 sa GMA Telebabad bago ang What We Could Be nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Jeric Gonzales Start-Up Ph
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on bagging the role of Davidson Navarro in Start-Up PH: “I am grateful and thankful to GMA for giving me this opportunity, and I’m proud of myself."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results