PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Barbie Forteza missed lessons about Noli Me Tangere

Barbie Forteza "nanginginig" when she worked with ultimate crush Dennis Trillo.
by Rose Garcia
Published Oct 9, 2022
Barbie Forteza, Maria Clara at Ibarra
PHOTO/S: @gmadrama on Instagram

Bagamat pinagbibidahan ni Barbie Forteza ang Maria Clara at Ibarra, aminado ang aktres na hindi niya nabasa ang Noli Me Tangere.

Paliwanag ni Barbie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong high school kasi ako, nag-take ako ng Alternative Learning System. So hindi ko na naaral yung Noli Me Tangere. Parang napadali, na-expedite yung aking high school, so hindi ko na siya nadaanan."

Kaya naman masaya si Barbie na may pagkakataon siyang mapag-aralan ang sikat na nobela ni Gat Jose Rizal, lalo pa't ang kanyang role bilang si Klay/Maria Clara Infantes ay tatawid mula sa henerasyon ngayon at sa nakaraan.

Pagtuloy niya, “Isa yun sa pinagpapasalamat ko kasi, ngayon, natutunan ko siya at napo-portray ko pa. Mapapasok ko yung talagang mundo ng Noli at El Fili… so talagang may access na ako ngayon sa mga naganap sa libro.”

ALL PRAISES FOR TEAM BEHIND MARIA CLARA AT IBARRA

Kuwento naman ni Barbie, hindi raw siya makapaniwala noong una niyang malaman na siya ang napili na magbida sa isa sa pinakamalaking teleserye ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naku, unang-una sa lahat, natutuwa ako. Yung Meralco, e, hindi siya tumitigil. Nag-pandemic, di ba?” natatawang biro niya sa pagkakaroon ng kita mula sa bagong proyekto.

Sabay seryosong paliwanag niya, “Noong una, hindi pa ako naniwala agad. Kasi nga, parang napakalaking project niya.

“Nabalitaan ko nga po na ito pong programa na ito was conceptualized, October 2020, kasagsagan po ng ating pandemya.

"Isa yun sa mas kinabilib ko pa po sa ating GMA Network dahil dumaan man ang pandemya, hindi sila tumigil na talagang tumalakay sa mga importanteng issues ng ating bansa at balikan ang mga kasaysayan natin.

"At kita naman po natin na talagang metikuloso, binusisi ng creative team, director, at buong team ng Maria Clara at Ibarra kung paano namin magagawa nang maayos at ma-execute nang tama ang programang ito.

“We’re just very thankful na na-approve ang concept na ito and I’m proud of this show, very important show at very important milestones sa GMA Primetime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DREAM TO WORK WITH DENNIS TRILLO

Kasama ni Barbie bilang mga bida ng Maria Clara at Ibarra ang matalik niyang kaibigan na si Julie Anne San Jose at ang ultimate crush niyang actor na si Dennis Trillo.

Matagal nang bukambibig ni Barbie na pangarap niyang makasama o makapareha si Dennis. Ngayon nga ay tinupad na ng Kapuso network ang pangarap niyang ito.

Sabi ni Barbie, “Isa yun sa ipinagpapasalamat ko talaga. Blessing po talaga bukod sa matagal ko na rin crush si Mr. Dennis Trillo, bukod naman po doon, iniidolo ko po talaga ang talento niya sa pag-arte.

“Isa sa mga award-winning actor ng ating bansa ang isang Dennis Trillo. And it’s really an honor for me to be working with him.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At tila may kilig pa na sabi niya, “Nanginginig ako to be working with him.

“Tita Lilybeth (Rasonable), thank you so much! Napaaga ang Pasko ko. Maraming, maraming salamat po sa bumubuo ng programang ito. Tinupad niyo po ang pangarap ko na maka-trabaho si Dennis Trillo.

“Maraming, maraming salamat po.”

longest lock-in taping experience

Samantala, ayon sa boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto, ang Maria Clara at Ibarra ay ang pinakamatagal na lock-in taping ng aktres.

Nahirapan bang mag-adjust si Barbie?

“First time ko talagang ma-experience ang mahabang lock-in. Halos isang buwan na lock-in,” pag-amin niya.

“Mahirap siya dahil siyempre, nakaka-homesick. Ang layo ng Ilocos at na-experience namin ang lahat ng pwedeng ma-experience. Para kaming nasa theme park."

Ang dami raw nilang dinanas na di inaasahang adventures.

“Na-experience namin ang lahat ng rides. Na-signal number 3 kami doon. Na-earthquake kami doon. Kaya talagang kumpletos rekados po talaga ang experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ito nga, at least, may naikukuwento po ako, di ba? And charge it to experience. Natutunan kong maghanap ng open area, kasi, nakakatakot, e.”

Dugtong din niya, “Pero nakakatuwa kasi, sa isang buwan na lock-in na wala kang kasamang pamilya o mahal sa buhay, nakabuo kami ng pamilya within our production.

“Yung buong team namin, nagtulungan kami. Kapag merong nagkakasakit, lahat nag-aalala. Talagang naging buong pamilya kami.

"At talagang very hands-on din ang buong team ng show. Kaya I’m very happy na nagkaroon ako ng ganitong team. Ang tatag ng samahan namin.

"So kahit na mas ma-lock-in kami nang matagal, alam namin na matibay ang samahan namin.”

Umere ang pilot episode ng Maria Clara at Ibarra noong Lunes, October 3, 2022. Mapapanood ang serye sa GMA Telebabad.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @gmadrama on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results